Pages

Hello there!




When I'm sad, i write. When I'm happy, i write too! well only sometimes!
When I'm mad, I write again.
When I'm [name it], yes, I write everything:)
I love typing e. hehe.



Enjoy :] though ngayon palang magbibigay na ako ng warning. Halos kadramahan ung nandito because pag masaya ako, or inspired, hindi ako nakakapagsulat masyado, baliktad haha. So mas madaming drama kesa happy moments.

I'm not a good writer nga pala, usually what I write in here dere-deretso ko lang tinatype and I dont proofread it. At last na, bitin yung ibang kwento, lalo na pag inatake ako ng katamaran.


P.S.

thank you sa pagdaan dito sa blog ko

love,

Wednesday, March 13, 2013

Taiwan Photos

Sorry tinatamad ako magkwento so post nalang ako ng pictures!

Grabe pala ang lamig dun.. One day, babalikan ko talaga ang Taipei.







Ginaw festival pero nagice cream pa din :)





God is really great 


Swipe all you can ->MRT + BUS





More here: https://www.facebook.com/media/set/?set=a.4359217174669.2146796.1114958729&type=1&l=7ed7001314

Back to being strangers...

So I am about to write something about him... again.

Nung isang araw, nagmessage si Joyce sa akin. Tapos nagtext din siya.
"Check my wall"
"Check your facebook"

Nakakacurious tapos chineck ko, wala naman something.

Tapos tinawagan ko siya, sabi niya pinagusapan daw nila ako ni Paul.

Sabi ko nakablock siya so wala akong makikita. Sabi niya iunblock ko daw para mabasa ko.
Soooo.. Ok.

I unblocked him.

Tapos nabasa ko. Rereplyan ko sana ng "asshole" e. Kaso naisip ko video ni Joyce yun, nakakahiya naman magmura. Haha (ung comments nila ay dun sa Harlem Shake vid ni Joyce)

Tapos ibablock ko na sana dapat, AYAW!!! May 48 hrs waiting time pala para iblock ulit ung tao. Nakakainis. Kinwento ko kay Joyce yung sa block thingy.

Sabay kami nagdinner ni Joyce. Tapos sabi niya picture daw kami then i-tag ko siya. Then alamin daw namin kung magrereact si Paul or something. Syempre dba pag nakablock kahit na anong post ko, di niya makikita at kahit anong post niya di ko din makikita.

And then nagreact nga. He added me as a friend.

When I saw that, I was confused. Accept ba o hindi? Iwewelcome ko na naman ba siya? I think there will always be a part of me na o-OO sakanya. Na naghohope na subukan ulit.

Pero hindi. Inisip ko talaga agad yung mga nagawa ko ng dahil sakanya, yung mga sacrifices, efforts, PAIN, HURT... Worth it ba?

Nung minsan, nagmerienda kami ni Mariel (UST classmate) sa Didi's Pizza. Nagpakwento siya about kay Paul kasi di niya daw alam story namin. Kinwento ko then paguwi ko nagtext siya. Sabi niya may girlfriend daw ata si Paul kasi sa twitter niya. Natawa ako na nagttwitter pala siya! Tapos sabi ko ok lang yun, at least hindi na yung exhibitch hehe

Tapos nagusap ulit kami ni Mariel. Break na daw ata kasi wala ng post ulit sa twitter. So okay. Naisip ko kaya pala...

Naisip ko ano yun, pampaboost na naman ako ng ego niya? No. Hindi ko na ulit hahayaan un mangyari.
Sobra na talaga.

Magkatabi kami ni Joyce sa bus nun.. Sabi ko minessage ko si Paul
Something like this
"Hindi ka nagsasawa kaka add noh?"

Ako yung pinakaunang nag add sakanya sa facebook. Pero hindi ko na matandaan kung ilang beses ko na siyang dinelete at binlock. Haha.


Isabel Albelda
I dont think I can be friends with you in any way.. Let's just go back to being strangers.


Sabi ni Joyce, isesend mo na ba talaga yan? Sure ka jan? Baka hindi ka na talaga niya kausapin?

Sabi ko, Ok lang hayaan mo siya.. If he really wanted to talk to me, madaming paraan. Hindi yung for show na naman...

I guess mas ok to, strangers.. Yung parang as if nothing happened.

Naaalala ko pa din yung everyday inom nung June July 2011 para lang makatulog agad, para makalimot, yung failed subject dahil dun, yung kinain ko yung pride ko, yung binigay ko talaga lahat..
Yung happiness na binigay niya sakin super duper natambakan ng sakit..

So no. Hindi worth it.




Sunday, March 10, 2013

Minor minor car accident

So last Friday i was involved in a minor car accident and it was my fault. Guilty talaga ako. Hindi ko alam how it happened pero nakatigil kasi ako. Papaliko na sa may subdivision namin kaso may traffic enforcer. Pinastop kami. Siguro nainip ako or something then biglang blaaaaags!

Bangga. Tangina.

Yung tunog, my goodness. Im not even sure if I will be able to forget that. Yung sound ng crash. OA siya.

Nabitawan ko ang preno.

Akala ko yupi yung bumper ng likod ng nasa kotse sa harap ko. Fuck talaga.

Nagcompute ako agad ng savings ko para sa damages na nagawa ko.. Ang bilis. Panic kasi talaga ako. Tsaka laging mali ang nasa likod.


Then bumaba ako ng kotse. Nung nakita ko shit lang. Hindi ko alam sino ppasalamatan ko sa nakita ko.


Yung glass plate protector ko nakadikit lang sa bumper ng likuran ng kotse sa harap. Parang nagkiss lang.

Fuck fuck fuuuuuck!! Nakahinga ako ng malalim. Abg intense padin ng feeligs ko kasi grabe un ung pinaka pinaka nakakanerbyos kong experience.

Daig pa yung nagzipline ako bundok to bundok, daig pa yung sumakay ako ng roller coaster sas universal studios at daig pa yubg first airplane experience ko. Times 10 pa nga ata e.


Anyway lumapit agad ang pulis at mga traffic enforcers. They were all so nice to me. Since nagasgasan ko lang yung kotse sa harap, nagbayad nalang ako ng 1k. Huhu akala ko mawawala na yung pang boracay ko..


Yung tunog, kaya OA dahil nabasag pala yung plate protector. Putcha ewan ko kelan ko malakalimutan yun. Pero ngayon, takot talaga ako magdrive. Takot na takot.

Ive learned my lesson though, need talaga 101% attention and focus.


Thank you Lord dahil ok ako pero mas thank you dahil walang nasaktan dahil aa akin.. Salamat talaga. At sana makaget over ako kasi yung nangyari keeps on repeating sa utak ko mayat maya. Replay ng replay :(


Hay...