Pages

Hello there!




When I'm sad, i write. When I'm happy, i write too! well only sometimes!
When I'm mad, I write again.
When I'm [name it], yes, I write everything:)
I love typing e. hehe.



Enjoy :] though ngayon palang magbibigay na ako ng warning. Halos kadramahan ung nandito because pag masaya ako, or inspired, hindi ako nakakapagsulat masyado, baliktad haha. So mas madaming drama kesa happy moments.

I'm not a good writer nga pala, usually what I write in here dere-deretso ko lang tinatype and I dont proofread it. At last na, bitin yung ibang kwento, lalo na pag inatake ako ng katamaran.


P.S.

thank you sa pagdaan dito sa blog ko

love,

Sunday, January 20, 2013

Taiwan 2013 - INTRO

The Heart of Asia - January 11 to 15 2013


So heto na naman ako, hindi ko alam saan ko sisimulan ang kwento ko! haha kaya hayaan niyo nalang ako!

*WHY TAIWAN?*
1. Impulsiveness maybe? LOL. Basta one day tinext ko yung kaibigan ko "Dude travel tayo" na sure akong game because he likes to travel too.

2. Plane tickets. Sale ang Cebu Pacific. After 3 days ata ng text ko nagpabook na kami agad. If my memory is right, October 5 kami nagpabook.

3. BINGO!!!! May Visa pala. Yeah! Halatang hindi nagresearch noh? haha! Well can you blame me for thinking na wala siyang visa dahil Asian country siya? 
Lesson learned. Before booking a flight, icheck kung makakapasok ka talaga sa bansang yun, in short kung kakailanganin ba ng V-I-S-A



*The VISA*
(A document issued by a country's government allowing the holder to enter (or to make a formal request to enter) or to leave that country)

Ok so nakabook na kami, wala ng atrasan. Todo major research tuloy ako on how to get one easily, what are the requirements etc.
I found this REALLY awesome & helpful blog: Taiwan Visa Info

Sinunod ko lahat ng sinabi niya. Basta kumpleto ung documents, ok ka na! I actually applied for my tourist Visa ng Dec 27 lang, dba bongga Jan 10 ang flight ko! 3 days lang naman ang processing kaso holidays at weekend ata kaya Jan 3 ko na nakuha. 

Ang saya saya ko lang talaga ng nakuha ko yung passport ko, na may visa na! :)


*January 10*
AKA the day I've been waiting for since we booked our flight!

I know na I have to be at the airport by 8PM pero ewan ko ba bakit ako napetix nun! haha Galing Pampanga lumuwas ako 4:30PM. Arrived sa UST ng 6:30 kasi traffic! Then I had to go pa nun sa mom ko sa Makati dahil andun maleta ko, traffic din! Kinabahan ako, akala ko hindi ako aabot sa airport! But God is good


I've waited for almost 3 months to post that on my wall! haha. Kasi talagang I saved my money para sa trip na yan. Ang nasa isip ko talaga nung Oct Nov Dec gagastos ako sa Jan so I have to be thrifty. 



Not everyone knows this pero I have fear of heights. Kaya kahit masaya ako jan, sa totoo lang panic mode na. 
Ayoko  talaga yung feeling ng nagtetake off. Ung feeling mo hindi matutuloy ung paglipad ng eroplano. :|


Ang flight namin ay 10:40PM, dumating kami ng 12:25AM yata sa Taoyuan International Airport. Malayo siya sa Taipei, 45 minutes away at wala ng bus nun. Taxi nalang ang choice pero mahal super! Natapos naman kami sa immigration ng 1:30 e, ang first bus going to the city ay 3AM naman kaya naghintay nalang kami ng bus.


*AIRPORT -> TAIPEI MAIN STATION -> HOTEL*

Bus -> Taipei Main Station -> Taxi -> hotel

Wala kaming booking sa kahit san mang hotel dun. YES! wala. haha! Actually bago ang flight ko sermon to the max ang nanay ko dahil wala magsusundo sa airport, walang planadong tours, walang hotel, wala lahat. Ticket visa passport maleta pera lang talaga. 

Pero syempre, major research talaga kami bago yan. Naghanap ng cheap hotels. 

Kaya nung nasa taxi na kami, alam na namin kung saan kami pupunta. ANG PROBLEMA, HINDI NAMIN ALAM BASAHIN UNG NAME NG HOTEL KASI CHINESE! Haha. So when we got there, dun sa street ng tabi tabing hotels sa Ximen, my Gosh natatawa nalang kami. Wala nga namang pics ung building ng hotel na iniscreenshot ko sa ipad ko. Tanong galore kami agad sa mga tao tao. 

At un ung 1st experience namin sa isang taiwanese. Ang babait kasi nila sobra. Ung girl na tinanong namin, hindi familiar sa hotel kaya sinearch pa niya sa phone niya kung saan. Ung hotel pala (HANSOME HOTEL)
ay nasa tapat na pala namin. Epic. 

Pero chineck din namin ung ibang hotel na kami, nakakita kami ng maganda pero cheaper. Ok sabi ko gagastos kami pero syempre ung cheapest na comfy naman para madami pa ako pang gastos. haha.



Wallpaper - I like!
Hotel namin for 4 nights - 9k lang which included:
1. Free breakfast everyday
2. Free wifi
3. Free PC - o dba may PC sa loob!
4. the basics - ref, hot water, toiletries na everyday pinapalitan
5. very friendly receptionist, korny lang hindi nageenglish.

4am na kasi un e nung dumating kami sa hotel ni Christian kaya natulog nalang muna kami. 9am gumising kami, research muna ng mga pupuntahan namin, gawa ng itinerary (lol si dude lang gumawa ng lahat ng un ata sa Day1 at 2), then kumain at iniwan na ang hotel. 


*DAY 1*
Yung Day1, bukas nalang! :) 

I have to wake up early pa kasi, at mejo mahaba na tong post! haha Good night! More kwento tom.