Pages

Hello there!




When I'm sad, i write. When I'm happy, i write too! well only sometimes!
When I'm mad, I write again.
When I'm [name it], yes, I write everything:)
I love typing e. hehe.



Enjoy :] though ngayon palang magbibigay na ako ng warning. Halos kadramahan ung nandito because pag masaya ako, or inspired, hindi ako nakakapagsulat masyado, baliktad haha. So mas madaming drama kesa happy moments.

I'm not a good writer nga pala, usually what I write in here dere-deretso ko lang tinatype and I dont proofread it. At last na, bitin yung ibang kwento, lalo na pag inatake ako ng katamaran.


P.S.

thank you sa pagdaan dito sa blog ko

love,

Saturday, March 24, 2012

Baccalaureate Mass

Things that happened today na nagpasaya sakin:

1. Baccalaureate Mass -> Habang nagsasalita si father rector, may times na naluluha ako talaga kasi ang thankful ko pa din at nakaupo ako dun kanina.. As in isa ako sa mga gagraduate etong March. Alam naman ng lahat na nalagay sa bingit talaga yung graduation ko dahil sa isa kong subject (EE) kaya naku umiyak ako after nung communion. Sobrang nagpapasalamat talaga ako!

2. Picture + chikahans -> Lahat senti senti.. Sinusulit ung mga nalalabi naming araw bilang IE students sa UST kaya puro pictures! haha Nakipagchika chika din ako kung kani kanino. :)

3. Sigaw sigaw sigaw! -> Tuwing tinatawag yung Engineering todo sigaw kami. Ang saya maging isang engineering student sa UST talaga. haha!

4. Fireworks -> Pinakaaabang abangan talaga to (tama ba?) Ang ganda. Un lang masasabi ko haha. Actually nung Feb nanood kami ng Pyrolympics sa MOA pero wala... mas gusto ko pa din ung sa UST!

5. Paglabas sa Arch of the Centuries - Tumakbo kami palabas dun sa Arch... Tradition kasi na pag 1st yr ka, papasok ka dun then hindi ka pwede lumabas dun until sa bacc mass. Tapos may sabi sabi na pag lumabas ka dun ng basta basta, hindi ka gagraduate. So kanina, ang sarap sa feeling na finally, nakalabas din ako sa arkong yun! Ang saya talaga nun!!! tom pwede na kami maglabas pasok dun hehehe



Isang bagay na gumulo na naman sakin:

P. P. P. Nanaman. Ulit ulit. Ayaw talaga akong tantanan at patahimikin ang buhay ko.

So nagchichikahan kami ng mga classmates ko, nagsusulatan sa mga uniforms ng bigla nalang may nagsabing

"Isabel Albelda I'm sorry"

Kilalang kilala ko yung boses na yun. Nashock ako kaya nagtinginan kami ng mga classmates ko... "OMG nagsorry siya!"

Nagsorry talaga siya sa harap ng maraming tao, libo! As in narinig ng lahat dahil sa mic niya sinabi at napakadaming speakers dun at sa event niya talaga sinabi..

Eto mga nafeel ko nun:
1. Shit! Wow!
2. Shit! Bakit ginawa ni Paul un?!
3. Shiiiiiiiiiiiiiiiiiiiit! Nagsorry talaga siya!
4. Shiiiit ginawa niya talaga yun. Narinig ng friends ko. Narinig ng friends niya. Narinig ng lahat.
5. Shit. Shit. at shit lang.

And then tinext ko siya.

I: I heard it.
P: Sorry.
I: Sorry san? Wag shortcut-in na for everything

and then hindi na siya nagreply. I asked him kung para san kasi gusto ko ng specific... Sa dami dami ng ginawa niya sakin sa isang bagay ko lang siya gusto magsorry... Dun sa pagsabi niya ng something isa niyang classmate o classmates niya.

Tapos naisip ko nangingibabaw na naman feelings ko kesa utak ko, so nagisip ako. eto mga tanong ko

1. Bakit ngayon lang nagsorry? I mean dapat dati pa. FEB pa.
2. Bakit kailangan sa mic magsorry? Okay so aaminin ko na nagustuhan ko un, pero napapaisip na naman ako. Ano, for show lang yun? Sincere ba yun? Gusto ko talaga yung ginawa niya kasi nasurprise ako in a way pero I think mas maappreciate ko kung sa text nalang o phone call o personal kesa dun.

Sabi nga ng classmates ko ang sweet daw. SWEET. Dun sila mali. Sabi ko sakanila kaya niya siguro ginawa yun dahil alam niyang malaki mga kasalanan niya sakin.

After nung nalaman ko ng Feb, nagalit ako kay Paul. Ng sobra. Sobrang sobrang sobra. Minsan nga feeling ko ang lakas kong babae dahil nakayanan kong tanggapin ung ginawa niya e.

Pero ngayon feeling ko ang vulnerable ko pa din.
Imagine, after ALL what we've been through, after what he put me through, naapektuhan niya pa din ako.

See kaya nga may post ako na ganito e. This post is supposedly about Bacc Mass... Pero may ways talaga si Paul para guluhin yung mundo ko ulit.

And I HATE IT. I HATE IT NA HANGANG NGAYON naapektuhan pa din ako.
Ayoko na talaga. Napapagod na ako.

Actually parang narealize ko na sana pala hindi nalang siya nagsorry at hindi na lang niya ako kausapin forever kasi okay na ako e. or at least yun ung nasa isip ko. Okay na ako. Pero isang paramdam lang, hindi na naman ako okay.

Hay. PQ.