Pages

Hello there!




When I'm sad, i write. When I'm happy, i write too! well only sometimes!
When I'm mad, I write again.
When I'm [name it], yes, I write everything:)
I love typing e. hehe.



Enjoy :] though ngayon palang magbibigay na ako ng warning. Halos kadramahan ung nandito because pag masaya ako, or inspired, hindi ako nakakapagsulat masyado, baliktad haha. So mas madaming drama kesa happy moments.

I'm not a good writer nga pala, usually what I write in here dere-deretso ko lang tinatype and I dont proofread it. At last na, bitin yung ibang kwento, lalo na pag inatake ako ng katamaran.


P.S.

thank you sa pagdaan dito sa blog ko

love,

Saturday, March 31, 2012

Baccalaureate Mass Pictures

Photo flood ng kunti :)


















Wednesday, March 28, 2012

Ang dami ko daw kwento

Yesterday may nagtanong sakin "Bakit hindi ka nauubusan ng kwento sa blog?"
hahaha. Natawa talaga ako sa tanong niyang yun kasi minsan, tinatanong ko din un sa sarili ko.

I told her na iblame niya yung mga taong nakapaligid sakin. Kasi they make my life colorful, magulo, at iba iba talaga. And not just the people around me, things din.

For example, kahapon. NORMAL day lang siya dapat. Monday lang. Review day lang. E nagyaya magmall ang mga classmates ko. So go kami sa SM San Lazaro. 700 lang dala ko sa school nun, e 600 binayad ko pang toga, tapos 100 pang kain. Kaya sabi ko magwiwithdraw ako.

At anong nangyari... KINAIN UNG ATM CARD KO. the fuck. haha
first time ever kong naexperience yun.

Ung mga classmates ko tinawanan ako kasi malas talaga, kung kelan patapos na dun pa kinain yung atm ko. lol. oh diba? Well experience pa din so sige na nga. hayaan nalang. bad ATM!

Anyway, balik tayo sa topic. Bakit nga ba ang dami kong kwento? Siguro side effect to ng pagiging writer. lol. Parang kahit simpleng pangyayari para sakin meaningful siya or something. :)




Saturday, March 24, 2012

Baccalaureate Mass

Things that happened today na nagpasaya sakin:

1. Baccalaureate Mass -> Habang nagsasalita si father rector, may times na naluluha ako talaga kasi ang thankful ko pa din at nakaupo ako dun kanina.. As in isa ako sa mga gagraduate etong March. Alam naman ng lahat na nalagay sa bingit talaga yung graduation ko dahil sa isa kong subject (EE) kaya naku umiyak ako after nung communion. Sobrang nagpapasalamat talaga ako!

2. Picture + chikahans -> Lahat senti senti.. Sinusulit ung mga nalalabi naming araw bilang IE students sa UST kaya puro pictures! haha Nakipagchika chika din ako kung kani kanino. :)

3. Sigaw sigaw sigaw! -> Tuwing tinatawag yung Engineering todo sigaw kami. Ang saya maging isang engineering student sa UST talaga. haha!

4. Fireworks -> Pinakaaabang abangan talaga to (tama ba?) Ang ganda. Un lang masasabi ko haha. Actually nung Feb nanood kami ng Pyrolympics sa MOA pero wala... mas gusto ko pa din ung sa UST!

5. Paglabas sa Arch of the Centuries - Tumakbo kami palabas dun sa Arch... Tradition kasi na pag 1st yr ka, papasok ka dun then hindi ka pwede lumabas dun until sa bacc mass. Tapos may sabi sabi na pag lumabas ka dun ng basta basta, hindi ka gagraduate. So kanina, ang sarap sa feeling na finally, nakalabas din ako sa arkong yun! Ang saya talaga nun!!! tom pwede na kami maglabas pasok dun hehehe



Isang bagay na gumulo na naman sakin:

P. P. P. Nanaman. Ulit ulit. Ayaw talaga akong tantanan at patahimikin ang buhay ko.

So nagchichikahan kami ng mga classmates ko, nagsusulatan sa mga uniforms ng bigla nalang may nagsabing

"Isabel Albelda I'm sorry"

Kilalang kilala ko yung boses na yun. Nashock ako kaya nagtinginan kami ng mga classmates ko... "OMG nagsorry siya!"

Nagsorry talaga siya sa harap ng maraming tao, libo! As in narinig ng lahat dahil sa mic niya sinabi at napakadaming speakers dun at sa event niya talaga sinabi..

Eto mga nafeel ko nun:
1. Shit! Wow!
2. Shit! Bakit ginawa ni Paul un?!
3. Shiiiiiiiiiiiiiiiiiiiit! Nagsorry talaga siya!
4. Shiiiit ginawa niya talaga yun. Narinig ng friends ko. Narinig ng friends niya. Narinig ng lahat.
5. Shit. Shit. at shit lang.

And then tinext ko siya.

I: I heard it.
P: Sorry.
I: Sorry san? Wag shortcut-in na for everything

and then hindi na siya nagreply. I asked him kung para san kasi gusto ko ng specific... Sa dami dami ng ginawa niya sakin sa isang bagay ko lang siya gusto magsorry... Dun sa pagsabi niya ng something isa niyang classmate o classmates niya.

Tapos naisip ko nangingibabaw na naman feelings ko kesa utak ko, so nagisip ako. eto mga tanong ko

1. Bakit ngayon lang nagsorry? I mean dapat dati pa. FEB pa.
2. Bakit kailangan sa mic magsorry? Okay so aaminin ko na nagustuhan ko un, pero napapaisip na naman ako. Ano, for show lang yun? Sincere ba yun? Gusto ko talaga yung ginawa niya kasi nasurprise ako in a way pero I think mas maappreciate ko kung sa text nalang o phone call o personal kesa dun.

Sabi nga ng classmates ko ang sweet daw. SWEET. Dun sila mali. Sabi ko sakanila kaya niya siguro ginawa yun dahil alam niyang malaki mga kasalanan niya sakin.

After nung nalaman ko ng Feb, nagalit ako kay Paul. Ng sobra. Sobrang sobrang sobra. Minsan nga feeling ko ang lakas kong babae dahil nakayanan kong tanggapin ung ginawa niya e.

Pero ngayon feeling ko ang vulnerable ko pa din.
Imagine, after ALL what we've been through, after what he put me through, naapektuhan niya pa din ako.

See kaya nga may post ako na ganito e. This post is supposedly about Bacc Mass... Pero may ways talaga si Paul para guluhin yung mundo ko ulit.

And I HATE IT. I HATE IT NA HANGANG NGAYON naapektuhan pa din ako.
Ayoko na talaga. Napapagod na ako.

Actually parang narealize ko na sana pala hindi nalang siya nagsorry at hindi na lang niya ako kausapin forever kasi okay na ako e. or at least yun ung nasa isip ko. Okay na ako. Pero isang paramdam lang, hindi na naman ako okay.

Hay. PQ.



Monday, March 12, 2012

Because God is good!

This morning, nalaman ko na makakasama ako sa mga ga-graduate sa March 31 2012. I couldn't be any happier talaga at the moment because ung pag-graduate ko nalagay talaga sa bingit, haha! May back subject ako, yung Elementary Electrical Engineering (basic EE) pero nabagsak ko kasi siya nung 4th year tapos ngayon ko lang kinuha ulit.

3 thesis napasa namin, 3 defense, lahat ng majors pero ung talagang nagput danger sa grad ko ung EE. Nahirapan talaga ako ng sobra sobra sobra!

So kanina nung sinabi samin yung grades. 49 lang ako. Passing is 60. So ako mura na ako ng mura sa isip ko na fuuuck, :( tsaka naiiyak na talaga ako... :(
kaya lang..


Prof: Yung mga malapit na sa 50, pwede na kayong huminga ng malalim at umuwi.


Pagkasabi nun, I cried talaga. As in. HUHU. Naiiyak na naman ako ngayon tuloy. Anyway, sabi ko habang umiiyak na thank you po sir... as in thank you. binaba niya ng 50 yung passing at pinagbigyan na ako.

Pagkalabas ko sa faculty room tinawagan ko mommy ko

M: O kaye bakit?
I: mama gagraduate ako... (umiiyak haha)
M: ano? ayusin mo hindi ko narinig
I: gagraduate ako, sure na

hindi ko na natandaan ung sabi ni mama pero parang sabi niya mabuti naman, at naiiyak din daw siya sa balita ko etc etc.

Hay. Nabunutan talaga ako ng tinik sa dibdib hahaha.

Akala ko talaga madidisappoint ko yung parents ko. Nakakahiya talaga sakanila :( Buti nalang talaga at wala na akong problema ngayon sa school.

Lord, thaaaaaaaaaaaank you po for answering my prayers. And sa lahat ng friends ko who believed in me, and who supported me, thank you!

Ang bilis ng panahon. :) 





Friday, March 9, 2012

Bittersweet stories about...

best friends turned into lovers

Bittersweet - A situation that is both "bitter" (sucks) and "sweet" (awesome) at the same time.


So last night sa isang bahay namin ako natulog at dahil walang internet dun, nanood lang ako ng movies. Isa sa mga napanood ko yung dahilan kung bakit sinusulat ko to ngayon! haha. Honestly ayoko talaga sa mga bittersweet na stories. Kasi ang sakit sa puso haha! Yung tipong tagal tagal bago magkatuluyan, ang dami ng nangyari, daming complications etc.

Anyway, I hope maenjoy niyo tong post ko haha.

Twenty years. Two people. One day.
Yung One Day story ng isang girl (Emma) at ng isang boy (Dexter) na naging magbest friends after ng graduation nila, July 15 1989. Simula nun papakita ung mga nangyayari sa buhay nila ng same day pero ibat ibang year so July 15 1990, 1991.... 2009. Ang dami nilang pinagdaanan, daming napuntahan, basta ang dami. Si girl gustong gusto na si boy, kaya lang si boy playboy at hindi pa ready sa commitment. Nung bakante naman si boy, si girl naman yung meron ng lover. Anyway they got together pa din naman eventually.
Well kahit na sumakit puso ko kakapanood neto, I must admit na a must watch movie eto :)

Here's the trailer:



Ngayon ko lang nalaman na book pala to originally so babasahin ko na siya later :)

------o------

a.k.a Where Rainbows End
Cecelia Ahern

Love, Rosie is definitely one of my favorite books. Mejo ironic kasi love ko tong book pero yung storya ni Alex at ni Rosie hindi ko gusto haha.

So yung story neto is about kay Alex at kay Rosie. Magclassmates sila nung bata pa sila, 5 years old palang yata lagi na silang nagkukulitan. Plus magkapitbahay sila. Wait etong novel pala ibang klase ung style hindi siya ung paragraphs or narration. Epistolary fiction siya (Fictional stories told through letters, emails, diary entries, etc.). So makikita dito ung mga pagexchange ng notes ni alex at rosie, sulat ng principal sa parents nila dahil laging nahuhuling nagpapalitan ng notes sa school, mga IMs, mga emails, postcards, greeting cards etc. Napakadaling basahin neto swear :)

Ang funny din kasi nila Alex at Rosie kaya ang sarap basahin netong book. Anyway, nung nag 18 ata si Alex, senior year nila, napromote dad niya so lumipat sila sa Boston kaya naiwan si Rosie :(

Gusto ko pa sana i-detail ung pagkwento ko about sa book kaso gusto ko basahin niyo din kaya tama na kakabigay ng spoilers haha!

Kaya ayaw ko naman ung story nila kasi in love na sila sa isa't isa e... kaso hindi nila agad nasabi sa isat isa. hay life. haha Basta. read this one!! :)


------o------


Storya ng mag PARE

One time may nag recommend sakin neto, sister ko ata. Sabi niya basahin ko daw. Since bored siguro ako nuyng time na yun, binasa ko naman. 

Isa pa to. Magbest friends. Pero sa tatlong shinare ko sa post na to, parang eto ung pinaka masaklap hahaha. I mean, pinakamalungkot or something...

Gustong gusto ko ung how this story was written kasi feel na feel ko talaga yung emotions ng girl :(

anyway, eto yung link niya: http://bryne12.multiply.com/journal/item/44

mejo mahaba, pero worth it talaga :)


anyway, maglalaro na ako ng Uno :)

Thursday, March 8, 2012

Paradigm Shift Seminar

Joy, Me, Krizzie
Hahaha. Yung bag ko nakabukas kasi may laman na fries at pasimple akong
kumakain kasi BAWAL daw kumain nun. E di pa ako nagaalmusal :p

Parang tanga lang ng itsura ko! anyway eto ung 1st activity. Purihan lang!
oha!
Danica, Chess, Joyce(bruha?), Me, Zanetta,Armine


Sir Eric. Last activity. Lumusot sa gitna ng metal ng hindi tinatamaan un.
took us almost 2 hours if I remember it correctly.

Okay huling huli nagtetext. Haha. BAWAL din daw
gumamit ng fone. 


Monday, March 5, 2012

...

Thesis 1 (Feasibility study) - done. :)
Thesis 2 (MIS study) - done :)
Thesis 3 (Systems study) - done :)

EE - hanging pa din :(


Friday, March 2, 2012

March..

Oh my gosh March na! Ilang days nalang graduation na. Parang nakakakaba na nakakaexcite na ewan. Mixed emotions talaga. Parang malapit na akong mag hello sa real world.