Pages

Hello there!




When I'm sad, i write. When I'm happy, i write too! well only sometimes!
When I'm mad, I write again.
When I'm [name it], yes, I write everything:)
I love typing e. hehe.



Enjoy :] though ngayon palang magbibigay na ako ng warning. Halos kadramahan ung nandito because pag masaya ako, or inspired, hindi ako nakakapagsulat masyado, baliktad haha. So mas madaming drama kesa happy moments.

I'm not a good writer nga pala, usually what I write in here dere-deretso ko lang tinatype and I dont proofread it. At last na, bitin yung ibang kwento, lalo na pag inatake ako ng katamaran.


P.S.

thank you sa pagdaan dito sa blog ko

love,

Sunday, January 29, 2012

For the man she loves...

Friday night uminom kami nila Joyce and Jill sa Balay kasama yung iba naming friends. Malungkot kasi si Jill and badtrip dahil kakabreak lang nila ng boyfriend niya kaya lang mga 11 30 nagyaya na ako umuwi. Ayaw pa niya so iniwan namin siya ni Joyce dun dahil ang usapan naman namin uuwi nalang siya sa dorm namin at dun matutulog,

2:30am wala pa siyang text so natulog nalang ako. Naisip ko na dun na siguro siya sleep sa dorm ng isa pa naming friend.

Mga 7:30 am nagising ako, tinignan ko ung fone ko para sa oras tapos may isang text message

From: Jill
Time: 6:35am
Nasaksak ako kasi pununtahan ko si G ng madaling araw sakanila.. :'(
So tinawagan ko siya agad. Nasa UST hospital daw etc etc then I asked her if she needs me. Kasama naman daw niya si G so kahit wag na. Pero sa UST lang naman edi pinuntahan ko na siya agad.

I: San po dito si Jill? yung nasaksak  (nakakalungkot tong tanong na to :( sa Emergency room )

Grabe talaga, ang hirap. Talaga kinontrol ko ung sarili ko when I saw her para hindi ako maiyak. May sugat kasi siya sa face tapos nakahospital gown siya. Ewan ko kung nasabi ko na dito na isa sa mga pinaka ayokong lugar is ung hospital kasi nalulungkot talaga ako dun. Niyakap ko ata agad siya nun tapos un nagkwento ulit siya. Hindi ako pwedeng umiyak kasi baka siya din umiyak nun, natrauma kasi siya sa nangyari kaya parang I had to be strong for her.

Meron siyang 3 saksak :( maliliit lang at mabababaw pero ung trauma na nacause sakanya, I think un ung malalim talaga e. Kawawa talaga siya.

Anyway nagchikahan kami dun sa ER, pinapatawa ko siya kaso kada tawa sumasakit ung sugat niya so humiga nalang kami sa bed niya. haha.

Sabi niya kasi, gusto daw niyang masagot ung mga tanong niya so pinuntahan niya si G ng 3 30am ata? Mejo lasing pa naman siya nun. Kaya nagawa niyang pumunta talaga dun kay G.

Ang dami kong narealize nun talaga. Na for the man she loves gagawin niya din lahat. At na hindi ko pala ata kayang gawin un. Na i-risk ung buhay ko para lang sa isang guy at present. Ang delikado kaya nun. Before kasi there were times na parang gusto kong puntahan si P para makapagusap kami, buti nalang talaga at never kong ginawa un, ung madaling araw at hihintayin ko siya sa baba ng dorm. Buti nalang talaga. Feeling ko pag ako ung nasaksak mattrauma talaga ako ng bonggang bongga. takot pa naman talaga ako masaktan physically.

Basta I'm so thankful at okay si Jill! :)