Pages

Hello there!




When I'm sad, i write. When I'm happy, i write too! well only sometimes!
When I'm mad, I write again.
When I'm [name it], yes, I write everything:)
I love typing e. hehe.



Enjoy :] though ngayon palang magbibigay na ako ng warning. Halos kadramahan ung nandito because pag masaya ako, or inspired, hindi ako nakakapagsulat masyado, baliktad haha. So mas madaming drama kesa happy moments.

I'm not a good writer nga pala, usually what I write in here dere-deretso ko lang tinatype and I dont proofread it. At last na, bitin yung ibang kwento, lalo na pag inatake ako ng katamaran.


P.S.

thank you sa pagdaan dito sa blog ko

love,

Tuesday, January 31, 2012

Happy.

Wuhooooo lately ang sarap ng tulog ko kasi... :) at tsaka ang ganda agad ng morning ko!

Hayyyy I'm loving this feeling... Ang sarap ng may nagaappreciate sakin ulit..

Monday, January 30, 2012

elementary friends

Montessori kids batch 2003. 
Reunion/despidida party ni Jam

For us tong song na to:


We're just having fun
We dont care who sees
So what we go out
that's how it's supposed to be
Living young and wild and free:)

Saturday night:
Busy ako gamit iPad ni Jam, facebooking while drinking hahaha


Eyebagssssss fuck pero I still look
good naman pala in this photo haha

Last Tuesday night ata:
nung tumakas ako! haha sinundo nila ako sa bahay ng 2am ata. Pero 3 30 nagpahatid na ulit ako



Ang lakas magyosi netong dalawang to. Ako good girl <3

Sana maulit again! soon!

Sunday, January 29, 2012

For the man she loves...

Friday night uminom kami nila Joyce and Jill sa Balay kasama yung iba naming friends. Malungkot kasi si Jill and badtrip dahil kakabreak lang nila ng boyfriend niya kaya lang mga 11 30 nagyaya na ako umuwi. Ayaw pa niya so iniwan namin siya ni Joyce dun dahil ang usapan naman namin uuwi nalang siya sa dorm namin at dun matutulog,

2:30am wala pa siyang text so natulog nalang ako. Naisip ko na dun na siguro siya sleep sa dorm ng isa pa naming friend.

Mga 7:30 am nagising ako, tinignan ko ung fone ko para sa oras tapos may isang text message

From: Jill
Time: 6:35am
Nasaksak ako kasi pununtahan ko si G ng madaling araw sakanila.. :'(
So tinawagan ko siya agad. Nasa UST hospital daw etc etc then I asked her if she needs me. Kasama naman daw niya si G so kahit wag na. Pero sa UST lang naman edi pinuntahan ko na siya agad.

I: San po dito si Jill? yung nasaksak  (nakakalungkot tong tanong na to :( sa Emergency room )

Grabe talaga, ang hirap. Talaga kinontrol ko ung sarili ko when I saw her para hindi ako maiyak. May sugat kasi siya sa face tapos nakahospital gown siya. Ewan ko kung nasabi ko na dito na isa sa mga pinaka ayokong lugar is ung hospital kasi nalulungkot talaga ako dun. Niyakap ko ata agad siya nun tapos un nagkwento ulit siya. Hindi ako pwedeng umiyak kasi baka siya din umiyak nun, natrauma kasi siya sa nangyari kaya parang I had to be strong for her.

Meron siyang 3 saksak :( maliliit lang at mabababaw pero ung trauma na nacause sakanya, I think un ung malalim talaga e. Kawawa talaga siya.

Anyway nagchikahan kami dun sa ER, pinapatawa ko siya kaso kada tawa sumasakit ung sugat niya so humiga nalang kami sa bed niya. haha.

Sabi niya kasi, gusto daw niyang masagot ung mga tanong niya so pinuntahan niya si G ng 3 30am ata? Mejo lasing pa naman siya nun. Kaya nagawa niyang pumunta talaga dun kay G.

Ang dami kong narealize nun talaga. Na for the man she loves gagawin niya din lahat. At na hindi ko pala ata kayang gawin un. Na i-risk ung buhay ko para lang sa isang guy at present. Ang delikado kaya nun. Before kasi there were times na parang gusto kong puntahan si P para makapagusap kami, buti nalang talaga at never kong ginawa un, ung madaling araw at hihintayin ko siya sa baba ng dorm. Buti nalang talaga. Feeling ko pag ako ung nasaksak mattrauma talaga ako ng bonggang bongga. takot pa naman talaga ako masaktan physically.

Basta I'm so thankful at okay si Jill! :)




Friday, January 27, 2012

You can't hurry love..

Kanina nagpamasahe kami ng mommy ko. Hindi ako makatulog kasi ang dami kong iniisip. Tapos biglang I felt lonely. Parang nakakamiss ung may boyfriend... Well namimiss ko lang pero ayoko pa talaga at the moment. Pero nalang kung ung crush ko un, anytime! Di biro lang, crush lang un.

Anyway nung Tuesday night nakipagkita ako kay Jam and Sandra (HS friends ko), tinatanong kung bakit wala pa akong boyfriend. Ganun din si Joyce and yung iba kong friends. Madami naman daw nagkakagusto sakin (sabi nila, pero bakit parang hindi naman?), may nanliligaw naman daw... pero bakit ayaw ko daw.

Honestly, hindi ko alam. Nakikipagdate ako like manonood ng movie, dinner ganyan pag may nagyayaya pero hangang dun lang. Feeling ko hindi pa ako ready. Yes nakaka 10 months na since ung last relationship ko pero kasi hmm parang nakakatakot. Feeling ko mauulit na naman ung pinagdaanan ko.

Though sabi ko nga kay Joyce namimiss ko na talaga yung may katabing matulog, ung pag gising ko may nakayakap sakin o kaya may niyayakap ako, ung may ka-cuddle pag malamig, ung naghahatid sakin sa dorm,  ung nagsusubo sakin ng food. Syempre gusto ko etong taong ka-whatever ko special someone ko diba?

But then sabi nga sa kanta you can't hurry love, you just have to wait.

So I'll wait. I know in time I'll meet someone na magpapasaya sakin. And malay natin si crush ko.... Hahahaha nahhh I think that's impossible.

okay seryoso na. super old na pala ng kantang to ngayon ko lang nalaman haha





Thursday, January 26, 2012

Velada Experience

Yesterday, all students, faculty members, and etc. were encouraged to wear their period costumes. Of course, hindi ko papalagpasin ung event na un. Velada Tomasina. Haha.

Here are some pictures:




Nakakatawa kasi 7am ung class namin nun. So nung tumawid kami sa dapitan ang daming nakatingin samin! Then sa loob ng UST saya saya namin pag may nakakasalubong kaming nakacostume din. Para naman we belong haha.

Sa room, tinignan kami ng lahat nung pumasok kami kasi late na naman kami. Bida na naman. Bakit ba sa Asturias lang ung dorm namin araw araw pa din kaming nalelate? anyway, kami lang nakacostume sa room plus isang guy, si Elly.

Nagclass kami hangang 9am then umikot ikot na kami sa may lover's lane. kaya lang ang init so umuwi kami muna.

Bumalik kami 7pm, ikot ikot lang ulit. picture dito picture dun.

Madami naman nagparticipate pero sana lang, mas madami pa kasi ang saya talaga.

More fun in the Philippines talaga. Dahil sa UST. :)



Monday, January 23, 2012

One in a Million

Ang sweet ng kanta na to. Haha dagdag sa dreams ko na may kumanta neto para sakin yes!




Been all over the world
Done a little bit of everything
Little bit of everywhere
With a little bit of everyone
All the girls I’ve been with
Things I’ve seen it takes much to impress
But sure enough you go it makes your soul stand up from all the rest

I can be in love
But I just don’t know
Baby one thing is for certain
Whatever you do it’s working

All the girls don’t matter
In your presence can’t do what you do
There’s a million girls around but I don’t see no one but you

Girl you’re so one in a million
You are...
Baby you’re the best I ever had
Best I ever had
And I’m certain that
There ain’t nothing better
No there ain’t nothing better than this



Twenty One.



Kanina habang dinner time:

naguusap kami ni mama about sa body piercing

I: well pinagiisipan ko pang mabuti kong magpapabutas talaga ako
Papa: Magpapabutas saan?
I: Sa pusod
Papa: Magtigil ka nga (pajoke na sinabi ni papa )
I: Pa sorry but I'm 21 years old na (tumawa ako after)
Papa: Ah 21 pala ha, o dapat ikaw na naghuhugas ng plato, gumagawa ng gawaing bahay.
I: Pa joke lang..

Tinawanan lang kami ni Mama.

----

Pero hmm pinagiisipan ko talaga kasi parang gusto kong magpabutas sa belly button. Ang ganda kasi tignan. Kaya lang, once na nagpabutas ka dapat lagi ng may hikaw un or kung ano man tawag kasi nakita ko ung sa friend ko. Ang pangit pag wala, parang scar na ewan. :|

Though at the moment
20% - gusto
80% - ayaw.




Monday, January 9, 2012

May mga moments talaga ako...

na parang ewan lang. Crazy, weird, funny and wa-poise moments.


Huling huli!
Anchor's Away - 4th yr HS haha. 




Saya




Hello Kitty

Bigla ko lang nakita sa net :)
Pag ako nakapagipon magiging ganito ang mga kagamitan ko!


Bed <3

Sa kitchen:









Hello Kitty, 30+ years old ka na pero bakit ang cute cute mo pa din? :)

Saturday, January 7, 2012

Ending Credits...

Today, Paul and I finally said our goodbyes.


Note: blahblahblah means ayoko ng ituloy dahil ramdom rants lang

Midnight

Humiga ako sa kama at napagisipan ko munang matulog since gamit gamit pa ni Joyce yung laptop.

Around 1:25AM

Dumating sa dorm si Dea at si Pipay galing sa lakad nilang magkakaklase. Hindi pa rin ako makatulog. Kinuha ko yung phone ko na nasa tabi ko para tignan yung oras. Nagulat ako sa nakita ko.

               4 Missed Calls
               091757*****
               1:17AM

Shit. Si Paul.

(Ako kasi si miss silent, ever.)

Chineck ko muna yung time ng iba pang missed calls, mga more or less 10 minutes yung pagitan ng bawat isa. So naisip ko, importante siguro.



1:27AM -almost 2AM


Nagusap kami ni Paul. Kinamusta niya ako, kinamusta ko siya. Pinagusapan sandali yung thesis niya. Bumanat siya ng napakaraming korning mga banat. Si Uchi (ewan ko paano spell? Paul's friend) nagigitara sa background, nagaasar kasama yung iba niyang classmates. Umiinom sila sa apartment ng classmate niya dahil birthday nun.

Hangang sa tinanong niya kung may pasok ako, na kung gusto daw ba namin uminom magkakadorm kasama nila, na kung saan yung dorm namin dahil basta sa Asturias lang yung alam niya. Hangang sa sinabi niyang tatawagan niya nalang ako pag nasa baba na siya ng dorm.

Syempre nafeel ko na na lasing si Paul so inisip ko na joke time lang yun. Hindi na ako nagexpect. Kaya lang...

After 15 minutes

Umilaw yung phone ko. Tumatawag si Paul. Nasa baba na daw. Ayaw naman sumama ng mga kadorm ko kaya bumaba na ako.

Ang weird lang nung nakita ko si Paul nakasandal sa sasakyan ng friend niya. At tsaka nung nagbatian kasi... Last na usap namin sa personal June pa. Yep. June. as in last year.

Kinulit ni Paul yung mga kadorm ko na sumama, after 20 minutes nasa kotse na kami.


3:00+ AM


Nasa apartment na kami ng classmate ni Paul, si... ano nga bang name nun! Basta ni birthday boy. Bale may isang table, magkakatabing nakaupo sila Joyce, Pipay and Dea. Sa tapat nila ako, katabi ko si Paul sa left ko tapos katabi ko yung 2 niyang classmates sa right ko. Yung pang boys nasa likod.

So, 4 kaming girls, then 5 ata silang magkakaklase.

Hindi pa din nagbabago si Paul. Maya't maya pa din yung paghithit niya ng yosi. As in kakaubos lang nung isa
magsisindi ulit ng bago.

Nagustuhan ko yung kung paano kami nagusap nun. Kung pano siya parang nagsumbong sakin about sa Facebook niya, kung pano niya sinabi sakin na yung "ubo" niya andun pa din hangang ngayon (mannerism ni Paul yung parang may dry phlegm, ang hirap iexplain basta parang ubo), kung pano niya inamin sakin na nakaka40% palang talaga siya sa thesis niya (una kasi sabi niya sa phone 60%, tapos naging 50% tapos 40% palang pala talaga), kung paano niya ininvite yung mga kadorm ko sa exhibit niya at madami pang iba.

Parang ang tagal kasi naming hindi nagkita, at ang dami na naming namiss sa buhay ng isa't isa kaya ang nice lang nun. Kwentuhan.

At dahil daldal siya ng daldal, dinaya ko siya hehe. Yung mga shots ko pinapainom ko sakanya kasi 8AM ang pasok ko sa school! at may test pa ako nun    x_x

Ang ingay namin kaya umakyat yung guard at binawalan kami. Parehas kami nagtatakipan ni Paul ng mga bunganga namin kasi ang ingay namin. Tapos pumasok na kami sa loob ng kwarto dahil nagrereklamo na daw yung ibang tenants ata.

Dito na nagstart magkagulo gulo.

So nakaupo yung 3 girls sa sofa, sa tapat nila kami ulit ni Paul tapos kalat kalat yung iba.

Strike 1:

Si Joyce sabi picture daw, edi sige lang. Picture.Tapos biglang sabi niya "Paul, bakit ba talaga kayo nag-break ni Isa?" Si Dea at si Pipay pinilit din si Paul. Tinignan ko ng masama si Paul at winarningan ko siya. "Subukan mong magkwento, malalagot ka sakin"


Strike 2:

Nag CR ako. Pagbalik ko, gusto nilang lumabas ako dahil magkkwento daw si Paul. Syempre ayoko. Honestly, mejo nainis ako sa 3 kasi bakit ba nila tatanungin si Paul nun, alam naman nila na yung kwento. Parang hello, andito yung classmates ni Paul.

Anyway, sinabi ko kay Paul na umayos siya kung hindi sasampalin ko siya.

Dinare niya ako, sige nga sampalin ko daw. *right Pak* *left pak*
Yan. Ako po ay masunuring bata. 

Tumawa lang ata sila nun kasi tumatawa lang din naman ako nun. I mean, hindi naman siya seryosong slap.

Kaya lang gumanti siya sakin nung madaldal ako sinampal niya din ako! So sinampal ko din siya ulit 2x. Yupppp. Ang violent namin. that's life.


4:00 AM

Niyayaya ko na yung mga kadorm ko na umuwi kasi 8am yung pasok ko at may exam pa ako at magaaral pa ako. Pero ayaw kaming paalisin ni Paul. Minsan lang daw, blahblah umabsent nalang daw ako etc. Kung walang test, oks lang naman kaso 1st test un e. So sige, 5am nalang.

kaya lang.

Strike 3:

Naguusap kami ni Uchi na katabi ko sa left side ko ng makita ko si Paul na may binubulong kay Pipay. Hay naku.


Tumayo ako sa upuan kinuha ko yung cellphone ko. "Aalis na ako" then tumingin ako sa bday boy "happy birthday ulit and thank you"

Tapos si Paul tumayo pinigilan ako.

I: Masaya ka na nyan? Ipapahiya mo na naman ako? Sige sabihin mo na sakanila na (blahblah, mejo pasigaw kasi nabadtrip talaga ako kay Paul neto. Hindi marunong makinig! Parang ano ba, respeto naman.)

Tapos nagsorry ata siya kaso nung malapit na ako sa may pinto papalabas ng apartment, niyakap niya ako bigla. So ako si "ano ba bitiwan mo ako, aalis na ako blahblah..."

Nairita na talaga ako kasi ang kulit putcha. Ewan ko paano ako nakaalis sa pagkayakap niya, pero parang lumusot ako sa mga kamay niya then kinuha ko yung isang baso na laman yung bubblegum flavored na cocktail at binuhos ko sa muka niya.

Grabe swear, nagulat din ako sa ginawa ko pero I was so fucking pissed off that time. Parang, seryoso kailangan ipahiya niya ako sa harap ng kaibigan ko at mga classmates niya? wtf. And siguro dahil nakainom din ako kaya ang lakas ng loob kong gawin un.

Pero naguilty agad ako nung nakita ko yung muka niya, sobrang gulat na gulat siya, tapos biglang tumahik ung room, nagulat din sila.... Alangan naman sabihin ko oops joke lang... diba? So lumabas ako ng kwarto. Yes walkout queen ever. At nagmadali akong bumaba.

Kaya lang, pagbaba ko, shit! Walang taxi!!!!!! Tapos natakot ako agad syempre mga 4 mahigit na yun ng umaga e. Baka ano pang mangyari sakin.

So tinawagan ko si Christian, yung close friend ko na ung apartment sobrang lapit lang sa apartment ni birthday boy. Nagpasundo ako.

Kaso malas! Choppy daw kaya hindi niya maintindihan san ako susunduin.Hangang sa nakita ko si Paul papalabas ng gate ng apartment...

Inagaw niya yung phone ko kaya nagagawan pa kami dun sa may kalsada. Oh my gosh diba dapat sa movies/books lang yun? Pero un nga sabi ko bigay niya na yung phone ko dahil magpapasundo na ako, na ayaw ko na siya kausapin, na kailangan ko ng umuwi dahil may exam pa ako! Kaya lang ayaw niya talaga.

He was shouting at me kasi ang kulit ko din siguro kaya yun nagusap na kami. Umiyak siya. Umiyak ako. Pero ang sabi niya kaya daw niya sinasabi kay Pipay un kasi akala niya close friends daw kami ni Pipay. Yes friends kami, pero ang sakin lang binawalan ko siya. Kaibigan ko man yan o hindi, ilang beses akong nakiusap na wag niya ng ikwento. Dahil hiyang hiya talaga ako sa kwentong un. Inintindi ba niya ako? Hindi. Kaya nagawa ko tuloy ung nagawa ko.

Hangang sa naagaw ko yung phone ko, tinawagan ko si Christian at tinext ko ng mabilis kay Christian ung name ng eye center sa may kanto.

Tapos kinausap ko si Paul. I told him na hindi niya dapat ginawa un, na respetuhin niya naman ako na blahblahblah. Hindi ko na masyado matandaan kasi mejo may tama pa ako nun.

Hangang sa si knight in shining armor ko nakita kong nasa may eye clinic na! So sabi ko kay Paul, babye! Kaya lang hinila ako ni Paul papasok ng apartment. Ang lakas niya     x_x

Syempre sabi ko bitiwan niya ako, na anjan na yung sundo ko, na nakakahiya naman kay Christian, na uwing uwi na talaga ako, na tapos na kami magusap, pero ang kulit niyaaaaaaaaaa. Kaya pagdating namin sa may 2nd floor.

I: Tinatamad na ako maglakad, buhatin mo ako.

Aba. Pumisisyon agad at piniggyback ride ako. Good boy! haha.

Actually, gusto ko lang talaga siyang pagurin kasi ang kulit niya! so nagmadali siyang umakyat. Funny nga kasi 501 ata yung room ni birthday boy. tapos si Paul, tumigil sa 401 at kumatok. Buti nalang narealize ko na nasa 4th floor palang kami. Kaya bigla kaming natawang dalawa. Nagaaway kami pero dahil dun natawa kami.

Tapos umakyat na sa 5th floor. ung ulo ko tinago ko sa leeg niya kasi nahihiya ako sa kanilang lahat dahil dun sa ginawa ko. Parang napahiya din kasi si Paul ng dahil sakin..

Kaya lang ewan ko bakit binaba niya ako dun sa may gilid, dun sa may papaakyat sa rooftop. then tumawag si Christian, si Paul ung sumagot tapos kinausap niya.

Tapos, napilit akong umakyat ni Paul sa rooftop.


4:30+ AM

Yung rooftop, hindi pang tao. Napakailit talaga as in super. Andun kasi yung water tank, tapos ang liit talaga ng space. Kaya dun kami sa bubong umupo at humiga. YES!!! Sa bubong, roof, yero haha. Nakakatawa kasi. Parang woah, kanina lang nasa kalsada kami tapos ngayon nakahiga kami sa bubong.

Una humiga si Paul tapos hinila niya ako so nakahiga ako sa chest niya tapos nakayakap siya sakin. Pero ako hindi. hehe

Pero nung time na yun nagaaway pa din kami. Pinagusapan namin ung nangyari dati. Nagsorry siya sa pagiging immature niya dati. Nagsorry siya kasi nasayang ung samin, na sinayang niya ako, na tinake for granted niya ako etc etc. Ulit ulit din niyang sinabi na sa dami dami ng finlirt niya wala pa din siyang nakikitang tulad ko, na tanggap siya kung sino na, na mahal siya dahil siya ay siya at hindi dahil sa siya si PQ as in ung sikat na photog ng school.

P: Feeling ko ginagawa lang nila akong trophy
I: Nakakatawa naman, dati ako yung trophy. Syempre ikaw si Paul Quiambao, sikat na photographer, Varsi, Archi, girlfriend nalang kulang. Ipapakilala mo nga ako, pero hangang dun lang, hindi mo naman ako sinasama sa blahblahblah. 
P: Kaya nga sorry... sorry...


tapos syempre ako si kumakawala na naman sa yakap niya dahil naiinis na naman ako dahil sa trophy thingy.

tapos sabi niya narealize niya na ang immature niya daw dati... sabi ko hindi, kulang lang din siguro ako sa pagintindi.. tapos sumigaw siya, na siya daw ang may kasalanan at hindi ako. Aba, kakampi ko ang sarili ko kaya naisip ko, aba buti naman at nagpapakalalake ka ngayon at inaamin ang mga kasalanan hehehe


Tapos ano ba pa.. ang dami kasi naming pinagusapan sa rooftop e. About sa mga disappointments niya at ung akin.

I: Alam mo nung nagOJT ako naimagine ko na ikaw ung susumbungan ko pag madaming pinapagawa ung mga boss, pag naiinip na ako dun.. Na nung June dapat sasabihin ko sayo na "oh babe 5th year na tayo!!!! yey!"... naimagine ko na ikaw yung kasama ko sa Paskuhan, na sa graduation ko andun ka kasi madami naman yung tickets...

Shit ang drama ko! Pero bakit ba, oks lang un. Para magkalinawan na kami.

I was crying again nung sinasabi ko sakanya un. Kasi naman kausap ko nga siya nung day na natanggap ako sa OJT, 3 days after nagbreak naman kami. Tapos ung sa Paskuhan, wala lang naimagine ko lang na kasama niya akong nagshoshoot. Tapos ung sa graduation, eto ung pinakanakakalungkot kasi nalaman ko na 6tickets ung sa graduation. So may 2 extra tickets ako if ever na 6 nga. Kaya parang gusto ko si Paul nasa graduation ko, ako nasa graduation niya..

Tapos sinabi ni Paul na kahit hindi naman na daw kami, pupunta pa rin siya pag niyaya ko siya. So I asked him, para san pa? I mean, syempre dati naimagine ko na magiging proud sakin si Paul kasi Engineer na ako! Tapos ako magiging proud sakanya kasi Architect na siya.. kasi graduate na kaming dalawa. Oh my gosh, naiiyak na naman ako just thinking about this.

Anyway, sabi ko kay Paul, para san pa na pupunta siya sa graduation ko... Wag nalang... kasi aasa na naman ako.

Tapos pinagusap na naman namin yung breakup namin, sabi niya ilabas ko daw lahat ng sama ng loob ko sakanya, saktan ko daw siya, sampalin ko daw siya kasi deserve naman daw niya yun. Edi un, sinampal ko siya ng ilang beses tapos pinagpapalo ko pa ung chest niya kaso niyakap niya naman ako so ako na naman etong si iyak iyak.

So after ko magdrama drama, turn naman niya. Siya naman ung iyak ng iyak. Naglabas siya ng sama ng loob about ung samin, ung sa girls, ung sa family etc.

Pagkatapos nun, nung mejo nahimasmasan na kaming parehas sa kakadrama namin! narealize namin na sunrise na... Haha. Tinawanan namin yung fact na nagaaway kami, na nasa taas ng bubong nakahiga, etc.

Pero sinabi ko sakanya na hindi na ako pupunta sa exhibit niya, na ayaw ko na muna siyang makita, na wag niya na talaga ako itext or tawagan kasi di ko talaga napipigilang hindi magreply. Sabi ko, Paul, babye na talaga. As in good bye. For real. Let's just be friends after 3 years, for sure pagdating ng time na un naka move on na talaga ako at okay na ako.

May part sakin na umasang magkakaayos kami nun, kaya lang puro lang siya "SORRY" puro nalang "sinayang kita, tayo" sayang sayang sayang sorry sorry sorry. Walang "itry natin ulit" o kung ano man. Kaya parang, wow, pagod na ako. Ayoko na. Tama na.

Paulit ulit nalang kasi. Kaya sabi ko din sakanya na dedelete ko ulit siya sa FB para hindi ko siya ma-stalk. Kaso sabi niya wag daw. Un na nga lang daw ung naglilink samin, tatanggalin ko pa. So naisip ko, bakit gusto niya pa ng link, e ayaw naman niyang itry ulit namin o kung ano man. Diba ang gulo niya?

Pero narealize ko din kasi na sobrang nasira na kaming dalawa. At the moment, hindi pa din ako buo. Parang siya, akala ng mga tao masaya siya, kung alam lang ng iba ung totoo. Narealize ko na napaka "unfixable" na naming dalawa. Ang dami ng nangyari... ang dami ng paasa. grabe na yung pain. Grabe na yung mga pinagdaanan namin. So parang, hindi na talaga pwede.

Soooo. We hugged and kissed for a while, naiyak ako ulit nun kasi parang, wala, yun na talaga yung closure... Parang nasentensyahan na yung relationship namin before.

Parang sunrise at sunset. Nung time na yun, sunrise... pero kaming dalawa, sunset. I mean wala na, tapos na talaga, finished, closing time, the end.

Ang sad lang ng moment na yun kasi parang time's up na talaga...

He cried. I cried...

then bumaba na kami dahil kanina pa naghihintay ung iba samin, parang walang nangyari. Pagdating sa baba, chillax lang. Pero I asked them what Paul did after nung eksenang buhos buhos. Yung boys daw tinulak siya para habulin ako kasi natulala daw si Paul.

Tapos yung mga classmates ni Paul sinabi sakin na ako lang yung pinakilalang babae sakanila, na ako lang gumawa nun kay Paul, na ako lang iniyakan niya ng sobra (kasi namamaga yung mga mata ni Paul haha, ung sakin di halata), na kung anu ano pa.

Tapos nung nagsasapatos na si Paul, nilapitan ko siya. Binati ko na siya ng happy graduation, na congrats, na good luck sa exhibit niya, na happy valentines, na happy birthday, na good luck sa paghahanap ng work, na congrats sa magiging 1st job niya, na Merry Christmas at Happy New Year at lahat na.

tapos sabi niya hihintayin daw niya yung 3 years na un.

tapos bumaba na kami ng apartment. Sumakay kami ng taxi, hinatid kami ni Paul.

Ako ung last na bumaba ng Taxi..

I: Bye...
P: Bye...



and so... it ended.





P.S.
Longest post ever. Sorry. One last time.
and Paul, I'm sorry too, for everything.


---
Today, I read this again. I got upset kasi at the end of the post (ung may PS) nagsorry pa ako. 2 days ago I found out na may sinasabi siya sa friends niya about me. And it isn't even TRUE.

Feb 04 2012

Friday, January 6, 2012

Trusted.

Nakakaflatter lang kasi talaga.Madami kasi akong friends sa candymag, tsaka readers ng stories ko. Since hindi ako madalas magupdate, bumabawi ako sakanila by recommending good books.

Yung mga nirecommend ko ay yung Beautiful Disaster at tsaka yung Fifty Shades. Nagulat ako kasi ang daming nagpasalamat at tsaka nagmessage na kung ano pa daw dapat basahin.

Nakakatuwa kasi feeling ko pinagkatiwalaan nila ako nung sinabi kong ang ganda ganda ng mga librong yun!

Ang saya :)


Tuesday, January 3, 2012

Word of the day



Too
   
     - likewise, also, as well
     - a three-letter word that clinches the deal