Pages

Hello there!




When I'm sad, i write. When I'm happy, i write too! well only sometimes!
When I'm mad, I write again.
When I'm [name it], yes, I write everything:)
I love typing e. hehe.



Enjoy :] though ngayon palang magbibigay na ako ng warning. Halos kadramahan ung nandito because pag masaya ako, or inspired, hindi ako nakakapagsulat masyado, baliktad haha. So mas madaming drama kesa happy moments.

I'm not a good writer nga pala, usually what I write in here dere-deretso ko lang tinatype and I dont proofread it. At last na, bitin yung ibang kwento, lalo na pag inatake ako ng katamaran.


P.S.

thank you sa pagdaan dito sa blog ko

love,

Wednesday, October 31, 2012

Working girl Isa

Fuck. haha Fuckity shit fuck.
(instagram follower ba kita? then alam mo kung san galing un!)

Okay serious na.. First time kong magkwekwento about sa work...
Pero una sa lahat dont get me wrong muna, I'm very thankful na fresh grad lang ako pero ang ganda agad ng work ko. Ang taas pa ng starting!

But I guess nagulat din ako sa work ko kasi I work in a semicon company nga pala, Texas Instruments.. One of the best companies in the Philippines oha! We manufacture chips! Integrated circuits. Ung pang iphone ganyan, pang Dell, Toshiba, etc. Sossyness! Kaya lang ang hirap ng trabaho ay hindi biro.

I am a supervisor. I own a specific area. I have 80+ machines to think about and 200+ different materials to monitor. I have to produce at least 2 million devices everyday. And above all that I handle at least 30 people. PEOPLE. Who depend on me, who wait for my decisions, who ask for my approval, who make me simply crazy. Haha!

Specific area. Hawak ung Die Attach, level 2 ng assembly. I have to make sure na ung mga tao ko nag 5s. I have to ensure na malinis ang area. Na walang gulo! na walang something na delikado.. ok carry ko to though there are times talaga na I get piss off at nasisira ung araw ko. Ung kapalitan ko kasing supervisor, no comment baka mabasa pala.

80 machines. Buti nalang talaga at anjan ang best friend kong si Adaima. O ung pc application na pwede kong itype ang SMW27SI1 para malaman ko ung laman ng isang machine. 80+ machines. I have to know their statuses every now and then. Production ba, idle ba, for repair ba, wala bang laman, mga ganun. Pero eto carry lang..

200+ different materials. Honestly, meron naman akong tinatawag na kitting girl. Siya ung bahala sa inventory. Pero minsan pag hindi nakukuha sa stockroom ung kailangan ko, un na, stress na. Pati ung mga devices din, materials din pala sila. I have to ensure na nag first in first out ang mga operators ko. And hindi ko to namomonitor 100%. I have 200+ different devices, hindi ko naman kaya icheck every hour kung ung pinaka aging na ung pinaprocess.

2M devices everyday... Well kung maganda ang line, achievable talaga. It's like this, pag nakaka2M+ mahigit kami, pag nahihit ang target, I love it. haha!! But pag pangit ang production, my God, lagot na kay boss! Ang hirap mag explain!

And then syempre wala naman kami mapaprocess without the people, ung mga production specialists namin, operators. Ok. Sila ang pinakamahirap hawakan sa lahat. Kasi we all have different opinions e.. Mahirap humawak ng tao! kunwari Nov 1, supposedly walang pasok dba? But I have to ask them to go to work.. kasi we cant miss a day na hindi magproduce. Then iiyak sila, they will make drama na kasi ganito ganyan, hinihintay ng family.... mga ganun. But ok sila. Love ko mga PS ko.. Ok sila kasama! haha

Parang as a supervisor, I have to be patient.. I cant be a bitch!  haha! I have to be nice. There are times na talagang umiinit ulo ko. But I always keep my cool. I try my best not to raise my voice to anyone.. But you know it's hard. It's not easy to stay calm lalo na pag may major issue or something like that.

Ang hirap magadjust. Student tapos biglang working girl.. and hindi basta working girl. Supervisor agad..
Parang my people look up to me..

Dati I dont control what I post on FB. Ngayon super controlled na. Kasi eto, "if I post this, my boss will see this".

"If I share this, what would my operator think about me?"

Parang fuck ang hirap ng ganun. Parang I'm changing! Nagma-mature? yuck joke. But I guess that's life. U really have to grow up and be mature at some point. haha!

And then mga katrabaho. Co-supervisors! Iba iba pamamalakad namin. Pero minsan nakakabadtrip na talaga e.. Natututo naman ako sakanila, ang dami nilang tinuro sakin.. and im very thankful for that. Pero kasi handling people... hindi naman isang style un. Ang gusto kasi nila parang pareparehas kami ng style. kung ano ginagawa niya dapat ganun din ako? hindi ba pwedeng kung san ko mas magagawa ung trabaho ko?

Minsan may times na gusto ko ng gumive up. Dati kasi super happy ako. NGayon nafifeel ko na ung stress. Ung TI, naku isa talaga sa mga magagandang companies sa Pinas. But I dont know, pag ayaw mo ung kasama mo talaga..... Ang hirap kasi ayoko magpakaplastic.

Nagaaway sa line tapos sa canteen bati bati? what the fuck? Okay sige trabaho trabaho lang. Andun na ako. Pero siguro dahil 1st job ko to, di pa ako sanay na iwanan ung init ng ulo ko sa line.

oh my God ang gulo gulo na naman ng post ko.

Basta... I need this work so I should extend pa my patience.


Sunday, July 1, 2012

Missing my Manila Life

Before I start, I would like to say first na I love my present work. I feel very blessed for having that job just 2 months after my graduation. I like my teammates, my subordinates and my boss. They patiently teach me all the things I need to know everyday...

But I still can't help it. I miss my Manila life.

I miss waking up 5 minutes before my class starts. Yes, I was late everyday! haha!
I miss having so much freedom! When I was in Manila, I didn't have to ask for permission to go here, there, to sleep somewhere else, to come home at a very late time and etc.
I miss drinking with my friends almost every other night at Tapsi, Balay, the Pit, Tomas Morato etc.
I miss having no curfews!

I guess namimiss ko lang ung pagiging studyante. Things are different now. I can't be late anymore dahil baka maquestion ako, baka hindi ako maregular... Feeling ko tumatanda na ako! Haha.

Saturday, May 5, 2012

....

Today is a sad day. A very very very sad day.

Around 1pm, dumating sa bahay namin si Tita Susan kasama ung mga pinsan ko. Galing sila sa Angeles, sa bahay nila dun kung san ung caretaker si Ate Gina (yaya ko ng baby ko)

Tapos nalaman ko na ung asawa ni Ate Gina, si kuya may cancer daw.

Si Ate Gina... para sakin, part ng family ko. Every Sunday pumupunta siya sa bahay namin kasama ung anak niya.. Pag birthday ko at may handaan siya ung tumutulong naghahanda.. pag kailangan ng gown siya din tumutulong. Pag gusto ko ng Toll House siya ung nagdadala sa bahay.. Pag mageenroll dati siya ung nageenroll.

Pag Sunday tulog pa ako lagi pag dating nila nung anak niya (10 years old na siguro), so gigisingin ako para kumain na ng lunch. Tapos syempre gulo gulo buhok ko, siya ung magsusuklay sakin.

Masasabi ko na siya ung 2nd mom ko talaga.

So ganun kami ka-close.

Nung bata pa kami ng kapatid ko, si Ram, si kuya ung service namin. Kaya sila nagkainlove-an kasi dati ihahatid kami ni kuya sa school ng kasama lagi si Ate Gina. Bata pa kasi kami nun kaya kelangan kasama siya sa school. Kaya un, nagkainlove-an sila.

Kaya ngayon, I'm super duper duper super duper grabeng sad.

Cancer. Pano na sila nyan :(

:'(






Roller Coasters and Other Crazy Rides!

I'm back!!! Sorry I had to make my blog private for a couple of days haha.

Anyway, I was so bored the other night to the point na I read different weird and amazing articles on the internet.   What I liked the most was the article about roller coasters. So I thought it would be nice to make this post. :)

Ako ever since, takot talaga sumakay jan e. I haven't tried the Space Shuttle pa nga ng Enchanted Kingdom e. Haha. Meron kasi akong fear of heights, feeling ko maatake ako sa puso pag sumakay ako dun. Lol.

If things were different siguro, like kunwari hindi ako matatakutin sa heights plus madami na akong pera pangtravel, siguro isa to sa mga gagawin ko sa buhay ko. Travel + roller coasters + thrill rides around the world.

Eto ung top 6 kong gustong ma-try if ever. I hope ma-amaze din kayo!


TOP 1: Vertical Velocity Roller Coaster
Place: Six Flags Discovery Kingdom - California

O diba vertical, tapos sa right side
curly curly oh my oh my!!! 
Front seat (POV) video:


TOP 2: Thunder Dolphin Roller Coaster
Place: Tokyo Dome City Attractions Park - Tokyo, Japan

Oha lumulusot pa sa building, BONGGA!!! Galing talaga ng mga
Japanese Engineers!

Front seat (POV) video:
grabe super taas! fckkk haha



TOP 3: Mantis Roller Coaster
Place: Cedar Point Amusement Park - Ohio

Ung mga tao naka-tayo dito.
Omg feeling ko manghihina talaga
legs ko ng super!
Front seat (POV) video:




TOP 4: The Claw
Place: Dreamsworld - Queensland, Australia





TOP 5: Insanity
Place: Stratosphere Hotel and Casino, Las Vegas

Bagay ang name sa ride in fairness, insanity, nakakabaliw nga siguro to haha



TOP 6: Riptide Ride
Place: Knott's Berry Farm, California

Ikot ikot + ikot ikot pa ulit!




Sooooo un lang!! :) Credits nalang sa lahat ng pinagkuhanan ko ng info, pics at vids!

xoxo,

Thursday, April 26, 2012

Apply apply apply

Yesterday, nagsubmit ako ng resumes sa ibat ibang companies/factories sa loob ng Clark

Yokohama
SMK
Nanox

Ung Nanox nagtext agad, exam daw tom.. first time kong mageexam hahaha nakakanerbyos. Anyway, I hope maging okay lahat tom! 


Tuesday, April 17, 2012

Paranomal Romance books

Tagal ko ng hindi nagpost pala! Been busy writing kasi. Tinutuloy ko na ung story ko sa candy. Another reason pa is ung pagbabasa ko. lol sa ipad kasi ang dali magbasa ng books kaya un...


So books. Lately naadik ako sa paranormal romace, haha! Para may thrill at exciting ung binabasa ko.Eto ung mga nirerecommend ko:



TOP 1: Significance Series - Shelly Crane. 
★★★★★★★★★★★ - 11/10 stars LOL


Significance - Shelly Crane



2nd, 3rd and last book (below)
    


Significance is about Caleb and Maggie.. Strangers talaga sila pero nung nagtouch sila, I mean nung nagshake hands sila dahil nagpakilala sa isat isa, something happened. They imprinted!!! Haha! At dahil dun naging significant nila ung isat isa. Significant = soulmate, forever partner, other half or kung ano man. As in literal na kailangan nila ung touch ng isat isa para mabuhay sila. Kunwari hindi sila tabi matutulog, the following morning magsusuffer silang parehas. Withdrawals. Tapos, nakakapagusap din sila sa minds nila, nagagamot nila ung isat isa, lahat talaga! 

So bakit top 1? Sobrang okay kasi nun story! Ang ganda talaga, kakaiba. Hindi about sa vampire, wolf, magic, or kung ano man. Sweet pa nilang dalawa! <3 at tsaka hindi pala nakakalito to, mabilis kasi ako malito sa mga pangyayari haha dito hindi. maganda pagkasulat! <3

Ay ya, ung last book, INDEPENDENCE, sa last quarter pa daw ng taon na to irerelease. Hay hindi ko na mahintay.

Anyway, kung meron palang indie films, may indie book din. haha. Isa ung writer na to sa mga indie writers kaya wow kakabebelieve talaga. Lately nageenjoy talaga ako magbasa ng mga gawa ng indie writers or authors. Mas okay e. 

Eto pala goodreads page neto, tignan niyo ung ratings mega sa taas! wooo! 
Pag mataas ung ratings nauuto talaga ako eh haha kaya binabasa ko




TOP 2: Providence Trilogy - Jamie McGuire 
(author din ng Beautiful Disaster)
★★★★★★★★★★ - 10.5/10 stars

isa to sa mga
dont judge a book by it's cover haha

Second and third book (below)

 


Ung Providence about naman kay Jared and kay Nina. Si Jared half Angel half human (Hybrid) ata tapos siya ung bodyguard ni Nina though hindi alam ni Nina un. Pero after mamatay nung dad ni Nina, nagpakita na sakanya si Jared. Kaya lang hindi naman agad nalaman ung mga bagay bagay like siya nga ung bodyguard, angel, etc. 

Ang gulo ata nung pagkadescribe ko haha! Pero bakit ba nagustuhan ko to? Ah. Kasi ang hot ni Jared hehe badass! Galing humawak ng baril, makipaglaban etc. Tapos sila ni Nina sweeti din, punta dito, punta dun.. Ung kalaban naman nila, hell!!!! :) haha mga demons. 

Kaya ko to binasa dhail ung author nito ung sa beautiful disaster din so alam ko writing style niya... basta ok tong book na to! Cant wait for Eden, May 1 sana dumating ka na!!! 

And tignan niyo ung ratings sa goodreads, ang tataas! <3

Bago pala ako magbasa ng book, I see to it na mataas ung ratings niya sa goodreads. I also read different reviews muna kasi ayokong nadidisappoint talaga. Ayokong babasahin ko tapos ang pangit pala. So pag nakakita talaga ako ng books na may review na over sa baba, di ko na talaga babasahin. 

Puro 1 star ang rating, tapos ang dami pang naglalike ng revies! Meaning daming umaagree na pangit to. haha. 


Anyway, top 3 na tayo. 


TOP 3:  Twilight Saga - Stephenie Meyer
★★★★★★★★★★ - 10/10 stars


Well 1st year college ko pa to nabasa pero kasama pa din to sa top 3 ko :) After neto, wala na akong ibang vampire books na nagustuhan. 

Twilight - 1st Book

2nd 3rd and 4th book (below)
New Moon, Eclipse, Breaking Dawn 


    


Kailangan ko pa bang idescribe ang Twilight Saga? Lol. Alam kong magaganda ung movies neto, pero swear, iba pa din talaga pag binasa mo yung libro.. :)


Til next tiiiime!, 



Tuesday, April 10, 2012

Holy Week

Tuwing Holy Week at tsaka New Year, pumupunta sa bahay namin ung family ng dalawang best friends ng mom ko. So ung mga anak nila, childhood friends naming magkakapatid hehe.

Eto kaming 3 panganay na girls:















Saturday, March 31, 2012

Baccalaureate Mass Pictures

Photo flood ng kunti :)


















Wednesday, March 28, 2012

Ang dami ko daw kwento

Yesterday may nagtanong sakin "Bakit hindi ka nauubusan ng kwento sa blog?"
hahaha. Natawa talaga ako sa tanong niyang yun kasi minsan, tinatanong ko din un sa sarili ko.

I told her na iblame niya yung mga taong nakapaligid sakin. Kasi they make my life colorful, magulo, at iba iba talaga. And not just the people around me, things din.

For example, kahapon. NORMAL day lang siya dapat. Monday lang. Review day lang. E nagyaya magmall ang mga classmates ko. So go kami sa SM San Lazaro. 700 lang dala ko sa school nun, e 600 binayad ko pang toga, tapos 100 pang kain. Kaya sabi ko magwiwithdraw ako.

At anong nangyari... KINAIN UNG ATM CARD KO. the fuck. haha
first time ever kong naexperience yun.

Ung mga classmates ko tinawanan ako kasi malas talaga, kung kelan patapos na dun pa kinain yung atm ko. lol. oh diba? Well experience pa din so sige na nga. hayaan nalang. bad ATM!

Anyway, balik tayo sa topic. Bakit nga ba ang dami kong kwento? Siguro side effect to ng pagiging writer. lol. Parang kahit simpleng pangyayari para sakin meaningful siya or something. :)




Saturday, March 24, 2012

Baccalaureate Mass

Things that happened today na nagpasaya sakin:

1. Baccalaureate Mass -> Habang nagsasalita si father rector, may times na naluluha ako talaga kasi ang thankful ko pa din at nakaupo ako dun kanina.. As in isa ako sa mga gagraduate etong March. Alam naman ng lahat na nalagay sa bingit talaga yung graduation ko dahil sa isa kong subject (EE) kaya naku umiyak ako after nung communion. Sobrang nagpapasalamat talaga ako!

2. Picture + chikahans -> Lahat senti senti.. Sinusulit ung mga nalalabi naming araw bilang IE students sa UST kaya puro pictures! haha Nakipagchika chika din ako kung kani kanino. :)

3. Sigaw sigaw sigaw! -> Tuwing tinatawag yung Engineering todo sigaw kami. Ang saya maging isang engineering student sa UST talaga. haha!

4. Fireworks -> Pinakaaabang abangan talaga to (tama ba?) Ang ganda. Un lang masasabi ko haha. Actually nung Feb nanood kami ng Pyrolympics sa MOA pero wala... mas gusto ko pa din ung sa UST!

5. Paglabas sa Arch of the Centuries - Tumakbo kami palabas dun sa Arch... Tradition kasi na pag 1st yr ka, papasok ka dun then hindi ka pwede lumabas dun until sa bacc mass. Tapos may sabi sabi na pag lumabas ka dun ng basta basta, hindi ka gagraduate. So kanina, ang sarap sa feeling na finally, nakalabas din ako sa arkong yun! Ang saya talaga nun!!! tom pwede na kami maglabas pasok dun hehehe



Isang bagay na gumulo na naman sakin:

P. P. P. Nanaman. Ulit ulit. Ayaw talaga akong tantanan at patahimikin ang buhay ko.

So nagchichikahan kami ng mga classmates ko, nagsusulatan sa mga uniforms ng bigla nalang may nagsabing

"Isabel Albelda I'm sorry"

Kilalang kilala ko yung boses na yun. Nashock ako kaya nagtinginan kami ng mga classmates ko... "OMG nagsorry siya!"

Nagsorry talaga siya sa harap ng maraming tao, libo! As in narinig ng lahat dahil sa mic niya sinabi at napakadaming speakers dun at sa event niya talaga sinabi..

Eto mga nafeel ko nun:
1. Shit! Wow!
2. Shit! Bakit ginawa ni Paul un?!
3. Shiiiiiiiiiiiiiiiiiiiit! Nagsorry talaga siya!
4. Shiiiit ginawa niya talaga yun. Narinig ng friends ko. Narinig ng friends niya. Narinig ng lahat.
5. Shit. Shit. at shit lang.

And then tinext ko siya.

I: I heard it.
P: Sorry.
I: Sorry san? Wag shortcut-in na for everything

and then hindi na siya nagreply. I asked him kung para san kasi gusto ko ng specific... Sa dami dami ng ginawa niya sakin sa isang bagay ko lang siya gusto magsorry... Dun sa pagsabi niya ng something isa niyang classmate o classmates niya.

Tapos naisip ko nangingibabaw na naman feelings ko kesa utak ko, so nagisip ako. eto mga tanong ko

1. Bakit ngayon lang nagsorry? I mean dapat dati pa. FEB pa.
2. Bakit kailangan sa mic magsorry? Okay so aaminin ko na nagustuhan ko un, pero napapaisip na naman ako. Ano, for show lang yun? Sincere ba yun? Gusto ko talaga yung ginawa niya kasi nasurprise ako in a way pero I think mas maappreciate ko kung sa text nalang o phone call o personal kesa dun.

Sabi nga ng classmates ko ang sweet daw. SWEET. Dun sila mali. Sabi ko sakanila kaya niya siguro ginawa yun dahil alam niyang malaki mga kasalanan niya sakin.

After nung nalaman ko ng Feb, nagalit ako kay Paul. Ng sobra. Sobrang sobrang sobra. Minsan nga feeling ko ang lakas kong babae dahil nakayanan kong tanggapin ung ginawa niya e.

Pero ngayon feeling ko ang vulnerable ko pa din.
Imagine, after ALL what we've been through, after what he put me through, naapektuhan niya pa din ako.

See kaya nga may post ako na ganito e. This post is supposedly about Bacc Mass... Pero may ways talaga si Paul para guluhin yung mundo ko ulit.

And I HATE IT. I HATE IT NA HANGANG NGAYON naapektuhan pa din ako.
Ayoko na talaga. Napapagod na ako.

Actually parang narealize ko na sana pala hindi nalang siya nagsorry at hindi na lang niya ako kausapin forever kasi okay na ako e. or at least yun ung nasa isip ko. Okay na ako. Pero isang paramdam lang, hindi na naman ako okay.

Hay. PQ.



Monday, March 12, 2012

Because God is good!

This morning, nalaman ko na makakasama ako sa mga ga-graduate sa March 31 2012. I couldn't be any happier talaga at the moment because ung pag-graduate ko nalagay talaga sa bingit, haha! May back subject ako, yung Elementary Electrical Engineering (basic EE) pero nabagsak ko kasi siya nung 4th year tapos ngayon ko lang kinuha ulit.

3 thesis napasa namin, 3 defense, lahat ng majors pero ung talagang nagput danger sa grad ko ung EE. Nahirapan talaga ako ng sobra sobra sobra!

So kanina nung sinabi samin yung grades. 49 lang ako. Passing is 60. So ako mura na ako ng mura sa isip ko na fuuuck, :( tsaka naiiyak na talaga ako... :(
kaya lang..


Prof: Yung mga malapit na sa 50, pwede na kayong huminga ng malalim at umuwi.


Pagkasabi nun, I cried talaga. As in. HUHU. Naiiyak na naman ako ngayon tuloy. Anyway, sabi ko habang umiiyak na thank you po sir... as in thank you. binaba niya ng 50 yung passing at pinagbigyan na ako.

Pagkalabas ko sa faculty room tinawagan ko mommy ko

M: O kaye bakit?
I: mama gagraduate ako... (umiiyak haha)
M: ano? ayusin mo hindi ko narinig
I: gagraduate ako, sure na

hindi ko na natandaan ung sabi ni mama pero parang sabi niya mabuti naman, at naiiyak din daw siya sa balita ko etc etc.

Hay. Nabunutan talaga ako ng tinik sa dibdib hahaha.

Akala ko talaga madidisappoint ko yung parents ko. Nakakahiya talaga sakanila :( Buti nalang talaga at wala na akong problema ngayon sa school.

Lord, thaaaaaaaaaaaank you po for answering my prayers. And sa lahat ng friends ko who believed in me, and who supported me, thank you!

Ang bilis ng panahon. :) 





Friday, March 9, 2012

Bittersweet stories about...

best friends turned into lovers

Bittersweet - A situation that is both "bitter" (sucks) and "sweet" (awesome) at the same time.


So last night sa isang bahay namin ako natulog at dahil walang internet dun, nanood lang ako ng movies. Isa sa mga napanood ko yung dahilan kung bakit sinusulat ko to ngayon! haha. Honestly ayoko talaga sa mga bittersweet na stories. Kasi ang sakit sa puso haha! Yung tipong tagal tagal bago magkatuluyan, ang dami ng nangyari, daming complications etc.

Anyway, I hope maenjoy niyo tong post ko haha.

Twenty years. Two people. One day.
Yung One Day story ng isang girl (Emma) at ng isang boy (Dexter) na naging magbest friends after ng graduation nila, July 15 1989. Simula nun papakita ung mga nangyayari sa buhay nila ng same day pero ibat ibang year so July 15 1990, 1991.... 2009. Ang dami nilang pinagdaanan, daming napuntahan, basta ang dami. Si girl gustong gusto na si boy, kaya lang si boy playboy at hindi pa ready sa commitment. Nung bakante naman si boy, si girl naman yung meron ng lover. Anyway they got together pa din naman eventually.
Well kahit na sumakit puso ko kakapanood neto, I must admit na a must watch movie eto :)

Here's the trailer:



Ngayon ko lang nalaman na book pala to originally so babasahin ko na siya later :)

------o------

a.k.a Where Rainbows End
Cecelia Ahern

Love, Rosie is definitely one of my favorite books. Mejo ironic kasi love ko tong book pero yung storya ni Alex at ni Rosie hindi ko gusto haha.

So yung story neto is about kay Alex at kay Rosie. Magclassmates sila nung bata pa sila, 5 years old palang yata lagi na silang nagkukulitan. Plus magkapitbahay sila. Wait etong novel pala ibang klase ung style hindi siya ung paragraphs or narration. Epistolary fiction siya (Fictional stories told through letters, emails, diary entries, etc.). So makikita dito ung mga pagexchange ng notes ni alex at rosie, sulat ng principal sa parents nila dahil laging nahuhuling nagpapalitan ng notes sa school, mga IMs, mga emails, postcards, greeting cards etc. Napakadaling basahin neto swear :)

Ang funny din kasi nila Alex at Rosie kaya ang sarap basahin netong book. Anyway, nung nag 18 ata si Alex, senior year nila, napromote dad niya so lumipat sila sa Boston kaya naiwan si Rosie :(

Gusto ko pa sana i-detail ung pagkwento ko about sa book kaso gusto ko basahin niyo din kaya tama na kakabigay ng spoilers haha!

Kaya ayaw ko naman ung story nila kasi in love na sila sa isa't isa e... kaso hindi nila agad nasabi sa isat isa. hay life. haha Basta. read this one!! :)


------o------


Storya ng mag PARE

One time may nag recommend sakin neto, sister ko ata. Sabi niya basahin ko daw. Since bored siguro ako nuyng time na yun, binasa ko naman. 

Isa pa to. Magbest friends. Pero sa tatlong shinare ko sa post na to, parang eto ung pinaka masaklap hahaha. I mean, pinakamalungkot or something...

Gustong gusto ko ung how this story was written kasi feel na feel ko talaga yung emotions ng girl :(

anyway, eto yung link niya: http://bryne12.multiply.com/journal/item/44

mejo mahaba, pero worth it talaga :)


anyway, maglalaro na ako ng Uno :)

Thursday, March 8, 2012

Paradigm Shift Seminar

Joy, Me, Krizzie
Hahaha. Yung bag ko nakabukas kasi may laman na fries at pasimple akong
kumakain kasi BAWAL daw kumain nun. E di pa ako nagaalmusal :p

Parang tanga lang ng itsura ko! anyway eto ung 1st activity. Purihan lang!
oha!
Danica, Chess, Joyce(bruha?), Me, Zanetta,Armine


Sir Eric. Last activity. Lumusot sa gitna ng metal ng hindi tinatamaan un.
took us almost 2 hours if I remember it correctly.

Okay huling huli nagtetext. Haha. BAWAL din daw
gumamit ng fone.