Pages

Hello there!




When I'm sad, i write. When I'm happy, i write too! well only sometimes!
When I'm mad, I write again.
When I'm [name it], yes, I write everything:)
I love typing e. hehe.



Enjoy :] though ngayon palang magbibigay na ako ng warning. Halos kadramahan ung nandito because pag masaya ako, or inspired, hindi ako nakakapagsulat masyado, baliktad haha. So mas madaming drama kesa happy moments.

I'm not a good writer nga pala, usually what I write in here dere-deretso ko lang tinatype and I dont proofread it. At last na, bitin yung ibang kwento, lalo na pag inatake ako ng katamaran.


P.S.

thank you sa pagdaan dito sa blog ko

love,

Thursday, December 1, 2011

Retreat letters

Retreat letters:

Sa sobrang dami kong natanggap na letters, hindi ko malalagay dito lahat haha kasi yung iba sulat kamay lang. Ang sweet ng mga friends ko, true friends. Eto yung ilan sa mga letters..

1. Galing kay Ate Pia - Si Ate Pia kadorm ko dati, 4th yr siya 1st year lang ako. Baby niya ako! Nagpost ako dati about sa kung paano nagpropose bf niya before :) Portion lang to ng letter pala.

"Ayun, Isa, stay beautiful and sweet. I'm sure you'll be a successful engineer someday (or whatever career man ang magpapasaya sayo.) Always be happy. Enjoy your retreat ha. Minsan minsan lang yan nangyayari and you will remember that for the rest of your life. Kaya make it very special. Cherish every moment. Take as much photos as you can. Leave all your worries and burdens there. Sana you find peace of mind and more reasons to be happy after your retreat. Love you always, Isa"

2. Galing kay Toby (puppy love ko nung HS) - Haha so puppy love ko nga siya, we're friends kaya hiningan ko siya ng letter.

"Juan!!! Sobrang mis na kita  gusto Ko lng mag thankyou ksi dhil sau narealize Ko na importante pala magtapos ng pagaaral dba nga date ikaw ung nagmomotivate skin na magspag sa studies Ko kht puro ako basketball ngaun mssbi Ko na sobrNg swerte Ko na kht sa kontng panahon dumaan ka sa buhay Ko  sana balang araw pag nagkita tau successful tau sa buhay natin. Tandaan mo to ha ikaw Lang ang Juan sa buhay Ko at masaya ako dun!! Ingat ka lage and pray always ha?? Imy Juan!! Can't wait to see u!! Congratsss"

Tinatawag niya akong Juan kasi Isa = One = katunog ng Juan.

3. From Badette - Classmate ko ng buong second year. Again, portion lang ng message niya eto

"sayang at di na ulit tayo naging classmates!! first time kitang nakita, i think di ba sa volleyball na PE classmates tayo? naku honestly, nung una naisip ko maarte ka, yun pala hindi. pala-ayos ka lang talaga pero totoo friendly ka lang talaga, and always smiling."

Sanay na ako na yun ang first impression sakin haha! Pero ang nice lang pag napprove mong mali yun, or basta hindi ko maexplain!

4. From Kath - Yung ka-dramahan ko nung summer  lol,  part lang din to ng letter

"ingat ka palagi...dapat alam mo kung ano ang dapat iprioritize sa buhay mo...sa mga gagawin mo. Don't ever rush in making decisions...and don't ever be afraid to fall in love over and over again. Hindi natin matatagpuan yung para satin kung hindi tao magmamahal at masasaktan:)"


Bow. :)

5. From Telly - Reader ko! :) Na ang sweet sweet. Ang haba ng letter niya, pero natuwa ako dito:

"Tsaka super friendly mo.. nakiki-jive ka sa mga trip namin. Yung mga na share mo sa amin- readers mo.. grabe ate, di ko maisip na may makakapag share sa akin ng ganun eh. Thanks dahil nainspire ako sa kwento mo"

Sa totoo lang, nagugulat talaga ako pag may nagmemessage sakin na naiisipire sila sa kwento ko, natutuwa sa mga sinusulat ko sa blog kasi sinusulat ko talaga yung nafifeel ko etc. Pero wala lang, ang sarap sa feeling. :)


---

Ang dami pa! Kaso gusto ko din ilagay yung mga notes na natanggap ko nung retreat. Meron kasi kami kanya kanyang envelopes dun tapos pwede hulugan ng classmate mo un ng message nila para sayo. Ang dami ko din natanggap! Sana lagi nalang may retreat haha! Isa sa mga paborito kong bagay sa mundo na to ay yung mga sulat talaga, swear. Pero pipili lang ako ng 2 kasi nakakatamad itype! hahaha

1. From Jowie - Ngayon ko lang siya naging kaclose, dahil sa Cebu at sa retreat. Sobrang funny niya kaya pati letter niya napatawa ako haha

"Sab =) Sabel =),
You are my new found friend. Sana kahit anong sabihin ng iba sayo maging strong ka kasi mabait kang tao, maganda ka, sexy ka, sana ganyan din ako =)"

Winner diba? haha! Actually, kahit ano naman talaga sabihin ng iba wala I dont care. Kasi ako ginagawa ko lang yung gusto ko, as long as wala naman akong naanong ibang tao edi okay lang! Nakakatawa pala Sabel talaga tawag niya sakin -.-


2. From my baby Lica - portion lang ulit kasi mejo mahaba note niya sakin. Sweet =)

"Nay... I saw something in you that made me want to be your friend. You're a very loving person and you're very thoughtful. You always say sorry kahit wala ka naman talagang ginagawa"

Natuwa ako dun sa thoughtful kasi yung favorite kong teacher nung grade 2 ako yun din yung sinabi sa mommy ko! About sa sorry sorry, pag feeling ko may nagawa ako nagsosorry talaga ako. Pero pag feeling ko wala, aba. :)

3. Syempre galing sa sister ko. :)

I love you Ate Kaye

Haha madalas ko kasi pagalitan sister ko pero normal nalang samin yun!

--------------------------


At eto ako nung nagsusulat ako ng notes para sa mga friends ko! Sa tissue! haha! Para matatandaan nila ako. Si Jowie tinawag akong "Sabel na walang papel" haha. Wala talaga akong paper nun, and gusto kong maging unique!

I know umitim ako! haha pero babalik din naman skin tone ko, soon.