Pages

Hello there!




When I'm sad, i write. When I'm happy, i write too! well only sometimes!
When I'm mad, I write again.
When I'm [name it], yes, I write everything:)
I love typing e. hehe.



Enjoy :] though ngayon palang magbibigay na ako ng warning. Halos kadramahan ung nandito because pag masaya ako, or inspired, hindi ako nakakapagsulat masyado, baliktad haha. So mas madaming drama kesa happy moments.

I'm not a good writer nga pala, usually what I write in here dere-deretso ko lang tinatype and I dont proofread it. At last na, bitin yung ibang kwento, lalo na pag inatake ako ng katamaran.


P.S.

thank you sa pagdaan dito sa blog ko

love,

Sunday, December 18, 2011

Because I know how to use my charm! :)

Hahaha! Okay kwento lang. So Thursday night may fiesta sa UST. Well, fiesta tawag ko kasi ang saya saya ng event na yun. Parang nung Quadri lang. Libreng lechon baboy, baka at manok tapos yung mga students nakaupo lang everywhere nagpipicnic. O dba ang saya? So fiesta!

Mga 8pm nung pumasok kami ng UST nun. Ang daming tao talaga. Ang hahaba ng pila. Akala namin kahit san pwede pumila pero dahil Eng'g daw kami, dun kami pumila sa eng'g.

Nakakagulat yung haba ng pila! Umabot pa daw ng Espana gate. OA much! At dahil wala talaga akong tyaga pumila, naghanap kami ng maoovertake-an. Masisingitan pala. Luckily, meron akong friends na nasa may gate na, ung malapit na sa food, so there! "Pasingit!"

At wala pang 5 minutes may lechong manok na ako! yummy..  Kunti lang yung manok kaya ang dami pang space ng bowl na dala ko.

Then pumila pa ulit kami ng 5 minutes para dun sa lechong baboy at baka.  tapos yung lechong baka paubos na. Yung mga nasa harapan ko hindi pinansin ni kuya, ako agad yung nilagyan niya! haha so sabi ko thank you po. Yung classmates ko nainggit so nanghingi na din sila kaso naubos na ata talaga kaya sakin nalang sila kumuha.

Next yung lechong baboy. 4 yung servers tapos meron 1 taga chopchop. Nilagyan na yung bowl ko nung lechon baboy, lalabas na sana kami after kaso nakita kong tinitignan ako nung taga chopchop! Edi nag smile ako sakanya. tapos sabi niya "eto pa o", bawal tanggihan ang blessing kaya inabot ko yung bowl ko at pinuno niya yun! HAHAHA. Natawa talaga ako kasi sa classmates ko ang kunti, yung akin punong puno.

Pero syempre nahiya naman ako sa mga taong nakakita nun, lalo na yung mga nasa likod ko so dedma nalang, after ko magthank you kay kuya niyaya ko na si Joyce umalis dun.

Meron akong dalawang friends na nakasalubong, sa carpark at tsaka sa may AB. Parehas sila ng tinanong, "bakit ang dami nyan" sabi ko lang "ganyan talaga" blah blah tapos sabi "dinaan na naman sa charm" tumawa lang ako after hoho

at dahil mabait ako (blog ko to bawal umangal!) si kuya guard dun sa dapitan binigyan ko ng balat. exposed na exposed kasi yung bowl ko walang takip kaya pinakuha ko siya.

Saya talaga ng paskuhan week sa uste!

Ang random ng kwento kooooo sorry!