Pages

Hello there!




When I'm sad, i write. When I'm happy, i write too! well only sometimes!
When I'm mad, I write again.
When I'm [name it], yes, I write everything:)
I love typing e. hehe.



Enjoy :] though ngayon palang magbibigay na ako ng warning. Halos kadramahan ung nandito because pag masaya ako, or inspired, hindi ako nakakapagsulat masyado, baliktad haha. So mas madaming drama kesa happy moments.

I'm not a good writer nga pala, usually what I write in here dere-deretso ko lang tinatype and I dont proofread it. At last na, bitin yung ibang kwento, lalo na pag inatake ako ng katamaran.


P.S.

thank you sa pagdaan dito sa blog ko

love,

Saturday, December 31, 2011

Bye 2011 and hello 2012!

2011's been so one heck of a year for me. I hope 2012 brings me everything that would make me happy! 


everyone! 




Saturday, December 24, 2011

Subic Adventure

Sobrang biglaan lang tong lakad na to! Tuesday ata nung pinagusapan namin na magsu-subic kami. Parang yung text, game ka? Oo. Tapos wala na ulit plano kung anong oras aalis, saan pupunta.. etc.

Then Wednesday night, text ulit, tuloy ba? oo. end.

Thursday morning, gising ka na ba? oo, papunta na kami sa bahay niyo sabi ni Jam and Dave.

Umalis kami sa bahay 2:30 na then 3:30 dumating na kami sa Subic. :D Nagyaya ako mag Treetop kasi gusto ko ulit magZipline. haha.

Pictures!








driver namin :p



after ng Central Balibago, pumunta kami ng V8 Clark. 


Saya supeeeeeeeeeer! :)

Sunday, December 18, 2011

Because I know how to use my charm! :)

Hahaha! Okay kwento lang. So Thursday night may fiesta sa UST. Well, fiesta tawag ko kasi ang saya saya ng event na yun. Parang nung Quadri lang. Libreng lechon baboy, baka at manok tapos yung mga students nakaupo lang everywhere nagpipicnic. O dba ang saya? So fiesta!

Mga 8pm nung pumasok kami ng UST nun. Ang daming tao talaga. Ang hahaba ng pila. Akala namin kahit san pwede pumila pero dahil Eng'g daw kami, dun kami pumila sa eng'g.

Nakakagulat yung haba ng pila! Umabot pa daw ng Espana gate. OA much! At dahil wala talaga akong tyaga pumila, naghanap kami ng maoovertake-an. Masisingitan pala. Luckily, meron akong friends na nasa may gate na, ung malapit na sa food, so there! "Pasingit!"

At wala pang 5 minutes may lechong manok na ako! yummy..  Kunti lang yung manok kaya ang dami pang space ng bowl na dala ko.

Then pumila pa ulit kami ng 5 minutes para dun sa lechong baboy at baka.  tapos yung lechong baka paubos na. Yung mga nasa harapan ko hindi pinansin ni kuya, ako agad yung nilagyan niya! haha so sabi ko thank you po. Yung classmates ko nainggit so nanghingi na din sila kaso naubos na ata talaga kaya sakin nalang sila kumuha.

Next yung lechong baboy. 4 yung servers tapos meron 1 taga chopchop. Nilagyan na yung bowl ko nung lechon baboy, lalabas na sana kami after kaso nakita kong tinitignan ako nung taga chopchop! Edi nag smile ako sakanya. tapos sabi niya "eto pa o", bawal tanggihan ang blessing kaya inabot ko yung bowl ko at pinuno niya yun! HAHAHA. Natawa talaga ako kasi sa classmates ko ang kunti, yung akin punong puno.

Pero syempre nahiya naman ako sa mga taong nakakita nun, lalo na yung mga nasa likod ko so dedma nalang, after ko magthank you kay kuya niyaya ko na si Joyce umalis dun.

Meron akong dalawang friends na nakasalubong, sa carpark at tsaka sa may AB. Parehas sila ng tinanong, "bakit ang dami nyan" sabi ko lang "ganyan talaga" blah blah tapos sabi "dinaan na naman sa charm" tumawa lang ako after hoho

at dahil mabait ako (blog ko to bawal umangal!) si kuya guard dun sa dapitan binigyan ko ng balat. exposed na exposed kasi yung bowl ko walang takip kaya pinakuha ko siya.

Saya talaga ng paskuhan week sa uste!

Ang random ng kwento kooooo sorry!



Friday, December 16, 2011

Bitch.

I: oh my gosh yung bitch!

Ang funny lang nung moment na yun...

(pauwi ng dorm)

Wednesday, December 14, 2011

Traumarama: Cinderella moments!



Wow ang dalang ko nalang pala magsulat, busy kasi lately. Pero dahil may nangyaring di kaaya aya kanina, eto ako ngayon magkkwento. Haha.

Sa school, nakaheels ako. Feel ko lang. Parang lahat kasi ng babae sa Eng'g nakaflats lang e. So nakaexperience ako ng mga Cinderella moments

1. Nung 1st year college. Omg. Wait sanay ako magstiletto ah! Okay game. Syempre sa HS bawal magheels, e ako pa naman gustong gusto ko nakaheels. So excited talaga ako magheels nung first day kaya lang malelate na ako so nagmadali ako. Sa room 207 ung room ko nun e, kaya nung nasa hagdan na ako, 2 steps nalang nasa 2nd floor na ako... Ewan ko anong nangyari at biglang nalaglag yung right shoe ko. omfg. hahaha. hahahahaha! Nakakahiya talaga. Hindi ko alam kung bababa ba ako to get it or kung maghihintay ba ako ng kukuha or something. Pero since may lalake dun sa baba, kinuha niya tapos nilagay niya sa may gilid ng paa ko. I thanked him tapos umalis na ako. Grabe nakakahiya talaga. Ever.


2. 3 weeks ago - Merong seminar sa 3rd floor ng Eng'g tapos nakikipagdaldalan ako habang nasa stairs. Yes sa stairs na naman! Lagi nalang. 1 step nalang talaga nasa 3rd floor na ako, yung left shoe ko naman ung naiwan dun sa pang dalawang step bago mag3rd floor. haha buti nalang at mga classmates ko lang nakakita :D

3. Kaninang umaga - 9am pasok ko pero 9am ako umalis sa dorm, lol, so I guess karma's a bitch. Pag lagpas ng lovelite mejo may butas butas yung daan. Yung heel ng right shoe ko nastuck! E may nakatingin pa naman sakin na dalawang commerce students, hahahahaha. Buti nalang at nakasalubong ko si Chill, so deadma nalang!

Hay naku mga embarrassing moments ko talaga hindi na ako tinatantanan.

til next time!

Saturday, December 10, 2011

Mommy

Siguro eto yung saddest night ng December ko. :( Tomorrow babalik na ulit si lola sa States.
Kanina nung nagba-bye ako sakanya sa bahay niya hindi ko napigilang umiyak. Tulad ngayon. :(
Kapag ako nakapagtrabaho talaga, isa sa mga pagiipunan ko yung pamasahe niya! Promise.



Thursday, December 1, 2011

Retreat letters

Retreat letters:

Sa sobrang dami kong natanggap na letters, hindi ko malalagay dito lahat haha kasi yung iba sulat kamay lang. Ang sweet ng mga friends ko, true friends. Eto yung ilan sa mga letters..

1. Galing kay Ate Pia - Si Ate Pia kadorm ko dati, 4th yr siya 1st year lang ako. Baby niya ako! Nagpost ako dati about sa kung paano nagpropose bf niya before :) Portion lang to ng letter pala.

"Ayun, Isa, stay beautiful and sweet. I'm sure you'll be a successful engineer someday (or whatever career man ang magpapasaya sayo.) Always be happy. Enjoy your retreat ha. Minsan minsan lang yan nangyayari and you will remember that for the rest of your life. Kaya make it very special. Cherish every moment. Take as much photos as you can. Leave all your worries and burdens there. Sana you find peace of mind and more reasons to be happy after your retreat. Love you always, Isa"

2. Galing kay Toby (puppy love ko nung HS) - Haha so puppy love ko nga siya, we're friends kaya hiningan ko siya ng letter.

"Juan!!! Sobrang mis na kita  gusto Ko lng mag thankyou ksi dhil sau narealize Ko na importante pala magtapos ng pagaaral dba nga date ikaw ung nagmomotivate skin na magspag sa studies Ko kht puro ako basketball ngaun mssbi Ko na sobrNg swerte Ko na kht sa kontng panahon dumaan ka sa buhay Ko  sana balang araw pag nagkita tau successful tau sa buhay natin. Tandaan mo to ha ikaw Lang ang Juan sa buhay Ko at masaya ako dun!! Ingat ka lage and pray always ha?? Imy Juan!! Can't wait to see u!! Congratsss"

Tinatawag niya akong Juan kasi Isa = One = katunog ng Juan.

3. From Badette - Classmate ko ng buong second year. Again, portion lang ng message niya eto

"sayang at di na ulit tayo naging classmates!! first time kitang nakita, i think di ba sa volleyball na PE classmates tayo? naku honestly, nung una naisip ko maarte ka, yun pala hindi. pala-ayos ka lang talaga pero totoo friendly ka lang talaga, and always smiling."

Sanay na ako na yun ang first impression sakin haha! Pero ang nice lang pag napprove mong mali yun, or basta hindi ko maexplain!

4. From Kath - Yung ka-dramahan ko nung summer  lol,  part lang din to ng letter

"ingat ka palagi...dapat alam mo kung ano ang dapat iprioritize sa buhay mo...sa mga gagawin mo. Don't ever rush in making decisions...and don't ever be afraid to fall in love over and over again. Hindi natin matatagpuan yung para satin kung hindi tao magmamahal at masasaktan:)"


Bow. :)

5. From Telly - Reader ko! :) Na ang sweet sweet. Ang haba ng letter niya, pero natuwa ako dito:

"Tsaka super friendly mo.. nakiki-jive ka sa mga trip namin. Yung mga na share mo sa amin- readers mo.. grabe ate, di ko maisip na may makakapag share sa akin ng ganun eh. Thanks dahil nainspire ako sa kwento mo"

Sa totoo lang, nagugulat talaga ako pag may nagmemessage sakin na naiisipire sila sa kwento ko, natutuwa sa mga sinusulat ko sa blog kasi sinusulat ko talaga yung nafifeel ko etc. Pero wala lang, ang sarap sa feeling. :)


---

Ang dami pa! Kaso gusto ko din ilagay yung mga notes na natanggap ko nung retreat. Meron kasi kami kanya kanyang envelopes dun tapos pwede hulugan ng classmate mo un ng message nila para sayo. Ang dami ko din natanggap! Sana lagi nalang may retreat haha! Isa sa mga paborito kong bagay sa mundo na to ay yung mga sulat talaga, swear. Pero pipili lang ako ng 2 kasi nakakatamad itype! hahaha

1. From Jowie - Ngayon ko lang siya naging kaclose, dahil sa Cebu at sa retreat. Sobrang funny niya kaya pati letter niya napatawa ako haha

"Sab =) Sabel =),
You are my new found friend. Sana kahit anong sabihin ng iba sayo maging strong ka kasi mabait kang tao, maganda ka, sexy ka, sana ganyan din ako =)"

Winner diba? haha! Actually, kahit ano naman talaga sabihin ng iba wala I dont care. Kasi ako ginagawa ko lang yung gusto ko, as long as wala naman akong naanong ibang tao edi okay lang! Nakakatawa pala Sabel talaga tawag niya sakin -.-


2. From my baby Lica - portion lang ulit kasi mejo mahaba note niya sakin. Sweet =)

"Nay... I saw something in you that made me want to be your friend. You're a very loving person and you're very thoughtful. You always say sorry kahit wala ka naman talagang ginagawa"

Natuwa ako dun sa thoughtful kasi yung favorite kong teacher nung grade 2 ako yun din yung sinabi sa mommy ko! About sa sorry sorry, pag feeling ko may nagawa ako nagsosorry talaga ako. Pero pag feeling ko wala, aba. :)

3. Syempre galing sa sister ko. :)

I love you Ate Kaye

Haha madalas ko kasi pagalitan sister ko pero normal nalang samin yun!

--------------------------


At eto ako nung nagsusulat ako ng notes para sa mga friends ko! Sa tissue! haha! Para matatandaan nila ako. Si Jowie tinawag akong "Sabel na walang papel" haha. Wala talaga akong paper nun, and gusto kong maging unique!

I know umitim ako! haha pero babalik din naman skin tone ko, soon.