Pages

Hello there!




When I'm sad, i write. When I'm happy, i write too! well only sometimes!
When I'm mad, I write again.
When I'm [name it], yes, I write everything:)
I love typing e. hehe.



Enjoy :] though ngayon palang magbibigay na ako ng warning. Halos kadramahan ung nandito because pag masaya ako, or inspired, hindi ako nakakapagsulat masyado, baliktad haha. So mas madaming drama kesa happy moments.

I'm not a good writer nga pala, usually what I write in here dere-deretso ko lang tinatype and I dont proofread it. At last na, bitin yung ibang kwento, lalo na pag inatake ako ng katamaran.


P.S.

thank you sa pagdaan dito sa blog ko

love,

Sunday, November 20, 2011

Cebu trip

Day 1:

a. First time kong sumakay sa airplane. I got really scared :( Good thing katabi ko si Ches, nakakapit talaga ako sakanya haha! We arrived in Cebu around 8 in the morning ata.


b. After ng breakfast namin sa Jollibee, dumereto kami sa Nature's Spring. Honestly, hindi ako nagenjoy sa plant visit dito kasi after nila(yung HR) ipanood yung company profile video nila samin, inikot lang nila kami sa factory. Literal na inikot lang. Walang explain explain kung ano to, ano yun etc.



c. Taoist Temple - Maganda view dito, kaso nakakapagod ang stairs. haha



d. Naglunch kami sa isang resto, sa may Gorgoron, joke basta parang ganun yung name ng place.

e. IPI (Internation Pharmaceuticals Inc.) - ang booooring din ng plant visit dito. Parang yung mga Cebuano, hindi marunong magfacilitate ng plant visit. Pero happy na din ako nakita ko kung pano nagagawa yung sabon.

f. Mactan shrine, dito madaming murang pasalubong! So madami ako nabili
g. Meron pa kaming pinuntahan, i forgot lang :(
h. Nagdinner kami sa ___ I forgot na :(
i. Sarrosa Hotel, room 734 yung room namin :)




j. Nung mga 8pm na, o 8:30 ata, nung palabas na kami sa hotel ni Joyce nakita kami ni Sir Eric. Muntik niya na kaming hindi payagan lumabas ng hotel kasi 2 lang kaming girls. Pero syempre pinilit namin. Kasi makikipagkita ako kay Ivy, friend ko sa Audition. Nagkita kami sa Ayala mall

k. After magmall, nagpamasahe kami dun sa malapit sa hotel. Mga 11 na kami nakauwi ng hotel. 

------------------

Day 2 

a. Nagbreakfast kami sa isang resto ulit. Ngayon ko lang narealize, kain lang ako ng kain, hindi ko man lang tinandaan yung mga kinainan namin :|


b. Magellan's Cross - Maliit lang pala siya haha! I liked all the paintings on the wall..

c. Basilica de Santo Niño - Katabi lang ng Magellan's cross. Sobrang nakakawow tong church, ang ganda ganda talaga. Tapos sa gilid ng church may pila para sa Santo Niño, pumila kami. Yung ibang tao kinikiss yung salamin ng Santo Niño. Ang dami ding bilihan sa gilid, mura!

from Jeriel's camera
d. Coca-Cola Company - Ang laki ng plant! Nakakatuwa yung process ng pag-gawa ng coke at iba pang softdrinks. Pag graduate ko, gusto ko talaga magwork sa Coca Cola o kaya sa San Miguel, ok kasi e.

e. Skywalk - Crown Regency Hotel. Mga 8pm hinatid kami ng bus driver dito. Kunti lang kaming nag Skywalk e, 9 lang kami kasi mejo mahal siya. We had to ride two elevators just to get up there. Nakakalula. Lahat sila, Combo 2 yung binili (Skywalk + Coaster ride) ako yung Combo 1 lang, Skywalk lang kasi hindi ko talaga carry ung edgecoaster. After namin magbayad, pumasok na kami tapos nagsuot na kami nung jumpsuit tapos kinabitan na kami ng harness. Nakakaloka talaga nung lumabas na kami sa pinto. Yung unang lalakaran glass, so kitang kita yung ilalim. I really freaked out! Akala ko nga magbabackout ako e. Grabe talaga sigaw ako ng sigaw nung una kasi nga glass. Sabi ni kuya 6 meters lang daw yun, so ang ginawa ko nagpahawak ako then pumikit ako. haha! Super nanghina talaga legs ko nun at nginig. Then nung steel na yung nilalakaran namin mejo ok na. Nakakalula na ewan. Ang ganda ganda ng view! tinatawanan ako ng mga classmates ko actually haha pero okay lang kasi feeling ko ang joketime ko nun. Pero yun, carry naman, tinulungan ako ni Peter at Dei, hawak ko silang dalawa habang naglalakad lakad dun haha.

And soooo yun, we survived!

from Anne's camera

f. Paguwi namin sa hotel, naglaro kami ng Uno, nagayos ng gamit, at nagmodel model. haha. Kaming mga girls tinry namin suotin yun mga swimsuits namin kasi yung next day, beach agad sa Bohol. Girls will always be girls!


---

As for the happenings in Bohol, sa next post nalang kasi kulang pa pictures! haha