Pages

Hello there!




When I'm sad, i write. When I'm happy, i write too! well only sometimes!
When I'm mad, I write again.
When I'm [name it], yes, I write everything:)
I love typing e. hehe.



Enjoy :] though ngayon palang magbibigay na ako ng warning. Halos kadramahan ung nandito because pag masaya ako, or inspired, hindi ako nakakapagsulat masyado, baliktad haha. So mas madaming drama kesa happy moments.

I'm not a good writer nga pala, usually what I write in here dere-deretso ko lang tinatype and I dont proofread it. At last na, bitin yung ibang kwento, lalo na pag inatake ako ng katamaran.


P.S.

thank you sa pagdaan dito sa blog ko

love,

Sunday, November 13, 2011

Asian Massage, boo :|

Last night, nagpamasahe kami ni Christian, close friend ko. Dapat manonood kami ng last full show kaso hindi ako umabot kasi galing ako sa Alabang so mga 11 na ata ako nakauwi sa bahay ng lola ko sa Malate. Tapos mga 12 nagyaya siya, mag Wensha daw kami. Ang layoooo! Sabi ko puntahan niya nalang ako sa bahay ng lola ko then hanap nalang kami somewhere malapit sa bahay ng lola ko. and then un nakakita naman kami, sa Nakpil lang din.

Sooo wala daw private rooms. Sa second floor yung massage area, isang malaking space na may 15-20 beds (foams or whatever) siguro na nasa floor lang, tapos yung division curtains lang. Ang suuupppeeerrrr ewan lang. Kaso naisip ko pagod talaga ako kagabi plus masakit yung legs ko kaya sige go na kahit ganun.

Dahil kurtina nga lang yung mga harang harang, yung usapan/kwentuhan namin ni Christian naririnig ng iba tapos yung sa iba din naririnig namin. Pero hindi naman super maingay haha.

Pero swear, yun yung weirdest ever na napamasahehan ko... anyway, worth it naman yung bayad dahil kay Ate, magaling :)