Pages

Hello there!




When I'm sad, i write. When I'm happy, i write too! well only sometimes!
When I'm mad, I write again.
When I'm [name it], yes, I write everything:)
I love typing e. hehe.



Enjoy :] though ngayon palang magbibigay na ako ng warning. Halos kadramahan ung nandito because pag masaya ako, or inspired, hindi ako nakakapagsulat masyado, baliktad haha. So mas madaming drama kesa happy moments.

I'm not a good writer nga pala, usually what I write in here dere-deretso ko lang tinatype and I dont proofread it. At last na, bitin yung ibang kwento, lalo na pag inatake ako ng katamaran.


P.S.

thank you sa pagdaan dito sa blog ko

love,

Tuesday, November 22, 2011

Facebook friends and pictures

Every once in a while, I delete some of my friends on my Facebook account. Haha I really don't know them all naman kasi honestly. SoI feel guilty kapag ina-add ulit ako :| Last week ata 50+ in-unfriend ko, tapos yung iba dun ina-add ulit ako! I don't know why, pero hindi ko naman talaga sila kilala, pero sige go nalang. haha.

---

Anyway, eto pa ibang pics. Mga nakaw ko sa mga classmates ko hehe











Sunday, November 20, 2011

Cebu trip

Day 1:

a. First time kong sumakay sa airplane. I got really scared :( Good thing katabi ko si Ches, nakakapit talaga ako sakanya haha! We arrived in Cebu around 8 in the morning ata.


b. After ng breakfast namin sa Jollibee, dumereto kami sa Nature's Spring. Honestly, hindi ako nagenjoy sa plant visit dito kasi after nila(yung HR) ipanood yung company profile video nila samin, inikot lang nila kami sa factory. Literal na inikot lang. Walang explain explain kung ano to, ano yun etc.



c. Taoist Temple - Maganda view dito, kaso nakakapagod ang stairs. haha



d. Naglunch kami sa isang resto, sa may Gorgoron, joke basta parang ganun yung name ng place.

e. IPI (Internation Pharmaceuticals Inc.) - ang booooring din ng plant visit dito. Parang yung mga Cebuano, hindi marunong magfacilitate ng plant visit. Pero happy na din ako nakita ko kung pano nagagawa yung sabon.

f. Mactan shrine, dito madaming murang pasalubong! So madami ako nabili
g. Meron pa kaming pinuntahan, i forgot lang :(
h. Nagdinner kami sa ___ I forgot na :(
i. Sarrosa Hotel, room 734 yung room namin :)




j. Nung mga 8pm na, o 8:30 ata, nung palabas na kami sa hotel ni Joyce nakita kami ni Sir Eric. Muntik niya na kaming hindi payagan lumabas ng hotel kasi 2 lang kaming girls. Pero syempre pinilit namin. Kasi makikipagkita ako kay Ivy, friend ko sa Audition. Nagkita kami sa Ayala mall

k. After magmall, nagpamasahe kami dun sa malapit sa hotel. Mga 11 na kami nakauwi ng hotel. 

------------------

Day 2 

a. Nagbreakfast kami sa isang resto ulit. Ngayon ko lang narealize, kain lang ako ng kain, hindi ko man lang tinandaan yung mga kinainan namin :|


b. Magellan's Cross - Maliit lang pala siya haha! I liked all the paintings on the wall..

c. Basilica de Santo Niño - Katabi lang ng Magellan's cross. Sobrang nakakawow tong church, ang ganda ganda talaga. Tapos sa gilid ng church may pila para sa Santo Niño, pumila kami. Yung ibang tao kinikiss yung salamin ng Santo Niño. Ang dami ding bilihan sa gilid, mura!

from Jeriel's camera
d. Coca-Cola Company - Ang laki ng plant! Nakakatuwa yung process ng pag-gawa ng coke at iba pang softdrinks. Pag graduate ko, gusto ko talaga magwork sa Coca Cola o kaya sa San Miguel, ok kasi e.

e. Skywalk - Crown Regency Hotel. Mga 8pm hinatid kami ng bus driver dito. Kunti lang kaming nag Skywalk e, 9 lang kami kasi mejo mahal siya. We had to ride two elevators just to get up there. Nakakalula. Lahat sila, Combo 2 yung binili (Skywalk + Coaster ride) ako yung Combo 1 lang, Skywalk lang kasi hindi ko talaga carry ung edgecoaster. After namin magbayad, pumasok na kami tapos nagsuot na kami nung jumpsuit tapos kinabitan na kami ng harness. Nakakaloka talaga nung lumabas na kami sa pinto. Yung unang lalakaran glass, so kitang kita yung ilalim. I really freaked out! Akala ko nga magbabackout ako e. Grabe talaga sigaw ako ng sigaw nung una kasi nga glass. Sabi ni kuya 6 meters lang daw yun, so ang ginawa ko nagpahawak ako then pumikit ako. haha! Super nanghina talaga legs ko nun at nginig. Then nung steel na yung nilalakaran namin mejo ok na. Nakakalula na ewan. Ang ganda ganda ng view! tinatawanan ako ng mga classmates ko actually haha pero okay lang kasi feeling ko ang joketime ko nun. Pero yun, carry naman, tinulungan ako ni Peter at Dei, hawak ko silang dalawa habang naglalakad lakad dun haha.

And soooo yun, we survived!

from Anne's camera

f. Paguwi namin sa hotel, naglaro kami ng Uno, nagayos ng gamit, at nagmodel model. haha. Kaming mga girls tinry namin suotin yun mga swimsuits namin kasi yung next day, beach agad sa Bohol. Girls will always be girls!


---

As for the happenings in Bohol, sa next post nalang kasi kulang pa pictures! haha

Saturday, November 19, 2011

Zipline!

Kahit kelan talaga, ang lakas ng loob ko magyaya sa mga ganito, pero kapag andun na gusto ko na magbackout. haha! Meron akong fear of heights, kaya lang ang super exciting kasi neto.. well oo, pero nung andun ako, shit talaga ten times! Nakakaewan. Akala ko talaga mahihimatay ako dun haha! Grabe kasi ang taas

Eto yung nagreready:





anndddd pics!
















Nakakaewan siya, pero super saya at tsaka ang ganda ganda ng view sa ilalim. Merong river sa ilalim, and ang funny kasi kumain kami sa isang floating restaurant na dun umiikot sa river na yun.
Babalikan to talaga tong Bohol! :)




Sunday, November 13, 2011

Bakit kasi inoverload ko pa yung TAR?

Napahiya tuloy ako sa prof foooor the 1st time! oh my gosh. haha pero funny na din! Here's the story

Meron akong inoverload na subject ngayon, yung TAR. Nakaoffer siya sa IE department (Industrial Eng'g) pero sa ECE department ko kinuha (Electronics and Communications Eng'g) para Monday at Saturday lang.

Nung Saturday, August 6 ata, hindi ako nakapasok sa TAR.  Kasi hindi ako nagising. Then prelims namin sa TAR nung Friday. edi nagpass na yung mga classmates ko tapos ako din nagpass. pero yung test paper ko nilagyan ko ng note

"Sir sorry hindi po ako nakapasok nung Saturday kasi po may make up class kami, pwede pa din po ba ako magquiz 2? please :( " 

 Totoong may makeup class ako nung Saturday pero 7-9pm pa yun, tapos ung TAR ko 9-11am haha, kaso alangan naman sabihin ko na "kasi po hindi ako nagising" nakakahiya naman.

 edi nilagay ko na yung paper ko sa table niya then tumalikod na ako kaso...

Prof: Oh absent ka nung Saturday?
Isa: (sobrang natense bigla) uhm yes sir, sir naglagay po ako ng note sa test paper ko

kinuha ng prof yung test paper ko.

Prof: tinext kaya kita nun?
Isa: Ows sir? wala naman po ako natanggap. 

alam ni sir yung number ko dahil sa index card na sinubmit namin sakanya.

Prof: nagreply ka pa nga e. 
Isa: sir wala naman kaya, ano po ba nireply ko?
Prof:  magagalit na sakin si sir nyan. (nagsmile pa!!)
Isa: (super shocked) shocks kayo pala un sir! (super hiyang hiya)
Prof: pero sige, magtest ka pa din ng quiz 2 sa monday
Isa: sir thank you po.

 Nung Saturday kasi na yun meron nagtext sakin, number lang...
"hindi ka papasok ng tar?"

nireplyan ko ng "hindi na naman ako nagising ng maaga, lagot na nga ako e magagalit na sakit si sir nyan"

akala ko kasi classmate ko lang sa tar, kasi may nagttext sakin na classmate ko dun :| at tsaka grabe di man lang naglagay ng pangalan si sir, akala ko tuloy. hay naku. nakakamatay talaga ang mga maling akala.

T_______________T shit talaga hahaha gusto ko ng mamatay nung moment na yun. Pero grabe super bait ni sir hindi na ako magaabsent dun forever and ever, kahit may career seminar sa monday di ko na aattendan makapagtar lang dahil sobrang nakakahiya!! haha





-August 13

Asian Massage, boo :|

Last night, nagpamasahe kami ni Christian, close friend ko. Dapat manonood kami ng last full show kaso hindi ako umabot kasi galing ako sa Alabang so mga 11 na ata ako nakauwi sa bahay ng lola ko sa Malate. Tapos mga 12 nagyaya siya, mag Wensha daw kami. Ang layoooo! Sabi ko puntahan niya nalang ako sa bahay ng lola ko then hanap nalang kami somewhere malapit sa bahay ng lola ko. and then un nakakita naman kami, sa Nakpil lang din.

Sooo wala daw private rooms. Sa second floor yung massage area, isang malaking space na may 15-20 beds (foams or whatever) siguro na nasa floor lang, tapos yung division curtains lang. Ang suuupppeeerrrr ewan lang. Kaso naisip ko pagod talaga ako kagabi plus masakit yung legs ko kaya sige go na kahit ganun.

Dahil kurtina nga lang yung mga harang harang, yung usapan/kwentuhan namin ni Christian naririnig ng iba tapos yung sa iba din naririnig namin. Pero hindi naman super maingay haha.

Pero swear, yun yung weirdest ever na napamasahehan ko... anyway, worth it naman yung bayad dahil kay Ate, magaling :)



Friday, November 11, 2011

Serendipity strikes again...

After ilang months, nagkita ulit kami... or nakita ko ulit siya.

-----

Pagkatapos namin magmerienda sa MCDO, naglakad na kami pauwi ni Joyce. Siguro mga 4 na yun. Dun kami naglakad sa may tapat ng hospital tapos mejo maingay na kasi may event, USTv awards ata.

Joyce: Tara nood tayo later
Isa: Uuwi ako e, susunduin ako diba?
Joyce: Ay oo nga pala, pero daan nalang tayo baka makita mo si Paul, magpipicture yun diba?
Isa: Siguro. Pero ayoko nga siya makita.
lakad lakad lakad...
Isa: "Basta I'll see to it na hangang sa gagraduate ako hindi ko siya makikita" (yan yung exact words na sinabi ko hahaha tandang tanda ko talaga)

then si Joyce tinawanan lang ako. then hindi na kami nagusap after at naglakad nalang (kasi ang daming tao sa lakaran swear nakakairita)

So tumawid na kami (under renovation kasi yung sidewalk sa may health service) papunta sa may gilid ng main. kaso parang ang saya nga dun sa Plaza Mayor so pumunta kami sa bandang gilid sumilip lang kami then umalis na agad.

AND THEN!

dun sa gilid sa main building... I was texting... tapos bigla nalang ako napatingin sa kasalubong namin. Una kong napansin yung uniform talaga haha, Archi. Si Paul.

So yun nga napatingin ako sakanya. Pero super sandali lang, mga 1 second lang haha kasi nga naglalakad kami... Papunta siya sa Plaza Mayor siguro, tapos ako pauwi na.

And of course kahit na gusto kong magreact agad, hindi ako nagreact or nagsalita kasi maririnig niya kami. Sooo.

lakad
lakad
lakad
lakad
lakad

Joyce: Ampuuuuutaaaaaa. OMG.
Isa: Tanginang yan wala pa mang 5 minutes yung sinabi kong I'll see to it na hindi ko siya makikita
Joyce: May nalalaman ka pang hangang sa gagraduate ha. 
Isa: Lord nananadya ka po ba? Wala pa talagang 5 minutes. 


Tumawa nalang kami after. Nakakatawa kasi talaga, na nakakagulat din.

-----

Ang tagal na namin siyang hindi napaguusapan, tapos kunting pinagusapan lang namin nakita ko na agad.

Actually kaya ayoko siyang makita kasi natatakot ako. Feeling ko pag nakita ko siya ulit, yung feelings ko... well ayoko ng iexplain. At dahil writer ako, minsan nagiimagine ako na naku baka bigla ko nalang siyang yakapin. Na baka maghang ako (OA lang hehe). Tsaka hindi ko din alam kung pagnagkita kami mag-hehello ba ako or siya ba papansinin ako.

Tapos yun nga kanina, nung nagkasalubong kami, wala lang. OA lang talaga mga nasa isip ko. Hindi ako tumigil sa paglalakad, ni hindi nga din ako lumingon nung lumagpas na siya. Wait nung lumagpas na, hindi ko talaga sinabi sa sarili ko na "wag kang lilingon", kasi as in hindi ko talaga naisip na lumingon. Tsaka ko lang narealize na I didnt look back nung nasa Dapitan na kami. Anyway hindi ko naisip na tawagin siya, hindi ko din naisip na maghello or whatever. Parang wala lang, normal lang, na nagkasalubong lang talaga.  Tuloy tuloy lang sa lakad. hmm parang strangers, na weird lang, na ex. haha!


Oh well...



Sunday, November 6, 2011

Jenna's Despidida

Guste Family: Zel, Isa, Alexa, Janet, Therese, Grace, Bernadette, Walter,
Aerhon, John, Hanni, Marianne, Allain, Jenna, Leah, Jenna's mom, Reighner
and Jewl. Madaming absent! 

with Leah and Zel. 

Mga friends/classmates ko simula gradeschool palang, so lagpas 10 years na
kaming friends!

Kulang pa yung pictures! Pero sobrang nakakatuwa nagkita kita ulit kami. Yun nga lang nakakalungkot kasi aalis na si Jenna.

The best talaga tong barkada na to kasi family talaga. Nung nagdidinner kami napagusapan kung sino una ikakasal, etc. I mean, dati lang naglalaro lang kami ng tagutaguan dito sa bahay namin... dati nagpaparty lang kami sa Mcdo or Jollibee kapag may birthday, then ngayon umiinom na kami.. Ang bilis ng panahon talaga ever. Pero yung maganda dun, yung samahan namin hindi nagbabago. Lahat ng kwentuhan ok lang, kasi we dont judge each other.


Magbabasa na muna ako... edit ko nalang tom pag madami na pics