Pages

Hello there!




When I'm sad, i write. When I'm happy, i write too! well only sometimes!
When I'm mad, I write again.
When I'm [name it], yes, I write everything:)
I love typing e. hehe.



Enjoy :] though ngayon palang magbibigay na ako ng warning. Halos kadramahan ung nandito because pag masaya ako, or inspired, hindi ako nakakapagsulat masyado, baliktad haha. So mas madaming drama kesa happy moments.

I'm not a good writer nga pala, usually what I write in here dere-deretso ko lang tinatype and I dont proofread it. At last na, bitin yung ibang kwento, lalo na pag inatake ako ng katamaran.


P.S.

thank you sa pagdaan dito sa blog ko

love,

Tuesday, October 11, 2011

"He hit me"

Kagabi sobrang nangalkal ako ng threads sa candymag dahil ang tagal kong hindi naglogin dun. Tapos meron isang topic "HE HIT ME" eto link: http://www.candymag.com/teentalk/index.php/topic,201304.0/topicseen.html

Tinignan ko tapos eto yung storya ng girl.

"Nag-away kase kame ng umaga. My fault. May nakalimutan akong ikwento sa kaniya. Then nalaman nya. Nagsorry naman ako. Nagexplain. Sobrang babaw lang naman ng kinagagalet nya. Kaso nagkapikunan na kame. Hanggang sa lumake na yung away. Nalowbatt sya pagdating sa school. So dinala ko sa room nila yung spare phone ko. Then nakita ko sya. Pinapalibutan ng girls, tawanan, nakasampa pa sya sa table. Agaw-pansin talaga. Parang di kame nag-away. Nagalet na ko ng sobra. And bago pa yun, minumura na nya ko sa text. Which is matagal ko ng sinabeng wag na nyang gagawen. Galit na galit talaga ko. Di paren sya tumitigel kakamura saken sa text. Hanggang sa umuwi na kame. Sa kotse nagsasagutan paren kame. Di na ko makapagtimpi, nagmura naren ako. Mura ko ng mura sa sobrang galet. Tapos he suddenly hit me. Inumpog nya ko sa window. Natigilan ako. And of course, I cried. Ngayon, pinatayan ko sya ng cp. Di sya nagsorry bago ko bumaba. Inabot lang nya yun cp ko na pinahiram ko. Padabog pa."

Nalungkot talaga ako nung nabasa ko to. Hindi ko kilala yung girl pero nakakaawa. At pinakaayoko talaga sa lahat na pwede gawin ng lalake is yung saktan nila yung babae PHYSICALLY. Kasi wala naman kaming girls kalaban laban.

Grabe naiimagine ko talaga yung scene sa kotse, yung pagumpog sa window wtf. Grabe yung lalakeng yun as in. :-|

Ako wala pa namang naexperience na ganito. Na dahil sa sobrang galit ng boyfriend sinaktan ako physically. Wala pa naman nagtangka buti naman at good guys sila. Haha. Sa totoo lang, sa umpisa palang sinasabi ko agad na if ever na magaaway or whatever, murahin niya nalang ako, or sigawan o lahat na, wag niya lang talaga padadapuin sa katawan ko yung kamay niya. Mommy't daddy ko nga hindi ako sinasaktan e, (pero napalo ako nung bata ako syempre) tapos sasaktan niya ako? NO WAY.

Yung kasing mura parang okay pa e. Words lang yun e. And mahilig din ako makipagmurahan na pajoke time sa boyfriend. hahaha. Pero ngayon naisip ko, hindi pa din pala ako namura na pagalit. haha! Pero feeling ko mas ok talaga yun kesa sasaktan ako ng physical :( Takot talaga ako masaktan promise, feeling ko kasi wala akong laban dahil ang payat ko lang. Paano pag tinulak ako or whatever dba?

Pero merong one time, mejo mejo lang nasaktan ako. Hindi ko na matandaan kung kelan pero basta nagaaway kami ng ex ko nun, tapos naiirita na talaga ako so magwa-walkaway na dapat ako kaso pinigilan niya ako. Ang diin ng pagkahawak niya sa braso ko nun so sinabihan ko talaga siya na bitawan ako. Haha. Pero wala na yun matagal na yun. Ako kasi si miss walkout queen ever. (:

Then meron din nakkwento sakin yung mga friends ko tungkol dito. Yung isa, sinampal daw ng boyfriend. Hay naku. Ang bakla niya.

AYYY shocks eto pala malala! Yung kaPE ko sa social dance, basta isa dun sa mga girls na nasa video ko sa youtube na finals namin, one time pumasok siya sa class namin na puro pasa. Tangina talaga.
Ang laki ng pasa niya sa legs, sa arms, plus may black eye pa siya. :( Nakakalungkot. Taga AB sila nung boyfriend niya. At yun, sa kotse din. Binugbog din. Pero kasi dahil may lalake ata yung classmate ko. Pero kahit na. Bakit ganun, sobra sobra naman sinuntok talaga. Nagsampa ng kaso yung family ng girl kaya nasuspend ng 2 weeks yung guy + 3 months atang guidance na once a week. KASO, yung grabeiest ever dun, habang on going yung trial, nakipagbalikan yung girl. Dahil LOVE daw niya yung guy. End of story. Seriously, binabalikan pa ba yung ganung guys?

Parang mga walang nanay kasi at kapatid na babae or relatives na babae yung mga lalakeng nananakit. Hindi ba nila naisip na pano kung yung nanay nila yung saktan? or sister dba? Naku.  :(

Hindi ko talaga maimagine yung sarili ko na sasaktan ako, at ayoko ng imaginine pa!

Haha. Pero wait lang, baka sabihin ang lakas ng loob ko magpost about dito e nananakit din ako! HAHA. Honestly yes, mahilig ako mamalo pero yung pajoke lang. Yung biruan lang. Pag away, naninigaw lang ako.
Sa pagsampal naman, wala pa akong nasampal na boyfriend. hahaha. ata. as in yung pagnagaaway.

Meron akong nasampal before, sa classroom. Meron kasing irregular student na feeling close inaakbayan ako at hinahawakan yung buhok ko, feeling ko ang manyak edi sinampal ko sa room mismo. "Ang bastos mo" sabay pak sampal. Winner nagtinginan classmates ko haha.

Tapos pag lasing ako nanampal din ako haha! rawr.  Anyway, Ako nasampal na din. Lol. Pero dahil nagpapaslap ako. Lalo na pagumiinom, I would ask my friends to slap me, kasi nga diba na-nunumb ka tapos hindi mo naman mafeel kaya wala trip ko lang.  Pero sa close friends lang pala syempre.


So yun lang. Ang haba na naman ng pinagsusulat ko. haha.