Pages

Hello there!




When I'm sad, i write. When I'm happy, i write too! well only sometimes!
When I'm mad, I write again.
When I'm [name it], yes, I write everything:)
I love typing e. hehe.



Enjoy :] though ngayon palang magbibigay na ako ng warning. Halos kadramahan ung nandito because pag masaya ako, or inspired, hindi ako nakakapagsulat masyado, baliktad haha. So mas madaming drama kesa happy moments.

I'm not a good writer nga pala, usually what I write in here dere-deretso ko lang tinatype and I dont proofread it. At last na, bitin yung ibang kwento, lalo na pag inatake ako ng katamaran.


P.S.

thank you sa pagdaan dito sa blog ko

love,

Tuesday, October 18, 2011

Girlfriends!

 “Friends are the most important ingredient in this recipe of life”

I am so blessed because God gave me another best friend. He's very nice kasi he knows how crazy I am na kailangan ko ng best friend talaga para lagi akong may kausap at kadaldalan! HAHA. Meron akong tatlong bffs, si Pat and si Love but we dont see each other very often. Pat's studying in CEU, tapos Love's working already sooo yun. Then si Jam naman nagaaral ulit somewhere in Makati at hindi na kami magkadorm :(

Anyway, si Joyce A Anne tong sinasabi ko! Yung bago! haha.

Para nadin talaga siyang sister ko kasi araw araw ko kasama sa dorm pati sa classroom, kasi magclassmates kami at magkadorm kami.

She's a nice, smart, and funny girl. Minsan tahimik lang siya, pero minsan maingay. hehe. Pero yung pinakagusto ko sakanya is yung hilig niya sa kwento. She listens talaga, mapaanong kwento pa yan or anong kadramahan pa yan. Then siya din kinikwento niya din lahat.

Sa dorm naman, nagkakalkalan kami ng phones! Lalo na sa mga messages! May times nga na nagtatakbuhan pa kami at naghahabulan para lang maagaw yung phones namin e.

Tapos pag wala kami magawa sa dorm, lalo na nung panahong hindi pa super busy, eto ginagawa namin:


Libre lang magfeeling! HAHA. Eto pa yung isa, nagtry kami magluto ng pancake.

Habang piniprepare yung Hotcake Mix

 Tapos may times na after namin magdinner magyayaya siya magtapsi isang bottle ng tanduay ice go go go lang. Funny nung minsan, after namin mag tapsi may nanghingi ng number namin sa daanan. Thomasian din kaso 2nd year lang. Pano, hindi kasi kami mukang 5th yr!

Nung Eng'g night, feel namin magsuot ng mejo parehas kami. Look.

Stripies

At sa school naman parehas kaming nakawhite uniform! Feel namin magfeeling first year e, biro lang. Gusto kasi namin yung dalawang bulsa sa harap sa white uniform kaya ganun.

May times na napagkakamalan kaming sisters! Sanay na kami haha. Oh I just remembered, minsan tamad siya maglakad! So from Asturias nagttricycle kami papasok sa Eng'g! Oha!

Pero pinakasuper natouch ako sakanya nung sinundo niya ako sa Eng'g. Nung September 26, Monday, thesis defense namin ng mga kathesis ko. Sadly, redefense kami. So after nung defense pinalabas kami ng panelists kasi idedeliberate  nila kung ok ba o hindi yung defense. Dumeretso ako agad sa CR nun kasi naiiyak na talaga ako. So un naglock ako sa dulong cubicle at iyakiyak. Then tinignan ko phone ko ang daming texts na good luck, blahblah, kamusta daw defense. Edi nalungkot ako. Tinawagan ko si Joyce, na nung time na yun nasa dorm lang.

J: Oh kamusta defense?
I: Sunduin mo ako sa dorm, huhuhuhuhuhu (hagulgol talaga haha, I swear un lang nasabi ko kasi iyak ako ng iyak)
J: okay sige wait

Then yun nga after 15 minutes, nasa Eng'g na siya. At nakamaong shorts lang, pangbahay na tshirt plus it was really raining hard that time.

Kinwento niya sakin how she convinced the guard para papasukin siya kasi nga nakatsinelas shorts tshirt lang siya. Haha. Ang funny pa kasi mali yung una niyang CR na pinuntahan. So un. Nakakatouch.

-----

Anyway, kung meron akong bagong best friend, meron din akong bagong mga close friends. Close friends na tinatawag kong anak ko kasi ako daw nanay nila. :)

My Licabebe
 Baliktad kami ni Lica. Ako yung nanay pero ako yung laging pinapagalitan niya! Oh well. Haha. Sobrang okay kasama ni Lica kasi game siya palagi. Tapos sobrang ganda ng boses! Kaya lang shytype siya ng kunti hindi pa namin siya napapakanta sa Balay! Sobrang natouch ako nung dinala niya ako sa dentist, shocks baliktad talaga kami. Siya nalang ata dapat yung mommy!

Tapsi - June or July 2011?

 And then syempre si Mako, yung isa ko pang bebe. Baka magalit kasi eto yung kinuha kong picture pero bakit ba, ang cute cute kasi ng pic na to! Si Mako yung sumama din sakin sa dentist tapos hinawakan niya yung kamay ko. Hindi siya nagreklamo sa diin or whatever. Basta sweetness talaga! Siya din pala si Miss Taxi 2007 to present. hehe. Kasi naman yung taxi pinaghihintay niya sa baba ng bahay nila ng pagkatagal tagal kasi maliligo siya!

My Barbie Girl

And then si Jill. Jill and I are friends na since 2007 pa kasi original na magclassmates kami, I mean 1st year 1st semester. Tapos tuwing Eng'g night, lagi kaming magkasama! Meron ngang time may nagpapicture samin, lol. Ngayon lang ulit kami nagkakasama ng madalas.

Joyce, Isa, Jill - Balay September 2011

I love my girlfriends! The best talaga! :)