Pages

Hello there!




When I'm sad, i write. When I'm happy, i write too! well only sometimes!
When I'm mad, I write again.
When I'm [name it], yes, I write everything:)
I love typing e. hehe.



Enjoy :] though ngayon palang magbibigay na ako ng warning. Halos kadramahan ung nandito because pag masaya ako, or inspired, hindi ako nakakapagsulat masyado, baliktad haha. So mas madaming drama kesa happy moments.

I'm not a good writer nga pala, usually what I write in here dere-deretso ko lang tinatype and I dont proofread it. At last na, bitin yung ibang kwento, lalo na pag inatake ako ng katamaran.


P.S.

thank you sa pagdaan dito sa blog ko

love,

Friday, September 9, 2011

Of Thursdays and Emotions...

It's been a long day for me talaga... Mejo madaming mangyari this day, na parang lahat na ng emotions ko lumabas. OA. haha! Pero feeling ko ganun talaga... and feeling ko din super long post na naman to.

Anyway, game na....

HAPPY

Wednesday night uminom kami nila Lica, Mako and Joyce. then yung mga friends ni Mako andun din. Yung isa, si H, parang tinanong kung anong oras yung break ko pag Thursday so sabi ko 11-12, then he invited me to lunch, lunch lang naman so pumayag ako. Tapos sabi niya saktong 11 daw andun na siya sa tapat ng Eng'g. Sabi ko siguraduhin niya lang. Tapos sabi niya 10:30 nalang pala daw andun na siya. So sige lang bahala siya haha.

thursday na.

E pag thursday 7am class namin. Gumising kami ng 6:30, natapos magayos ng 7:05am then dun lang namin natanggap or nabasa yung text na di daw makakarating si sir. So back to sleep. wait ang gulo ko na naman magkwento, ang intense kasi ng feelings ko ngayon sorry. Next class namin 10, so pumunta na kami sa eng'g nun. kaso wala palang prof ulit, nakakainis. Then si H, nagtext na may dadaanan lang daw. So niloloko ko si Mako na ano ba yan sabi 10 30 tapos blahblah pero joke lang naman. then nalowbat ako hahahahaha kasi ako si MISS KALIMOT MAGCHARGE as in napansin ko na yung fone ko laging lowbat o kaya empty bat.  so tinext ko si H, na itext nalang ako sa number ni Mako.

then may ipapass kami na chapter sa thesis, yung kagroup ko hindi nakapagpaprint ng front page... so sabi ko papaprint nalang ako sa i-buhay o eye buhay basta yung netshop sa espana, then sabi ni Mako nasa labas na daw ng Engg si H. nung lumabas kami wala naman. so pumunta na kami ng espana, si Lica and si Mako magyoyosi. kami ni Joyce magpapaprint. then nagpaprint kami then binalikan na namin sila Lica and Mako. Tapos habang naglalakad kami, parang nakita ko na may mga kayosi na sila na boys, so naisip ko naku si H andun na. Syempre kahit papano gusto ko presentable ako, i mean sobrang init kaya ng mga 11 dun. pero wala na, sige na go na. kahit pawis pawis. haha

tapos yun nga si H. haha. yung mga friends namin inaasar asar kami. tinulak pa nga kami sabi "sige na alis na kayo, lunch na" etc etc. natatawa lang ako kasi ano ba yan loko talaga mga friends ko kung makapagbenta sakin. kaso humirit ako. "saktong 11 pala ha" parang ganun, tapos sabi niya may dinaanan siya, tapos, out of nowhere may red rose siyang hawak, Soooooooo nashock ako. Natawa lang talaga ako nun. Tapos ung friend niya vinivideo pala yung mga pangyayari! nung binigay niya yung rose inasar asar na naman kami kaya sabi ko tara na. kasi naman pinagtitinginan na kami ng ibang mga eng'g na nagyoyosi dun haha.

then un nga nagbabye na kami sa kanilang lahat tapos pumasok na kami sa ust ulit, then dumaan ako sa eng;g para isubmit ung sa thesis namin. He waited for me sa labas ng eng'g. tapos mejo naconscious ako dahil bigla nalang akong may hawak na rose haha. pero sige, bakit ba e may nagbigay e.

then kumain kami sa Ate Eva's. at dahil gentleman siya, siya lang nagorder ako nakaupo lang :p
then habang kumakain kami, and nagkkwentuhan, may waiter na dumating. nagulat ako kasi may rose siyang inabot sakin, then sabi pinapabigay po ng kasama niyo, parang ganun so nakakatawa talaga. nakakatuwa. effort kasi and sinabi niya na dumaan pa daw siya sa flower shop kaya nalate daw siya... sweet. :)



Natutuwa lang talaga ako pag nassurprise ako ng ganun. Yung mga ganung scenes na parang sa movies lang pero sakin nangyayari haha. Basta napasaya ako ni H kasi naisip niya yun. After ng lunch namin pumunta kami sa museum, korny nga e, pero sobrang init lang talaga kanina kaya nagpalamig kami dun pero masaya. then 2 pm ata hinatid niya na ako sa dorm.


--------

ENJOY

mga 6pm nakadating na kami sa bahay namin sa Dau nila Lica, Mako and Joyce. Nagmerienda kami, kantahan, kunting kunting inom, madaming chikahan!

tapos natouch ako kay Mako sobraaaa. kasi super close sila ni H. tapos tinext niya si H na parang pag naggago daw siya aabangan niya si H sa Marikina. haha wala lang thoughtful ni Mako haha. i told you ang babaw ko.

--------

SAD

Dahil ang babaw kong tao, naniniwala ako sa destiny. haha! Well hindi ko naman sinasabi na pang mababaw na tao lang siya. Pero basta ako mababaw lang.

Habang nagkakantahan kami, bigla nalang nagtext si Pipay.. "Sab dito kami tapsi, dito paul". Pagkabasa ko palang nun, naisip ko talaga na yun na yung sign.

Kasi naman sabi ko pahingi ng sign kung dapat ko pa ba hintayin siya or wag na. basta sign lang. malalaman ko naman na yun na yung sign na hinihintay ko kung nagkataon e. At kanina, yun na nga yung pagkakataon na yun.

Last night kasi nasa Tapsi ako. Imagine that. then kanina, si Paul yung nandun, at ako nasa Pampanga. Parang narealize ko na ayaw talaga. Na yun na. Tama na talaga. Quit chasing pavements! haha.



Nagkakantahan kami nun, tapos yung lyrics ng kanta parang "i guess it's now time for me to move on" so parang dobleng signs na dba (wait ibang kanta yun, nakalimutan ko lang haha)... wala lang naiyak lang ako ng sandali kasi kahit gano talaga yung galit ko sakanya, parang hinihintay ko pa din siyang magsorry or something. Pero yung kanina, super wow talaga yun... maybe coincidence lang... pero pwede ding ayaw na talaga ng destiny. haha kaso nung nagmomoment ako bigla may nagtext natawa ako tapos wala na okay na ulit ako.

Pero tinext ko nga pala siya.

I: Destiny talaga, noh?
P: Why destiny?

Hindi na ako nagreply! haha. Kasi for sure sinabi niya na naman sa mga kasama niya na nagtext ako blahblah.

Kaya ngayon, stop na talaga. Swear, ayoko na talaga. Tigil na talaga. No more day dreaming na one day pupunta siya sa engg, or sa dorm ko, or kung san man na andun ako. Naku kaya ayoko na magsulat, super ang imaginative ko naaaaa! ayoko na talaga.

Pagod na ako. Grabe na! haha joke drama drama lang ng pagkasulat. Pero seriously, tomorrow...

New day. New chapter of my life. Happier me.

kasi masaya naman ako, kaso pag naiisip ko siya nalolonely ako, kaya hindi ko nalang siya iisipin talaga ulit.
may nagsabi nga sakin nakakapangit daw ang kalungkutan.

--------

Sad #02

mga 1am, nakatanggap si Lica ng text na yung lola ng isa kong classmate, died :(

--------

SWEET


Ok hindi emotion yung sweet haha pero whatever. Habang nasa music room yung 3 girls, pumunta ako sa kwarto kung nasan sila mama at papa. humiga lang ako sa gitna nila, niyakap ako ni mama, then si papa ginulo gulo na naman buhok ko. Minsan talaga feeling ko ang bata ko. 5th yr na ako pero pagnaglalambing ako sa parents ko feeling ko gradeschool lang ako. haha.

tapos si Papa binilan niya kami ng dinner ng mga classmates ko kasi wala kaming katulong ngayon :|

---------

Summary... haha merong summary kunwari ang haba kasi ng post ko e.

Masaya naman talaga ako today, madrama lang talaga akong ang dami ko pang alam signs signs pa kaya nababawasan happiness ko. Pero okay lang, pang balance din...

Ang gulo ko noh. Tulog na silang 3, and sumasakit na likod ko and im super sleepy na. and kung binabasa mo to, idol na kita kasi natitake mo lahat ng sinasabi kong kadramahan at lahat lahat na.