Pages

Hello there!




When I'm sad, i write. When I'm happy, i write too! well only sometimes!
When I'm mad, I write again.
When I'm [name it], yes, I write everything:)
I love typing e. hehe.



Enjoy :] though ngayon palang magbibigay na ako ng warning. Halos kadramahan ung nandito because pag masaya ako, or inspired, hindi ako nakakapagsulat masyado, baliktad haha. So mas madaming drama kesa happy moments.

I'm not a good writer nga pala, usually what I write in here dere-deretso ko lang tinatype and I dont proofread it. At last na, bitin yung ibang kwento, lalo na pag inatake ako ng katamaran.


P.S.

thank you sa pagdaan dito sa blog ko

love,

Friday, September 16, 2011

Day 17 - An Embarrassing Moment

Spell nakakahiya, I-S-A. 

Ever since time can tell, takot talaga ako sa dentist. Yes nagpabrace ako dati pero ibang story yun. Wala namang 'barena' dun haha. Okay so barena tawag ko sa pinangaano ng dentist, basta yun na yun. 

Kahapon, after namin maglunch sa bahay nila Lica sa project 6, sumakit yung ipin ko. Nung hindi ko na kinaya, bumili kami ng mefenamic acid sa tindahan. Ang mura, 8 pesos, kaya yun hindi umepekto. Bakit kasi walang Dolfenal dun or Ponstan :|

So hindi umepekto yung 2 500mg na tinake kong gamot. Nagpaikot ikot na ako sa kama, ayaw pa din mawala. Nakita ako ni Lica, sabi niya patingin na daw ako sa dentist. Sabi ko sige.

Yung dentist, mga 30 steps away lang pala sa bahay nila. Tapos sabi bubunutin na daw. Nagulat talaga ako kasi hindi naman ako prepared :( 

Doctora: Kung ready ka na magpabunot, bunutin natin, kung hindi next time nalang... 

Hindi pa talaga ako ready, pero ewan ko kung bakit si doctora niready na yung mga gamit pangbunot pati yung anesthesia my gooosh. 

Parang nasa moment na din naman so tinuloy ko na. Kaso si Lica umuwi sa bahay para tawagin si Mako. Si Mako, yun tumayo lang sa gilid ko hinawakan kamay ko habang iniinjectionan. Natatawa nga sakin kasi hindi ako masyadong takot sa multo, pero sa dentist daw grabe. At tsaka ang tanda ko na daw blahblah...

Si Lica umalis pala, okay lang sakin kasi andun si Mako. haha hindi kasi ako nakakapagpadentist magisa, gusto ko may humahawak sa kamay ko. :( bata :|

then may pinastahan pala muna si doc. Wala akong nafifeel kasi yung pinastahan malapit sa bubunutin so affected ng anesthesia, kaya lang dahil naririnig ko yung machine, wala nagiingay ako.

"ahhhh ahhhh ahhhhhhhh" 

Doctora: bakit masakit ba? hindi naman ah.
Mako: Sab ano ba kaya mo yan! 

Sobrang nakakanerbyos kasi talaga, :( so habang nagiingay ako, yung paa ko din tumataas taas haha kasi nga nakakaloka talaga sa upuan na yun. Swear nakakatakot umupo sa dental chair. 

then biglang dumating si Lica. 

Lica: Nay mag hi ka naman sa bisita natin!

Akala ko si Joyce yun, so napatingin ako sa gilid, si H pala! Nakakahiya sobrang super duper. I saw him smiling talaga, parang kakatawa niya lang kasi ang funny naman talaga ng nakita niya. 

Hay buhay, why laging ganun. haha ang daming surprises ever.

Pero umalis si Lica at H dahil alam nilang nacoconscious ako. buti nalang dahil parang bata talaga ako nung binubunutan na ako. Si Mako kawawa nga namurder ko ata kamay niya. hahaha!!!  

Paguwi namin sa bahay nila Lica, si H nakaupo sa sala.

I: Bakit hindi mo sinabing pupunta ka, nakakahiya tuloy yung nakita mo! 

and lahat nung nasa sala, si manang, joyce lica and mako tawa ng tawa! at ako at si H tinawanan nalang din yung nangyari.