Pages

Hello there!




When I'm sad, i write. When I'm happy, i write too! well only sometimes!
When I'm mad, I write again.
When I'm [name it], yes, I write everything:)
I love typing e. hehe.



Enjoy :] though ngayon palang magbibigay na ako ng warning. Halos kadramahan ung nandito because pag masaya ako, or inspired, hindi ako nakakapagsulat masyado, baliktad haha. So mas madaming drama kesa happy moments.

I'm not a good writer nga pala, usually what I write in here dere-deretso ko lang tinatype and I dont proofread it. At last na, bitin yung ibang kwento, lalo na pag inatake ako ng katamaran.


P.S.

thank you sa pagdaan dito sa blog ko

love,

Thursday, September 29, 2011

About my Facebook account...

Okay sooo ang daming nagtatanong why ako nagdeactivate ng Facebook account and kung bakit gumawa ako ng bago. Ewan ko nga e parang naging big deal e hindi naman dapat.

Anyway, eto yung mga reasons talaga:

1. I got addicted playing The Sims Social on Facebook.
2. 900+ na yung friends, na yung iba dun inaccept ko lang dahil 80+ yung mutual friends or whatever. Tapos hindi ko na kilala lahat ng nandun.
3. At dahil nga sa reason number 2, dahil hindi ko kilala lahat yun at siguro sila hindi kilala sa personal baka mamisinterpret yung mabasa sa facebook ko. Like pag nagmura ako sa status, sabihin pa nila "ay ganito pala si Isa. blahblah"
4. Dahil nabadtrip ako sa privacy settings. Nagulo. Grr.
5. And dahil nalonely ako. haha. Weird noh lonely na nga nagdeactivate pa ako. Well that's me...

Wednesday, September 28, 2011

Tuesday niiiight...

and the morning after...

Unexplainable... or not... but still... it's complicated. haha!

You: Isa... Sorry a. Are you mad? :-/

Gusto ko magreply, kasoooo ano ang irereply ko? I mean, hindi ko kasi alam kung ano nararamdaman ko at the moment e! haha.. But I know na things will get better between usss din in time! :)

-Another scheduled post..
August 28 2011
Sunday

Thursday, September 22, 2011

Nice quote :)

In life, we may never get the same opportunity again, but there’s always something better ahead.

Sunday, September 18, 2011

Parking "Traumarama"!

I enjoy driving pero hirap talaga ako pagdating sa parking. Magaling ako magpark ng paatras yung kotse, pero pag paharap at parallel, mejo nahihirapan ako.

Kanina nagpababa na agad ako sa may department store, so si mama na yung nagpark ng kotse. then after namin magmerienda, ako na kumuha ng kotse.

tapos ang pangit ng parking!! :( katabi van. 10 years bago ko nalabas ung kotse dun. Ang masaklap dun may 4 o 5 cars ng naghihintay kasi nasa gitna yung napagparkingan ng mommy ko.
Nakakahiya talaga. sobra! :(

Buti nalang at may tint! Pero gusto ko nalang ibaba yung windows at ipakita na babae ako hahahahaha. Para kunwari bago palang ako nagddrive or something.

jksdhtgvishof nakakahiya talaga haha pero hayaan nalang. ganyan talaga!

Friday, September 16, 2011

thesis!


You are driving me crazy. :|

Day 17 - An Embarrassing Moment

Spell nakakahiya, I-S-A. 

Ever since time can tell, takot talaga ako sa dentist. Yes nagpabrace ako dati pero ibang story yun. Wala namang 'barena' dun haha. Okay so barena tawag ko sa pinangaano ng dentist, basta yun na yun. 

Kahapon, after namin maglunch sa bahay nila Lica sa project 6, sumakit yung ipin ko. Nung hindi ko na kinaya, bumili kami ng mefenamic acid sa tindahan. Ang mura, 8 pesos, kaya yun hindi umepekto. Bakit kasi walang Dolfenal dun or Ponstan :|

So hindi umepekto yung 2 500mg na tinake kong gamot. Nagpaikot ikot na ako sa kama, ayaw pa din mawala. Nakita ako ni Lica, sabi niya patingin na daw ako sa dentist. Sabi ko sige.

Yung dentist, mga 30 steps away lang pala sa bahay nila. Tapos sabi bubunutin na daw. Nagulat talaga ako kasi hindi naman ako prepared :( 

Doctora: Kung ready ka na magpabunot, bunutin natin, kung hindi next time nalang... 

Hindi pa talaga ako ready, pero ewan ko kung bakit si doctora niready na yung mga gamit pangbunot pati yung anesthesia my gooosh. 

Parang nasa moment na din naman so tinuloy ko na. Kaso si Lica umuwi sa bahay para tawagin si Mako. Si Mako, yun tumayo lang sa gilid ko hinawakan kamay ko habang iniinjectionan. Natatawa nga sakin kasi hindi ako masyadong takot sa multo, pero sa dentist daw grabe. At tsaka ang tanda ko na daw blahblah...

Si Lica umalis pala, okay lang sakin kasi andun si Mako. haha hindi kasi ako nakakapagpadentist magisa, gusto ko may humahawak sa kamay ko. :( bata :|

then may pinastahan pala muna si doc. Wala akong nafifeel kasi yung pinastahan malapit sa bubunutin so affected ng anesthesia, kaya lang dahil naririnig ko yung machine, wala nagiingay ako.

"ahhhh ahhhh ahhhhhhhh" 

Doctora: bakit masakit ba? hindi naman ah.
Mako: Sab ano ba kaya mo yan! 

Sobrang nakakanerbyos kasi talaga, :( so habang nagiingay ako, yung paa ko din tumataas taas haha kasi nga nakakaloka talaga sa upuan na yun. Swear nakakatakot umupo sa dental chair. 

then biglang dumating si Lica. 

Lica: Nay mag hi ka naman sa bisita natin!

Akala ko si Joyce yun, so napatingin ako sa gilid, si H pala! Nakakahiya sobrang super duper. I saw him smiling talaga, parang kakatawa niya lang kasi ang funny naman talaga ng nakita niya. 

Hay buhay, why laging ganun. haha ang daming surprises ever.

Pero umalis si Lica at H dahil alam nilang nacoconscious ako. buti nalang dahil parang bata talaga ako nung binubunutan na ako. Si Mako kawawa nga namurder ko ata kamay niya. hahaha!!!  

Paguwi namin sa bahay nila Lica, si H nakaupo sa sala.

I: Bakit hindi mo sinabing pupunta ka, nakakahiya tuloy yung nakita mo! 

and lahat nung nasa sala, si manang, joyce lica and mako tawa ng tawa! at ako at si H tinawanan nalang din yung nangyari. 


Tuesday, September 13, 2011

Meriendate...

Today inivite ako ni H magmerienda! haha Ang hindi niya alam magpapasama ako sakanya magpamanicure and pedicure after namin kumain. HAHAHA.

Sinundo niya ako sa dorm, tapos he asked me kung san ko gusto kumain. Kanina gusto ko lang talaga mag banana cue sa may kanto ng Asturias kaso naisip ko baka gutom siya so nagjollibee kami. Pero habang naglalakad sinabi ko na agad sakanya na gusto ko na talaga pamanicure so samahan niya ako kung okay lang, pero kung ayaw niya oks lang kasi nakakainip naman talaga yun para sa guys.

Then habang nagoorder kami sa jollibee...

I: At tsaka isang ice cream, yung...
H: Wag na, may ice cream ka dito sa bag.
I: Oh paano ka nagkaron ng ice cream jan?
H: Binilan kita...

Ang thoughtful. =D

Theeeen nagpamanicure ako. then si ate sabi magpafootspa na din ako, sabi ni H sige lang edi go. Kaso grabe inabot kami hangang 8 30 dun. Mahigit 2 hours kasi si ate ang bagal magmanicure. haha actually sulit yung bayad kasi hindi ka minamadali kaso naawa naman ako kay H tagal niya naghintay pero nagdadaldalan naman kami. Pero kahit na, never niyang sinabi na bored na siya. Or nagreklamo. or kung ano man. Pero umalis siya sandali to smoke then bumalik agad. Nakakahiya talaga sakanya. Hindi ko akalaing ganun katagal aabutin kaya nakakawow ung paghintay niya. =P



Saturday, September 10, 2011

F you hacker.

I deactivated my Facebook account last Monday kasi laro ako ng laro ng sims kasi it's too tempting haha kaya ang bagal ko gumawa ng thesis.

then ngayon, nasa computer lab nga pala ako haha di nakatingin si sir e kaya alt tab muna dito sa blog. Nagulat ako meron nagrequest ng password change ng facebook ko. As in mga 30 minutes ago lang.



Hay naku nakakairita sobra. Seriously, pati Facebook ng may Facebook papakielaman? Anoooo ba. haha.

Passion for writing... hmm?

I miss writing, but somehow I lost the passion for it. I don't know why... whenever I ask someone kamusta yung story ko or something, parang obvious daw na nawalan ako ng.... Parang dati kasi detailed talaga, yung bang kung ano yung sinulat ko maffeel talaga yung emotions. May buhay. Yung ngayon feeling ko ang dull. Nastuck ako sa chapter 10 ata. Magttype ako for ilang minutes, then icclose ko lang yung notepad, di ko na sinisave dahil di din ako satisfied sa ginawa ko.

Alam ko yung gusto kong mangyari sa story, alam ko yung events etc. Kaso pag ipput down ko na in words, wala na. Ewan ko ba.

Pero sana temporary lang to.. haha! I want to finish my stories talaga... Siguro busy lang ako, or stressed sa thesis kaya hindi talaga ako makasulat. Pero basta! haha.

Ang super weird ko kasi. Pag inspired ako or masaya hindi din ako makasulat ng mabuti. Kasi nga masaya ako, so yun. Pag naman malungkot ako, sunod sunod yung nassulat ko. Ngayon ewan ko ba! haha!

Friday, September 9, 2011

Of Thursdays and Emotions...

It's been a long day for me talaga... Mejo madaming mangyari this day, na parang lahat na ng emotions ko lumabas. OA. haha! Pero feeling ko ganun talaga... and feeling ko din super long post na naman to.

Anyway, game na....

HAPPY

Wednesday night uminom kami nila Lica, Mako and Joyce. then yung mga friends ni Mako andun din. Yung isa, si H, parang tinanong kung anong oras yung break ko pag Thursday so sabi ko 11-12, then he invited me to lunch, lunch lang naman so pumayag ako. Tapos sabi niya saktong 11 daw andun na siya sa tapat ng Eng'g. Sabi ko siguraduhin niya lang. Tapos sabi niya 10:30 nalang pala daw andun na siya. So sige lang bahala siya haha.

thursday na.

E pag thursday 7am class namin. Gumising kami ng 6:30, natapos magayos ng 7:05am then dun lang namin natanggap or nabasa yung text na di daw makakarating si sir. So back to sleep. wait ang gulo ko na naman magkwento, ang intense kasi ng feelings ko ngayon sorry. Next class namin 10, so pumunta na kami sa eng'g nun. kaso wala palang prof ulit, nakakainis. Then si H, nagtext na may dadaanan lang daw. So niloloko ko si Mako na ano ba yan sabi 10 30 tapos blahblah pero joke lang naman. then nalowbat ako hahahahaha kasi ako si MISS KALIMOT MAGCHARGE as in napansin ko na yung fone ko laging lowbat o kaya empty bat.  so tinext ko si H, na itext nalang ako sa number ni Mako.

then may ipapass kami na chapter sa thesis, yung kagroup ko hindi nakapagpaprint ng front page... so sabi ko papaprint nalang ako sa i-buhay o eye buhay basta yung netshop sa espana, then sabi ni Mako nasa labas na daw ng Engg si H. nung lumabas kami wala naman. so pumunta na kami ng espana, si Lica and si Mako magyoyosi. kami ni Joyce magpapaprint. then nagpaprint kami then binalikan na namin sila Lica and Mako. Tapos habang naglalakad kami, parang nakita ko na may mga kayosi na sila na boys, so naisip ko naku si H andun na. Syempre kahit papano gusto ko presentable ako, i mean sobrang init kaya ng mga 11 dun. pero wala na, sige na go na. kahit pawis pawis. haha

tapos yun nga si H. haha. yung mga friends namin inaasar asar kami. tinulak pa nga kami sabi "sige na alis na kayo, lunch na" etc etc. natatawa lang ako kasi ano ba yan loko talaga mga friends ko kung makapagbenta sakin. kaso humirit ako. "saktong 11 pala ha" parang ganun, tapos sabi niya may dinaanan siya, tapos, out of nowhere may red rose siyang hawak, Soooooooo nashock ako. Natawa lang talaga ako nun. Tapos ung friend niya vinivideo pala yung mga pangyayari! nung binigay niya yung rose inasar asar na naman kami kaya sabi ko tara na. kasi naman pinagtitinginan na kami ng ibang mga eng'g na nagyoyosi dun haha.

then un nga nagbabye na kami sa kanilang lahat tapos pumasok na kami sa ust ulit, then dumaan ako sa eng;g para isubmit ung sa thesis namin. He waited for me sa labas ng eng'g. tapos mejo naconscious ako dahil bigla nalang akong may hawak na rose haha. pero sige, bakit ba e may nagbigay e.

then kumain kami sa Ate Eva's. at dahil gentleman siya, siya lang nagorder ako nakaupo lang :p
then habang kumakain kami, and nagkkwentuhan, may waiter na dumating. nagulat ako kasi may rose siyang inabot sakin, then sabi pinapabigay po ng kasama niyo, parang ganun so nakakatawa talaga. nakakatuwa. effort kasi and sinabi niya na dumaan pa daw siya sa flower shop kaya nalate daw siya... sweet. :)



Natutuwa lang talaga ako pag nassurprise ako ng ganun. Yung mga ganung scenes na parang sa movies lang pero sakin nangyayari haha. Basta napasaya ako ni H kasi naisip niya yun. After ng lunch namin pumunta kami sa museum, korny nga e, pero sobrang init lang talaga kanina kaya nagpalamig kami dun pero masaya. then 2 pm ata hinatid niya na ako sa dorm.


--------

ENJOY

mga 6pm nakadating na kami sa bahay namin sa Dau nila Lica, Mako and Joyce. Nagmerienda kami, kantahan, kunting kunting inom, madaming chikahan!

tapos natouch ako kay Mako sobraaaa. kasi super close sila ni H. tapos tinext niya si H na parang pag naggago daw siya aabangan niya si H sa Marikina. haha wala lang thoughtful ni Mako haha. i told you ang babaw ko.

--------

SAD

Dahil ang babaw kong tao, naniniwala ako sa destiny. haha! Well hindi ko naman sinasabi na pang mababaw na tao lang siya. Pero basta ako mababaw lang.

Habang nagkakantahan kami, bigla nalang nagtext si Pipay.. "Sab dito kami tapsi, dito paul". Pagkabasa ko palang nun, naisip ko talaga na yun na yung sign.

Kasi naman sabi ko pahingi ng sign kung dapat ko pa ba hintayin siya or wag na. basta sign lang. malalaman ko naman na yun na yung sign na hinihintay ko kung nagkataon e. At kanina, yun na nga yung pagkakataon na yun.

Last night kasi nasa Tapsi ako. Imagine that. then kanina, si Paul yung nandun, at ako nasa Pampanga. Parang narealize ko na ayaw talaga. Na yun na. Tama na talaga. Quit chasing pavements! haha.



Nagkakantahan kami nun, tapos yung lyrics ng kanta parang "i guess it's now time for me to move on" so parang dobleng signs na dba (wait ibang kanta yun, nakalimutan ko lang haha)... wala lang naiyak lang ako ng sandali kasi kahit gano talaga yung galit ko sakanya, parang hinihintay ko pa din siyang magsorry or something. Pero yung kanina, super wow talaga yun... maybe coincidence lang... pero pwede ding ayaw na talaga ng destiny. haha kaso nung nagmomoment ako bigla may nagtext natawa ako tapos wala na okay na ulit ako.

Pero tinext ko nga pala siya.

I: Destiny talaga, noh?
P: Why destiny?

Hindi na ako nagreply! haha. Kasi for sure sinabi niya na naman sa mga kasama niya na nagtext ako blahblah.

Kaya ngayon, stop na talaga. Swear, ayoko na talaga. Tigil na talaga. No more day dreaming na one day pupunta siya sa engg, or sa dorm ko, or kung san man na andun ako. Naku kaya ayoko na magsulat, super ang imaginative ko naaaaa! ayoko na talaga.

Pagod na ako. Grabe na! haha joke drama drama lang ng pagkasulat. Pero seriously, tomorrow...

New day. New chapter of my life. Happier me.

kasi masaya naman ako, kaso pag naiisip ko siya nalolonely ako, kaya hindi ko nalang siya iisipin talaga ulit.
may nagsabi nga sakin nakakapangit daw ang kalungkutan.

--------

Sad #02

mga 1am, nakatanggap si Lica ng text na yung lola ng isa kong classmate, died :(

--------

SWEET


Ok hindi emotion yung sweet haha pero whatever. Habang nasa music room yung 3 girls, pumunta ako sa kwarto kung nasan sila mama at papa. humiga lang ako sa gitna nila, niyakap ako ni mama, then si papa ginulo gulo na naman buhok ko. Minsan talaga feeling ko ang bata ko. 5th yr na ako pero pagnaglalambing ako sa parents ko feeling ko gradeschool lang ako. haha.

tapos si Papa binilan niya kami ng dinner ng mga classmates ko kasi wala kaming katulong ngayon :|

---------

Summary... haha merong summary kunwari ang haba kasi ng post ko e.

Masaya naman talaga ako today, madrama lang talaga akong ang dami ko pang alam signs signs pa kaya nababawasan happiness ko. Pero okay lang, pang balance din...

Ang gulo ko noh. Tulog na silang 3, and sumasakit na likod ko and im super sleepy na. and kung binabasa mo to, idol na kita kasi natitake mo lahat ng sinasabi kong kadramahan at lahat lahat na.

Monday, September 5, 2011

Still papa's little girl

So may kasalanan ako sa mom ko and dad ko haha. Nung Saturday kasi nagMusic bank kami ng mga friends ko... wala pa pics e sayang haha. Then dun ako natulog sa bahay nila Jill sa San Juan. Kaso sa sobrang pagkkwentuhan namin 5am na kami natulog, so hindi ako nagising agad, tapos naempty bat pa fone ko (lagi nalang nakakalimutan magcharge) kaya hindi tuloy ako nakauwi sa bahay.

Then ngayon nagmessage si papa sa Facebook, nakakatawa talaga... 21 na ako pero I'm still his little girl :)


Pag nasa bahay ako, lagi ako humihingi ng pera sakanya pag bibili sa tindahan, then pag wala lang ako magawa tatabi ako sa kama niya then aanuhin niya yung buhok ko, tapos mamasahihin yung ulo ko. then kapag may ipis or something tatawagin ko siya agad haha. and kapag hipon yung ulam o kaya alimango lagi siya huling natatapos kumain dahil pinaghihimay niya kaming lahat. hay I miss papa! :(

Gusto ko na tuloy umuwi.

Sunday, September 4, 2011

Roadtrip :)

Thursday night is "ladies' night" nga kasi! haha!
Anyway, yung KTV hindi naman sa mga magagaling kumanta lang, pwede din sa mga tulad kong nagfifeeling lang hehe.Kanta kanta kanta. Then 1 am sinundo kami ng classmates ko. Roadtrip daw. Sa Subic nga nila gusto, kaso sawa naman na ako sa Subic, haha tapos nauwi sa Tagaytay. Nakadating kami dun mga 3am ata kasi kumain pa kami somewhere. Tapos wala naman kami mapuntahan dun, kasi sarado na lahat tapos ang super lamig pa, saraaaap haha! Kaso super lamigin nga kasi akong tao chillychilly tuloy. tapos tinuloy ni kuya yung pagdrive napunta tuloy sa Batangas! Tapos sa beach.. Kaya lang hindi masyado maganda yung weather nun, kaya ang lakas ng alon parang galit na galit. Tinatamad na ako magtype.

:-|

Pero eto flood ng pictures




















Napakaamateur! haha! :) 












Mga ginawa namin:
1. Sa kotse todo kwentuhan
2. Ahhhh eto, yung papunta sa beach parang papasok sa isang barangay muna, tapos sa bungad (lalim) may cemetery.. Pag naman nagdrive sa gabi hindi ako matatakutin sa multo, or kung ano man, pero sa sementeryo at fog talaga, napapraning akoooo! :( tinawanan nga nila kami ng kapatid ko kasi nagtago talaga ako sa ilalim ng kumot 
3. and etc!!! manonood na kami muna