Pages

Hello there!




When I'm sad, i write. When I'm happy, i write too! well only sometimes!
When I'm mad, I write again.
When I'm [name it], yes, I write everything:)
I love typing e. hehe.



Enjoy :] though ngayon palang magbibigay na ako ng warning. Halos kadramahan ung nandito because pag masaya ako, or inspired, hindi ako nakakapagsulat masyado, baliktad haha. So mas madaming drama kesa happy moments.

I'm not a good writer nga pala, usually what I write in here dere-deretso ko lang tinatype and I dont proofread it. At last na, bitin yung ibang kwento, lalo na pag inatake ako ng katamaran.


P.S.

thank you sa pagdaan dito sa blog ko

love,

Tuesday, August 16, 2011

What's with August 15...

at ang dami ko yatang pinagdaanan today? 

Nagstart yung day ko ng 5am. Bumyahe from Pampanga to Manila dahil yung driver pwede lang maghatid ng Monday 5am. Then may class ako ng 9-10am. Kaso meron akong isang namiss na test sa subject na yun, TAR kaya after ng class pinapunta ako sa faculty room sa 3rd floor. Mejo naghintay ako ng 10 minutes ata then dumating na yung prof. Dapat sa faculty room ako magtetest kaso sira yung aircon, so sabi ng prof sa room 101 na daw. e ganito yung room assignments sa pagkakaalam ko

101-102 => Mechanical
103-104 => Civil
107-108 => Industrial
109-110 => Chem Eng'g

So naisip ko na agad na shocks isasabay pa ako ni sir sa mga ME e puro lalake yung andun as in 3 lang ata yung girls sa section na yun. then bumaba na ako. nung nasa 101 na omg mga 5th yr pa yung andun, mga dati kong classmates nung 1st 2nd year pa, oks lang kaso nakakahiya talaga hahaha buti nalang yung isa sa mga girls dun kakilala ko tapos tabi kami sa room.. basta nakakahiya kasi nagingay yung mga tao tao blahblah...

then natapos ako magtest 11. gutom na ako so naglakad na ako pauwi ng dorm kaso biglang may tumawag number lang. LBC daw. Nasan daw ako kasi may package daw, sabi ko anong package? flowers daw. Dadalin daw sa school, pero sabi ko sa dorm nalang..

Naexcite ako syempre, nacurious kung kanino galing...

Yung roses pala galing islandrose :]



So alam nung sender yung classroom ko, bravoooo sa effort kaso fail dahil si manong lbc fail, merong isa pang sticker sa gilid ng box na "deliver only between 1-3pm" pero 11am palang binigay na sakin haha. 


lovely :] 

Sabi ng sender sa card "just wanted to make your day extra special", naging special naman nga kasi i love surprises hahahaha. 

anyway, next na.

after ng class namin ng 5pm pumunta kami ng Mister Kebab.... Hindi ko talaga alam oorderin kasi 1st time ko dun dahil hindi ko naman talaga trip ung persian food, feeling ko exotic food sila haha. 
pero sabi ng friend ko masarap daw yung letter K [nakalimutan ko na agad ung name]
Kamee ata, K__ee something basta para siyang ground beef. unang subo ko palang wtf. haha.

di ko na kinain at nag icecream nalang ako, safe pa, pero ang stupid talaga ang bata talaga kasi I asked pa "oh baka naman pati ice cream nila dito Persian?" natawa mga classmates ko kasi wala naman daw Persian na ice cream. haha. malay ko ba baka meron dbaaaa?

haha stolen

1 pang rose galing sa president ng Scarlet eng'g :p
sorry na ang haggard ng itsura, kasi naman 12 hrs na akong gising jan, straight :|

ayun keema pala. ata. ewan. basta. 

After nun, umuwi na kami. Nagtaxi kami at nahilo ako kasi ang ewan nung driver, kaskasero nakakahilo magdrive. paguwi ko sa dorm nagpahinga lang ako dahil sumakit talaga ulo ko. then fun night na with Mako and Lica, classmates ko na nagstay sa dorm namin. :] 

happy day pero nakakapagod.. kaya matutulog na ako.......

grabe super long post pala sorry