Pages

Hello there!




When I'm sad, i write. When I'm happy, i write too! well only sometimes!
When I'm mad, I write again.
When I'm [name it], yes, I write everything:)
I love typing e. hehe.



Enjoy :] though ngayon palang magbibigay na ako ng warning. Halos kadramahan ung nandito because pag masaya ako, or inspired, hindi ako nakakapagsulat masyado, baliktad haha. So mas madaming drama kesa happy moments.

I'm not a good writer nga pala, usually what I write in here dere-deretso ko lang tinatype and I dont proofread it. At last na, bitin yung ibang kwento, lalo na pag inatake ako ng katamaran.


P.S.

thank you sa pagdaan dito sa blog ko

love,

Tuesday, August 30, 2011

Random :)

Nakakainip maghintay ng energy sa sims kaya papatay muna ako ng oras haha.

Kwentong Masaya:


1. Every week meron akong natatanggap na emails from my readers. Nagbibigay ng compliments, nagpapakilala, humihingi ng copy, minsan nagpapatulong pa kung pano daw magsulat, at madami pa. Nakakatuwa kasi ang tagal na ng story ko pero ang dami pa din nagbabasa <3 At tsaka, nakakatuwa kasi email, hindi message sa fb, or sa candy. I love emails. Naaappreciate ko talaga. Pero syempre nakakaoverwhelm din yung sa facebook na lagi akong kinakamusta, tinetext ako, nakikipagchikahan, pati nga si Jha, isa sa mga taga UST na readers ko kaclose ko na :)


2. Last month ata yung dati kong kadorm, si Ate Pia, who calls me "Bebe Isa" got engaged to her longtime boyfriend! 4th year nursing siya nung 1st year ako, 2007 ata yun. Dati kasi 8 kami sa room, silang 6 4th yr na, kami ni Jam 1st year lang so baby na baby talaga kami nun. Eto actual pic:

Simple proposal, yet a moment Ate Pia will always remember. :)


Kwentong Malungkot
1. Bigla ko lang naalala, nung June ata, o July, pumunta si mama sa Cebu for 3 days. Then nung hinihintay namin siya sa DMIA (Clark), merong girl na lumabas dun sa arrival tapos nung nakita niya na yung pamilya niya tumalikod siya. Then ang daming lumapit sakanya mga 8 ata, tapos yung girl iyak ng iyak, niyakap agad siya ng mga tao tao, as in ang lakas ng pagiyak niya then naiyak din ako. haha! Parang ewan talaga yun kasi hindi ko naman siya kilala pero naiyak talaga ako, tinawanan nga ako ng sister ko. Ang lungkot kasi. Pinakaayoko talagang lugar yung airport, tsaka hospital. Swear. Kahit sino nalang yung ihatid ko sa airport, naiiyak talaga ako. 

2. Nung minsan, hindi pumunta si Nanay Letty sa bahay, yung manicurista, kaya pumunta kami sa parlor ni mama. Bakla yung mga andun, pero meron ding babae. Tapos merong dumating na isang bakla, kinausap yung isa pang bakla, tinatanong kung dumating na daw ba yung buhok. At dahil bulgaran yung paguusap nila syempre narinig ko hehe. Yung buhok na sinasabi, totoong buhok pala. Meron daw mga babae na nagbebenta ng mahaba nilang buhok for 500 pesos only. Gagawin kasing extensions ng mga bakla. Nakakalungkot talaga to kasi pati pa ba naman buhok ibebenta, i mean let's say 2 years bago humaba ung buhok ng 10 inches, tapos 500 lang ibebenta. Tapos yung mga bakla nagttake advantage naman dahil kelangan ng pera nung nagbebenta. Tssktssk. 


Kwentong Nakakahiya

1. Merong assignment sa e-leap sa isang subject, kaso yung reg form ko hindi ko makita! :( So hindi ako nakasagot, pero bonus points lang naman yun. The next day, nagpacontest si sir sa board. Paunahan lang magsolve sa board. So nung nasa board na ako, dun lang pinakita yung problem. Madali lang i-solve. Pero nakakahilo i-add yung mga dapat i-add, so nagpanic ako. Sabi ko "sir ayoko na pala" bumaba na ako kaso yung mga classmates ko sabi go lang!! E yung kalaban ko yung lalake kong classmate, ang daming alalay 3 tumutulong sakanya kaya tinawag ko yung kathesis ko haha kaya kami nauna natapos. Sa sobrang saya ko nagtatalon talon ako dun sa harap, nagtawanan tuloy classmates ko kasi para daw akong bata. Nakakahiya :(( hahaha! Pero masaya hehe. 


2. Bawal kumain sa classroom pero never kong sinunod yun. Kakain talaga sa room pag feel ko. So last Saturday, bigla lang ako lumabas sa room dahil gusto ko ng kumain. Meron kasi nagtitinda sa Eng'g kaya yun. Fries binili ako at meatballs. Tapos nung nasa may pinto ako, lahat nakatingin sa pinto, akala ko mapapagalitan na ako. Pero yun pala tinawag ako ni maam para basahin yung nasa powerpoint. I wanted to melt talaga nung moment na yun kasi everybody saw me na may food e hindi pa naman sinasabi ni maam na break na haha. Pero dedma lang, bumalik ako sa upuan ko, binaba ko yung food ko, tapos nagbasa na ako at nagsmile kay maam hehehe.