Pages

Hello there!




When I'm sad, i write. When I'm happy, i write too! well only sometimes!
When I'm mad, I write again.
When I'm [name it], yes, I write everything:)
I love typing e. hehe.



Enjoy :] though ngayon palang magbibigay na ako ng warning. Halos kadramahan ung nandito because pag masaya ako, or inspired, hindi ako nakakapagsulat masyado, baliktad haha. So mas madaming drama kesa happy moments.

I'm not a good writer nga pala, usually what I write in here dere-deretso ko lang tinatype and I dont proofread it. At last na, bitin yung ibang kwento, lalo na pag inatake ako ng katamaran.


P.S.

thank you sa pagdaan dito sa blog ko

love,

Wednesday, August 17, 2011

Quattro part 2

or why my world turned upside down again... 

Ang laki laki ng mundo pero may times na parang ang sobrang liit niya, like last night nung nakita ko nga si Lester. Natakot ako nung una kasi akala ko Varsi friends yung kasama niya buti nalang at hindi kundi kakabahan talaga ako. ay hindi, kinabahan na pala ako agad pero nung nakita ko na parang iba yung kasama niya, narelieve ako. 

Pero syempre binati ko pala muna siya bago ko tinignan yung mga kasama niya, and ang gentleman niya kasi lumapit pa talaga siya. Hindi naman kasi kami nakapagbond dati, so naappreciate ko talaga yung paglapit niya.

Mga kaoffice niya daw yung kasama niya, and 2 days palang siya sa work, congrats again! :) 

We talked about a lot of things and ang dami kong nalaman talaga. Like binabasa niya pala yung blog ko, and yung story ko. Nakakahiya talaga. haha! Syempre siya writer talaga ako feeling writer lang, parang taga kwento lang yung style ng pagsulat ko or something. 

Sobrang nafflatter talaga ako pag binabasa ng kakilala ko yung story ko pero at the same time nahihiya ako. Kasi feeling ko ang korny lang talaga ng story plus ang babaw or something. Pero sobrang nakaka wow. and naoverwhelm ako na binabasa niya talaga yun. 

Anyway, syempre next topic namin si Paul. kung anu ano lang, ibat ibang bagay. 

then habang naguusap kami, tinext ako ni Paul. Wag daw maglasing and magingat sa paguwi. Ang dami kong gustong ireply, kaso i opted not to reply muna kasi nakainom ako. (nagend up din palang uminom ako ng beer haha) Si Lester nalang yung nagreply sakanya gamit yung fone ko. 

I really can't understand kasi why nagtext siya last night. I mean, oo alam niya kung paano ako pag nakakainom kaso ano ba yun, concern siya ganun? e bakit nung may manyak na bumastos sakin hindi siya concern? 

Kinwento ko kay Lester yung parang "deleted scene" sa kwento ko (). Yung part na tinawagan ko si Paul and asked him na puntahan ako kasi takot talaga ako nun. Madaming tao nun, madaming tumulong naman sakin pero iba pa din pag may kakilala ka, somehow maffeel kong secured ako siguro kung nagkataon. So parang nagulat si Lester dun kasi wala sa blog ko, pero kasi nung time na yun sobrang nakakahiya paano ko ikkwento un e feeling ko nakakahiya. Parang feeling ko sasabihin nung makakabasa "ay di tinulungan, ay hindi pinuntahan, ay blahblahblah" Pero ngayon oks na matagal na din naman un.

Then Lester asked me... hindi ko na matandaan yung exact words kasi nahihilo na talaga ako kagabi nung naguusap kami haha

Lester: Namimiss mo siya?
Isa: Sobra, kaso sa tuwing namimiss ko siya iniisip ko nalang na hindi dapat kasi wala siya nung time na pinakakinailangan ko siya

ngayon ko lang narealize na ang drama ng sagot ko kay Lester haha wtf. 

pero kasi feeling ko talaga I needed Paul the most nung time na nasa barangay hall ako. kesa sa nung nalasing ako dun sa Gspot. 

anyway, bigla akong nakarelate sa ilang lines na sinulat ko sa story ko. 

"Minsan pag naalala ko siya, naiinis ako sakanya, nababadtrip at nagagalit. Pero mas madalas, pag naalala ko siya, namimiss ko siya. "
-IGIY, chapter 46, Ynah's POV

and then usap usap pa kami, kwento lang about kung anu ano etc. then bumalik na ako sa table namin. Nakilala ko din pala yung iba niyang friends. then yung isa, omgosh i forgot her name, nagdala siya sa table namin ng beer, dare ata or something. 

E di na kaya, so binalik ko kay Lester yung 2 bottles. then dinare niya ako na ibigay yung 1 bottle sa kabilang table, oks lang sakin pero nagpasama ako sakanya haha! yung pinagbigyan ko ng red horse taga UST din pala, sa graduate school. 

All in all, fun night talaga last night :) 

-meron pa sana to katuloy, kaso aalis na ako because ihahatid na ako ng friends ko(mako joyce lica) sa Fairview sa mga kathesis ko at papatayin na nila ako wala pa ko dun hanggang ngayon!