Pages

Hello there!




When I'm sad, i write. When I'm happy, i write too! well only sometimes!
When I'm mad, I write again.
When I'm [name it], yes, I write everything:)
I love typing e. hehe.



Enjoy :] though ngayon palang magbibigay na ako ng warning. Halos kadramahan ung nandito because pag masaya ako, or inspired, hindi ako nakakapagsulat masyado, baliktad haha. So mas madaming drama kesa happy moments.

I'm not a good writer nga pala, usually what I write in here dere-deretso ko lang tinatype and I dont proofread it. At last na, bitin yung ibang kwento, lalo na pag inatake ako ng katamaran.


P.S.

thank you sa pagdaan dito sa blog ko

love,

Tuesday, August 23, 2011

Jed's birthday!



It was Jed's birthday celebration last Saturday, kaso late na ako nakadating. Basta nakauwi ako sa Pampanga mga 12 na ng madaling araw, technically Sunday na yun haha! Sinama ko si Joyce kasi magisa lang siya sa dorm if ever na maiwan siya dun.

Hindi na ako papayagan dalin kotse nun dahil oras na, and ayoko din kasi naisip ko I'll be drinking so nagpasundo kami kay Andre. So pagkasundo niya, after 10 minutes andun na kami sa Mimosa.

Yung mga andun yung mga poker buddies namin, mga girlfriends nila etc. Poker buddies = Mars, Chino, Jed, Paulo, Justine, Ghiedel, Kevin, Bea and Me. Hindi namin masyado kaclose ni Bea yung girlfriends nila kasi naman papalit palit sila kaya di ko din natatandaan names hehe joke lang baka mabasa nila to magalit sakin.

Andun din yung classmates ni Jed, si Andre, Nathan, Toto, Patrick na mga schoolmates ko nung HS kaya kilala ko syempre.

At dahil dalawang babae lang kami ni Bea sa group na yun, prinsesa talaga kami haha! Hinahatid at sinusundo talaga kami everytime na aalis kami or poker night.

Kaso si Jed, grabe wasak na siya! basag na siya agad nun. I wasn't able to greet him happy birthday tuloy personally kasi naman nilasing nila!

Ang gulo na ng kwento ko, haha di ko na kasi alam what uunahin. So syempre pagdating namin dun si Patrick, nagiisang classmate ko nung HS, inassist kami ni Joyce sa pagkain. Siya yung naginit ng spag and chicken and lumpiang shanghai for us. Sweet!! :)

Joyce, Me, Patrick


Then si Justine (si 1st bf: http://msisabela.blogspot.com/2011/06/day-2-my-first-love.html) inasikaso din kami, sabi kain na blahblah.

Si Bea and si Justine haha!

Dun kami kumain sa kwarto kasi umiinom yung ibang bisita sa sala na hindi ko kilala at nagyoyosi. Then sa room, andun si Bea! wala lasing na lasing na din. haha.

Nakakatuwa yung night na yun, 1st time kong nakitang "basag" yung mga friends ko! hehe and ako taga alaga lang :p

Nakakatuwa pa kasi special treatment samin ni Joyce haha! Yung natira kasi dun, hard nalang, as in tequila and gsm, e ayoko, so pumunta kami ng 711, tapos lahat ng gusto namin binili nila, pati ice cream, chocolates, etc.

Pagbalik sa villa, naglaro kami ng cards. inom unti. then si Mars, tinawag na kami, dun daw kami inom sa sala, tulog naman na yung mga tao tao.

So uminom kami dun.. :p and picture picture..

Joyce, Ako, Mars, Joy and Kevin
Okay sobrang sweet ni Kevin at ni Joy <3


Ewan ko anong ginagawa ni Mars jan parang ewan

Joyce Isa Kevs

Si Mars grade 2 palang schoolmate ko na, si Kevin hs lang

wuhooo

Notes for Bea and Jed, misspelled pa ung tequilla. haha!
sobrang hina ko talaga sa spelling 

kami nalang natirang uminom

Paulo, and the birthday boy Jed, pero di ko siya naabutang nakatayo

Joyce and Me, nung kakadating lang hehe 
---------------

Tequila and Isa

Meron pang isang Cuervo na hindi nakabukas, tapos inopen ni Mars. Ayoko talaga nun kasi di ko ma-take yung lasa, tapos wala pang lemon. 

Kaso sayang hehe joke, basta yun na uminom kami. Pero nagpatulong ako kay Mars. sa right hand ko hawak yung shot glass, sa left hand ko yung salt, sa harap ng table yung pepsi. 

Ever since naman di ako expert uminom e, kaya nagtatakip ako ng ilong minsan hahaha! So nagpatulong ako kay mars.

Natatawa nalang ako ngayon kung pano ko ininom shots ko.

1. kukuha ako ng asin
2. hahawakan ko na yung shot glass
3. tatakpan ni mars ilong ko, ipit lang or kung ano man tawag dun
4. iinomin ko yung shot
5. asin
6. pepsi
7. then tatanggalin ni Mars yung kamay niya. haha.

tinatawanan nila ako pero kasi wala lang, haha! e sa ayaw ko talaga lasa nun. Pero yey kahit naka 5 shots ata ako oks lang ako :D