Pages

Hello there!




When I'm sad, i write. When I'm happy, i write too! well only sometimes!
When I'm mad, I write again.
When I'm [name it], yes, I write everything:)
I love typing e. hehe.



Enjoy :] though ngayon palang magbibigay na ako ng warning. Halos kadramahan ung nandito because pag masaya ako, or inspired, hindi ako nakakapagsulat masyado, baliktad haha. So mas madaming drama kesa happy moments.

I'm not a good writer nga pala, usually what I write in here dere-deretso ko lang tinatype and I dont proofread it. At last na, bitin yung ibang kwento, lalo na pag inatake ako ng katamaran.


P.S.

thank you sa pagdaan dito sa blog ko

love,

Tuesday, August 30, 2011

Random :)

Nakakainip maghintay ng energy sa sims kaya papatay muna ako ng oras haha.

Kwentong Masaya:


1. Every week meron akong natatanggap na emails from my readers. Nagbibigay ng compliments, nagpapakilala, humihingi ng copy, minsan nagpapatulong pa kung pano daw magsulat, at madami pa. Nakakatuwa kasi ang tagal na ng story ko pero ang dami pa din nagbabasa <3 At tsaka, nakakatuwa kasi email, hindi message sa fb, or sa candy. I love emails. Naaappreciate ko talaga. Pero syempre nakakaoverwhelm din yung sa facebook na lagi akong kinakamusta, tinetext ako, nakikipagchikahan, pati nga si Jha, isa sa mga taga UST na readers ko kaclose ko na :)


2. Last month ata yung dati kong kadorm, si Ate Pia, who calls me "Bebe Isa" got engaged to her longtime boyfriend! 4th year nursing siya nung 1st year ako, 2007 ata yun. Dati kasi 8 kami sa room, silang 6 4th yr na, kami ni Jam 1st year lang so baby na baby talaga kami nun. Eto actual pic:

Simple proposal, yet a moment Ate Pia will always remember. :)


Kwentong Malungkot
1. Bigla ko lang naalala, nung June ata, o July, pumunta si mama sa Cebu for 3 days. Then nung hinihintay namin siya sa DMIA (Clark), merong girl na lumabas dun sa arrival tapos nung nakita niya na yung pamilya niya tumalikod siya. Then ang daming lumapit sakanya mga 8 ata, tapos yung girl iyak ng iyak, niyakap agad siya ng mga tao tao, as in ang lakas ng pagiyak niya then naiyak din ako. haha! Parang ewan talaga yun kasi hindi ko naman siya kilala pero naiyak talaga ako, tinawanan nga ako ng sister ko. Ang lungkot kasi. Pinakaayoko talagang lugar yung airport, tsaka hospital. Swear. Kahit sino nalang yung ihatid ko sa airport, naiiyak talaga ako. 

2. Nung minsan, hindi pumunta si Nanay Letty sa bahay, yung manicurista, kaya pumunta kami sa parlor ni mama. Bakla yung mga andun, pero meron ding babae. Tapos merong dumating na isang bakla, kinausap yung isa pang bakla, tinatanong kung dumating na daw ba yung buhok. At dahil bulgaran yung paguusap nila syempre narinig ko hehe. Yung buhok na sinasabi, totoong buhok pala. Meron daw mga babae na nagbebenta ng mahaba nilang buhok for 500 pesos only. Gagawin kasing extensions ng mga bakla. Nakakalungkot talaga to kasi pati pa ba naman buhok ibebenta, i mean let's say 2 years bago humaba ung buhok ng 10 inches, tapos 500 lang ibebenta. Tapos yung mga bakla nagttake advantage naman dahil kelangan ng pera nung nagbebenta. Tssktssk. 


Kwentong Nakakahiya

1. Merong assignment sa e-leap sa isang subject, kaso yung reg form ko hindi ko makita! :( So hindi ako nakasagot, pero bonus points lang naman yun. The next day, nagpacontest si sir sa board. Paunahan lang magsolve sa board. So nung nasa board na ako, dun lang pinakita yung problem. Madali lang i-solve. Pero nakakahilo i-add yung mga dapat i-add, so nagpanic ako. Sabi ko "sir ayoko na pala" bumaba na ako kaso yung mga classmates ko sabi go lang!! E yung kalaban ko yung lalake kong classmate, ang daming alalay 3 tumutulong sakanya kaya tinawag ko yung kathesis ko haha kaya kami nauna natapos. Sa sobrang saya ko nagtatalon talon ako dun sa harap, nagtawanan tuloy classmates ko kasi para daw akong bata. Nakakahiya :(( hahaha! Pero masaya hehe. 


2. Bawal kumain sa classroom pero never kong sinunod yun. Kakain talaga sa room pag feel ko. So last Saturday, bigla lang ako lumabas sa room dahil gusto ko ng kumain. Meron kasi nagtitinda sa Eng'g kaya yun. Fries binili ako at meatballs. Tapos nung nasa may pinto ako, lahat nakatingin sa pinto, akala ko mapapagalitan na ako. Pero yun pala tinawag ako ni maam para basahin yung nasa powerpoint. I wanted to melt talaga nung moment na yun kasi everybody saw me na may food e hindi pa naman sinasabi ni maam na break na haha. Pero dedma lang, bumalik ako sa upuan ko, binaba ko yung food ko, tapos nagbasa na ako at nagsmile kay maam hehehe. 

Monday, August 29, 2011

Nightie night!

Sweet! 
 
Rom and Hermione :)

Images are from http://vividbit.deviantart.com/ :)

Friday, August 26, 2011

"... si Sab"

Sabrina... 


Wednesday, August 24, 2011

:(

At the moment hindi ko talaga alam nararamdaman ko... But I'm really scared and confused...

Tuesday, August 23, 2011

Jed's birthday!



It was Jed's birthday celebration last Saturday, kaso late na ako nakadating. Basta nakauwi ako sa Pampanga mga 12 na ng madaling araw, technically Sunday na yun haha! Sinama ko si Joyce kasi magisa lang siya sa dorm if ever na maiwan siya dun.

Hindi na ako papayagan dalin kotse nun dahil oras na, and ayoko din kasi naisip ko I'll be drinking so nagpasundo kami kay Andre. So pagkasundo niya, after 10 minutes andun na kami sa Mimosa.

Yung mga andun yung mga poker buddies namin, mga girlfriends nila etc. Poker buddies = Mars, Chino, Jed, Paulo, Justine, Ghiedel, Kevin, Bea and Me. Hindi namin masyado kaclose ni Bea yung girlfriends nila kasi naman papalit palit sila kaya di ko din natatandaan names hehe joke lang baka mabasa nila to magalit sakin.

Andun din yung classmates ni Jed, si Andre, Nathan, Toto, Patrick na mga schoolmates ko nung HS kaya kilala ko syempre.

At dahil dalawang babae lang kami ni Bea sa group na yun, prinsesa talaga kami haha! Hinahatid at sinusundo talaga kami everytime na aalis kami or poker night.

Kaso si Jed, grabe wasak na siya! basag na siya agad nun. I wasn't able to greet him happy birthday tuloy personally kasi naman nilasing nila!

Ang gulo na ng kwento ko, haha di ko na kasi alam what uunahin. So syempre pagdating namin dun si Patrick, nagiisang classmate ko nung HS, inassist kami ni Joyce sa pagkain. Siya yung naginit ng spag and chicken and lumpiang shanghai for us. Sweet!! :)

Joyce, Me, Patrick


Then si Justine (si 1st bf: http://msisabela.blogspot.com/2011/06/day-2-my-first-love.html) inasikaso din kami, sabi kain na blahblah.

Si Bea and si Justine haha!

Dun kami kumain sa kwarto kasi umiinom yung ibang bisita sa sala na hindi ko kilala at nagyoyosi. Then sa room, andun si Bea! wala lasing na lasing na din. haha.

Nakakatuwa yung night na yun, 1st time kong nakitang "basag" yung mga friends ko! hehe and ako taga alaga lang :p

Nakakatuwa pa kasi special treatment samin ni Joyce haha! Yung natira kasi dun, hard nalang, as in tequila and gsm, e ayoko, so pumunta kami ng 711, tapos lahat ng gusto namin binili nila, pati ice cream, chocolates, etc.

Pagbalik sa villa, naglaro kami ng cards. inom unti. then si Mars, tinawag na kami, dun daw kami inom sa sala, tulog naman na yung mga tao tao.

So uminom kami dun.. :p and picture picture..

Joyce, Ako, Mars, Joy and Kevin
Okay sobrang sweet ni Kevin at ni Joy <3


Ewan ko anong ginagawa ni Mars jan parang ewan

Joyce Isa Kevs

Si Mars grade 2 palang schoolmate ko na, si Kevin hs lang

wuhooo

Notes for Bea and Jed, misspelled pa ung tequilla. haha!
sobrang hina ko talaga sa spelling 

kami nalang natirang uminom

Paulo, and the birthday boy Jed, pero di ko siya naabutang nakatayo

Joyce and Me, nung kakadating lang hehe 
---------------

Tequila and Isa

Meron pang isang Cuervo na hindi nakabukas, tapos inopen ni Mars. Ayoko talaga nun kasi di ko ma-take yung lasa, tapos wala pang lemon. 

Kaso sayang hehe joke, basta yun na uminom kami. Pero nagpatulong ako kay Mars. sa right hand ko hawak yung shot glass, sa left hand ko yung salt, sa harap ng table yung pepsi. 

Ever since naman di ako expert uminom e, kaya nagtatakip ako ng ilong minsan hahaha! So nagpatulong ako kay mars.

Natatawa nalang ako ngayon kung pano ko ininom shots ko.

1. kukuha ako ng asin
2. hahawakan ko na yung shot glass
3. tatakpan ni mars ilong ko, ipit lang or kung ano man tawag dun
4. iinomin ko yung shot
5. asin
6. pepsi
7. then tatanggalin ni Mars yung kamay niya. haha.

tinatawanan nila ako pero kasi wala lang, haha! e sa ayaw ko talaga lasa nun. Pero yey kahit naka 5 shots ata ako oks lang ako :D 




Saturday, August 20, 2011

Dahil sobrang daming ginagawa....

nagkalimutan ng maligo kahapon! HAHA!!!

Wednesday night - natulog sa Fairview
Thursday - umuwi sa dorm, di na ako naligo sa bahay ng classmate ko kasi wala akong dalang shampoo at conditioner at damit hahaha, kaso paguwi sobrang daming ginawa..
then...
Friday madaling araw - ininvite kami magmidnight snack ng mga friends namin sa Burger King sa may Welcome Rotonda... mga 12.30am ata nung pumunta kami..

Tapos pagpasok namin sa Burger King....

Joyce: uy naligo na ba tayo?
Isa: (nagisip muna)
Joyce: hindi pa noh?
Isa: ay shocks hindi pa nga!!!! 

funny talaga. haha! narinig pa kami ng mga kasama namin. but oks lang yun, di naman kami pinawisan or something, aircon naman sa dorm e haha! 

buhay 5th year nga naman =|

Wednesday, August 17, 2011

Quattro part 2

or why my world turned upside down again... 

Ang laki laki ng mundo pero may times na parang ang sobrang liit niya, like last night nung nakita ko nga si Lester. Natakot ako nung una kasi akala ko Varsi friends yung kasama niya buti nalang at hindi kundi kakabahan talaga ako. ay hindi, kinabahan na pala ako agad pero nung nakita ko na parang iba yung kasama niya, narelieve ako. 

Pero syempre binati ko pala muna siya bago ko tinignan yung mga kasama niya, and ang gentleman niya kasi lumapit pa talaga siya. Hindi naman kasi kami nakapagbond dati, so naappreciate ko talaga yung paglapit niya.

Mga kaoffice niya daw yung kasama niya, and 2 days palang siya sa work, congrats again! :) 

We talked about a lot of things and ang dami kong nalaman talaga. Like binabasa niya pala yung blog ko, and yung story ko. Nakakahiya talaga. haha! Syempre siya writer talaga ako feeling writer lang, parang taga kwento lang yung style ng pagsulat ko or something. 

Sobrang nafflatter talaga ako pag binabasa ng kakilala ko yung story ko pero at the same time nahihiya ako. Kasi feeling ko ang korny lang talaga ng story plus ang babaw or something. Pero sobrang nakaka wow. and naoverwhelm ako na binabasa niya talaga yun. 

Anyway, syempre next topic namin si Paul. kung anu ano lang, ibat ibang bagay. 

then habang naguusap kami, tinext ako ni Paul. Wag daw maglasing and magingat sa paguwi. Ang dami kong gustong ireply, kaso i opted not to reply muna kasi nakainom ako. (nagend up din palang uminom ako ng beer haha) Si Lester nalang yung nagreply sakanya gamit yung fone ko. 

I really can't understand kasi why nagtext siya last night. I mean, oo alam niya kung paano ako pag nakakainom kaso ano ba yun, concern siya ganun? e bakit nung may manyak na bumastos sakin hindi siya concern? 

Kinwento ko kay Lester yung parang "deleted scene" sa kwento ko (). Yung part na tinawagan ko si Paul and asked him na puntahan ako kasi takot talaga ako nun. Madaming tao nun, madaming tumulong naman sakin pero iba pa din pag may kakilala ka, somehow maffeel kong secured ako siguro kung nagkataon. So parang nagulat si Lester dun kasi wala sa blog ko, pero kasi nung time na yun sobrang nakakahiya paano ko ikkwento un e feeling ko nakakahiya. Parang feeling ko sasabihin nung makakabasa "ay di tinulungan, ay hindi pinuntahan, ay blahblahblah" Pero ngayon oks na matagal na din naman un.

Then Lester asked me... hindi ko na matandaan yung exact words kasi nahihilo na talaga ako kagabi nung naguusap kami haha

Lester: Namimiss mo siya?
Isa: Sobra, kaso sa tuwing namimiss ko siya iniisip ko nalang na hindi dapat kasi wala siya nung time na pinakakinailangan ko siya

ngayon ko lang narealize na ang drama ng sagot ko kay Lester haha wtf. 

pero kasi feeling ko talaga I needed Paul the most nung time na nasa barangay hall ako. kesa sa nung nalasing ako dun sa Gspot. 

anyway, bigla akong nakarelate sa ilang lines na sinulat ko sa story ko. 

"Minsan pag naalala ko siya, naiinis ako sakanya, nababadtrip at nagagalit. Pero mas madalas, pag naalala ko siya, namimiss ko siya. "
-IGIY, chapter 46, Ynah's POV

and then usap usap pa kami, kwento lang about kung anu ano etc. then bumalik na ako sa table namin. Nakilala ko din pala yung iba niyang friends. then yung isa, omgosh i forgot her name, nagdala siya sa table namin ng beer, dare ata or something. 

E di na kaya, so binalik ko kay Lester yung 2 bottles. then dinare niya ako na ibigay yung 1 bottle sa kabilang table, oks lang sakin pero nagpasama ako sakanya haha! yung pinagbigyan ko ng red horse taga UST din pala, sa graduate school. 

All in all, fun night talaga last night :) 

-meron pa sana to katuloy, kaso aalis na ako because ihahatid na ako ng friends ko(mako joyce lica) sa Fairview sa mga kathesis ko at papatayin na nila ako wala pa ko dun hanggang ngayon! 

Quattro part 1

Sa sobrang dami kong gustong sabihin hindi ko alam kung paano sisimulan tong blog post na to. haha. Kaya eto nalang...

Kahapon sobrang nakakapagod talaga kasi ang dami ko na namang ginawa. Nakipagkita ako sa friend ko, si Christian, dahil siya yung graphic designer para sa project namin. Kaso na-late ako e may GA pala siyang pupuntahan so napasama pa ako dun. Enjoy naman kasi may mga kumanta etc. Kaya lang ang ingay and mejo madaming tao  kaya di siya nakapagdraft. 

then 4pm pumasok na ako sa class ko, natapos ng 6 then pinuntahan ko ulit si Christian sa building nila then nagdraft na siya, chika chika, daldal daldal then balik na naman ng Eng'g ng 7.30pm, nagclass kami computer hangang 9pm nakakaantok.. 

After ng class namin, pumunta kami ni Joyce and Mako sa SR Thai dahil imimeet namin si Chris and Jayson. Ang sarap ng pork barbecue, kala ko weird din mga pagkain dun e. haha Nagdinner then si Mako nagyaya uminom. Grabe lang talaga dahil may thesis pa akong iniisip pero sige go lang sa inom. haha hayaan mo na enjoy naman e

So sumakay kami ng taxi then sa taxi na nagdecide kung saan pupunta. Quattro daw. 


Ayoko talagang magbeer last night, niloloko nga nila ako pachix daw ako kagabi haha pero wala kasi parang nagsawa na ko sa lasa, di naman masarap e. At tsaka naisip ko pag beer matagal tagal inumin so shot nalang inorder ko. 

Enjoy naman kagabi, ang gagaling ng mga kumanta... 

theeeeen nakita ko si Lester, close friend/bestfriend ni P. 

Tuesday, August 16, 2011

What's with August 15...

at ang dami ko yatang pinagdaanan today? 

Nagstart yung day ko ng 5am. Bumyahe from Pampanga to Manila dahil yung driver pwede lang maghatid ng Monday 5am. Then may class ako ng 9-10am. Kaso meron akong isang namiss na test sa subject na yun, TAR kaya after ng class pinapunta ako sa faculty room sa 3rd floor. Mejo naghintay ako ng 10 minutes ata then dumating na yung prof. Dapat sa faculty room ako magtetest kaso sira yung aircon, so sabi ng prof sa room 101 na daw. e ganito yung room assignments sa pagkakaalam ko

101-102 => Mechanical
103-104 => Civil
107-108 => Industrial
109-110 => Chem Eng'g

So naisip ko na agad na shocks isasabay pa ako ni sir sa mga ME e puro lalake yung andun as in 3 lang ata yung girls sa section na yun. then bumaba na ako. nung nasa 101 na omg mga 5th yr pa yung andun, mga dati kong classmates nung 1st 2nd year pa, oks lang kaso nakakahiya talaga hahaha buti nalang yung isa sa mga girls dun kakilala ko tapos tabi kami sa room.. basta nakakahiya kasi nagingay yung mga tao tao blahblah...

then natapos ako magtest 11. gutom na ako so naglakad na ako pauwi ng dorm kaso biglang may tumawag number lang. LBC daw. Nasan daw ako kasi may package daw, sabi ko anong package? flowers daw. Dadalin daw sa school, pero sabi ko sa dorm nalang..

Naexcite ako syempre, nacurious kung kanino galing...

Yung roses pala galing islandrose :]



So alam nung sender yung classroom ko, bravoooo sa effort kaso fail dahil si manong lbc fail, merong isa pang sticker sa gilid ng box na "deliver only between 1-3pm" pero 11am palang binigay na sakin haha. 


lovely :] 

Sabi ng sender sa card "just wanted to make your day extra special", naging special naman nga kasi i love surprises hahahaha. 

anyway, next na.

after ng class namin ng 5pm pumunta kami ng Mister Kebab.... Hindi ko talaga alam oorderin kasi 1st time ko dun dahil hindi ko naman talaga trip ung persian food, feeling ko exotic food sila haha. 
pero sabi ng friend ko masarap daw yung letter K [nakalimutan ko na agad ung name]
Kamee ata, K__ee something basta para siyang ground beef. unang subo ko palang wtf. haha.

di ko na kinain at nag icecream nalang ako, safe pa, pero ang stupid talaga ang bata talaga kasi I asked pa "oh baka naman pati ice cream nila dito Persian?" natawa mga classmates ko kasi wala naman daw Persian na ice cream. haha. malay ko ba baka meron dbaaaa?

haha stolen

1 pang rose galing sa president ng Scarlet eng'g :p
sorry na ang haggard ng itsura, kasi naman 12 hrs na akong gising jan, straight :|

ayun keema pala. ata. ewan. basta. 

After nun, umuwi na kami. Nagtaxi kami at nahilo ako kasi ang ewan nung driver, kaskasero nakakahilo magdrive. paguwi ko sa dorm nagpahinga lang ako dahil sumakit talaga ulo ko. then fun night na with Mako and Lica, classmates ko na nagstay sa dorm namin. :] 

happy day pero nakakapagod.. kaya matutulog na ako.......

grabe super long post pala sorry 




Sunday, August 14, 2011

Road accidents...

Twice palang ako nakakakita ng naaksidente sa daan. Nung una sa may SCTEX. Merong tumaob na parang van dahil pumutok yung gulong or something... Pero dad ko nagddrive nun so sinabi agad samin na "wag titignan yung sasakyan" dahil baka nga may makita kaming tao na duguan or what :|

then kanina, nagddrive ako sa Angeles, sa may papuntang AU, meron aksidente nagbangaan na 2 tricycle. :| yung isa nakataob, at ang masaklap dun di ko matakpan mata ko kasi nga ako nga yung nagddrive. Kitang kita ko talaga yung babae na nadadaganan nung tric. :( nakakapanghina talaga... sa left side ko pala yun, kasalubong namin kaya kitang kita ko hay buhay. Ayoko ng ganuuuun :(((

Wednesday, August 10, 2011

INTERNET charge na daig pa yung dsl namin haha

GRABEEEEEE HAHA PARA AKONG NABUNUTAN NG TINIK KASI FROM 9.2K NAGING 2.2K.
But i'm still not satisfied kasi seriously, 15 mins na internet, 2k. Pero sige na nga, kaya na yang 2k haha kesa naman yung 9k. But still :[ ung 2k na ibabayad ko dito sana para sa sarili ko nalang..

hay buhay sadyang unfair. haha

Monday, August 8, 2011

Ligo na ü, Lapit na me


Dati ko pa nakikita tong book kaso hindi ko binibili kasi naman yung cover parang... basta akala ko kung ano na yung story.

Tapos nasa cinemalaya pala siya. So I watched the trailer, story ng college people pala so yesterday bumili ako and tinapos ko na agad yung book.

Ang ganda niya, ang funny.. so friends with benefits sila (Intoy and Jen) and with perks according kay Intoy... Kaso nakakainis kasi love na ni Intoy si Jen kaso gusto niya astig siya so hindi siya nagconfess



May gusto akong part sa book, yung nagtalo silang dalawa about sa dogs and cats, ang sweet kasi kaso di ko dala yung book kaya hindi ko matype dito :(

Anyway, nalungkot ako sa ending.. Maganda naman talaga yung book kaso ayoko ng ending na tulad ng ganito, yung sad, nasa ere lang, di mo alam ano next na mangyayari...


But I'll still be watching this on August 17 ata.. 
Kasi ang ganda ni Mercedes plus si Edgar oks lang..

----------

P.S.
Natuwa ako si Mercedes nasa Babae sa Septic Tank din pala. haha! though maliit lang part niya dun, extra hehe 

Wednesday, August 3, 2011

Day 16 - My Dreams

Dahil masakit na mata ko sa kakaiyak, sulat nalang ako ng something na ikakatuwa ko nalang.
kasi naman yang globe na yan putangina hahaha. I know may mali lang, kaso kasi. Hay. Shit happens.

Anyway, let me share to you my dreams in life...

1. Maging successful sa career. Gusto ko ng magandang trabaho, haha! na nice ang sweldo.
2. Mag stage play, :) as in play.
3. May magbigay sakin ng bouquet sa labas ng classroom, o sa labas ng eng'g hahaha ang babaw ko kasi I know, pero hindi masama mangarap!
4. Magkaron ng mabuting asawa and kids. Kahit hindi kami sobrang mayaman, basta ba mabibigyan niya ako ng katulong at mapapamanicure niya ako weekly ok na ako dun kahit magrerent lang muna kami ng bahay namin basta. haha.
5. Makapagpublish ng book. :) Kahit simple lang...
6. Makapunta sa egypt at makita ng personal yung pyramids. told youuu weird ako haha
7. ikasal sa maliit na simbahan lang na mapupuno ng families and friends ko.. Ayoko kasi sa sobrang laking church tapos dami daming bakanteng upuan. hahahahaha
8. makakuha ng condo sa serendra yeah dreams lang naman, lulubusin ko na
9. magkaron ng isang mini library sa future bahay ko
10. makita sa personal sila harry potter and friends haha.


sorry na mga mababaw lang nasulat ko kasi naman ang sad talaga ngayon :( globe, why pinaiyak mo ako!

:(

Naiiyak na talaga ako dahil sa globe bill ko!!!! :(((((((((((((((((((((((((((((((
Seriously, :| nakakainis talaga. :((((((((((((((((((((((((((((((

Monday, August 1, 2011

You're...

still the one... 

that I...

Video :)



Nagsasabi sabi ako sira naman pala yung mic haha