Pages

Hello there!




When I'm sad, i write. When I'm happy, i write too! well only sometimes!
When I'm mad, I write again.
When I'm [name it], yes, I write everything:)
I love typing e. hehe.



Enjoy :] though ngayon palang magbibigay na ako ng warning. Halos kadramahan ung nandito because pag masaya ako, or inspired, hindi ako nakakapagsulat masyado, baliktad haha. So mas madaming drama kesa happy moments.

I'm not a good writer nga pala, usually what I write in here dere-deretso ko lang tinatype and I dont proofread it. At last na, bitin yung ibang kwento, lalo na pag inatake ako ng katamaran.


P.S.

thank you sa pagdaan dito sa blog ko

love,

Sunday, July 31, 2011

When...

11:11

strikes, what do you wish for?

Ako simple lang naman e... ewan ko bakit di pa ako pagbigyan!



Friday, July 29, 2011

From a Boy to a Man...

Last Sunday I went out with my ex boyfriend. He was my boyfriend nung 4th year highschool ako. College siya, highschool ako. Basta naging kapitbahay ko siya and kaservice, 7am kasi pasok niya kaya kahit college na siya nagseservice pa din.

Dati iniisnob ko lang siya sa service, pero gwapo naman siya hehe kaya lang syempre ayokong isipin niya na crush ko siya. Hangang sa one day naging kami na. haha. December ata yun ng 2006.

So nung 2009 ata or 2010, nagmigrate na sila ng family niya dun sa US, sa California. Pero madalas kami naguusap sa facebook, lagi siya nagmemessage nangangamusta etc. pero ganun ganun lang. Then one time sabi niya uwi daw siya sa Phil sa November, punta daw kaming Palawan, so sabi ko sige lang pag free ako go.

Then last last Sunday, July 17 ata yun, nagmessage siya sa facebook o nagtext ata sakin sabi "I'm coming home tomorrow, be there". Akala ko joke, so tinignan ko yung profile niya. His lolo passed away pala that's why umuwi sila ng mom niya.

So nung Saturday, pagkauwi ko, dumalaw kami ng mom ko sa burol kasi friends yung moms namin, kasi kapitbahay sa tipco.

Nung nakita ko siya, ayun, :) good looking padin naman kaso he really looked sad... tapos hindi kami nagtagal dun kasi nga magpapamasahe pa kami ng mom ko. Kaya umalis din kami agad.

Nung Sunday yung libing pero hindi na kami nakilibing kasi madami na man ng tao at tsaka ang aga 7am.

Then nung mga 3pm, nagtext siya nood daw kami ng movie. So sabi ko sige. Syempre malungkot yung tao, excited na excited umuwi sa Nov kaso napaaga yung uwi dahil namatayan.

So dun na kami nagkita sa SM kasi nagpahatid ako sa daddy ko.

Yung temptation island yung pinanood namin, by the way sobrang pangit nga pala nun haha.

then nagdinner kami sa Fortune, isang chinese resto, fine dining so wow sossy na siya dati nung highschool sa mcdo niya lang ako dinadala! haha. And true enough, sabi niya dati daw sa internet cafe lang kami date. Online gamer kasi talaga ako kaso nung 4th year college natigil kasi busy na talaga..

Then pinatakeout namin yung sobra para ibaon ko daw sa dorm.

Tapos nag 8 na, sabi ko magpapasundo na ako sa daddy ko ulit... kaso sabi ko wait bibili muna ako ng ice cream. then binilan niya ako ng ice cream. then kinuha ko na yung takeout sakanya. pero inagaw niya ulit sakin, siya na daw magdadala wala pa naman daw daddy ko.

So nasa isip ko, wow laki ng pinagbago. Dati kasi inaaway ko siya palagi ayaw buhatin yung bag ko, nakakabawas daw sa pagkalalake niya. so parang ok?

Pero ngayon he has changed, from a boy to a man talaga. haha

And then yun na sinundo na ako ng daddy ko...

It's nice na close pa din kami or friends pa din kami after all what happened. Yung relationship naman namin dati parang mababaw lang e. Yung ngang ayaw niya buhatin bag ko aawayin ko na, mabagal lang magreply, hindi lang masundo, hindi ako dalan ng flowers(dati kasi pupunta siya sa bahay namin may bulaklak na pinitas niya lang somewhere).

Ay pero may ginawa pala siya sakin! haha! Nung one time, may concert sa Don Bosco, e bosconian siya edi sinama niya ako. pero kasama din namin ibang mga taga tipco, tapos yung mga barkada niya dumating din dun kaya nung pauwi na, pinasama niya nalang ako sa mga kapitbahay namin, kay Jam. hay naku. mga lalake talaga. hahaha. pero syempre dahil mabait ako sabi ko sige go lang.. the next day napagalitan naman siya sa mommy nya hahahahahaha.

So there... masaya naman siya sa buhay niya :)

Monday, July 25, 2011

Deathly Hallows Part 2

Last night, I’ve watched Harry Potter 7. Dapat nung Thursday pa kaso alanganin.So yun.Sa SM North kami nanood, 3D and last full show.
Nagandahan naman akosa movie, kaso kasi may malitalaga. I expected naibe-base talaga siya sa book since meron akong napanood na video na susundin daw talaga as much as possible ng director yung book. hmps, false hope! Anyway, eto yung mga nagustuhan kosa movie



1.       YUNG MEMORIES NI SNAPE. Brilliant. Epic. Wow. Need I say more?
2.       Gringots scene. Amazing yung nakasakay sila sa parang train
3.       Molly vs Bellatrix. (though sa book, if tama yung alalako, hindi naman nagvanish si Bellatrix)
4.       Hermione and Ron’s kiss. SWEET.
5.       KIDS. yungsa 19 years later, ang gwaponi James at Albus Severus! andang cute ni Lily.
6.       Yung 19 years later ulit, nakakatawa itsuranila Harry, Ron and Hermione. Sobrang ok na ok!! <3
Narcisa Malfoy
7.       Ang ganda ni Narcisa. 
8.      Convo ni Dumbledore and Harry
9.       Yung parang super big soldiers na inano ni McGonagall. haha cute niya pa nung kinast niya yung spell para dun 
10.   Nung kiniss ni Ginny si Harry <3
11.   Yung nasasaktan siVoldypag may nasisirang horcrux
12.   Yung nagduel sandalisi McGonagall and Snape
13.   Yung last words ni Snape (dinagdag ulit)
14.   Yung room of requirement, kung nasanyungmga DA nung sa bandang simula ng movie
15.   Ang gwapo ni Snape nung bata siya, leche haha

Bellatrix - winner :) 



Yung simula, sobrang okay talaga. May ibang parts nanadagdagperoayoslang, kinagandanamanng movie. Kaso here are some of the events nakulang, or kinadisappointko:

1.       Uunahinkoyung battle ni Harry Potter and Voldemort.
a.       Walayungsagutan part nila.hay. Of course hinintaykoyung scene nay un kasisa book talagangpinapagalitanni Harry siVoldemort, pahiyasiya!
b.      Yung battle sa movie, silangdalawa lang. Yung sa book, nasagitnasilangmadamingtao, as in pinapanoodsila.Tsakabadtriptalaga, dapatyung scene talagayunginayayungsa book mismo e. jksghjkbfisdbvgkds. badtrip super. Gandagandanung scene nayun e. BOO sa director dahil dun. eiduhglsoahfoeaf.
c.       Walang “AvadaKedavra” and “Expelliarmus” sa last battle.
d.      Si Voldemortnagvanish, e sa book naiwanlangyung body niya dun.

2.       Sigawni McGonagall. I was waiting for it! Akalakotalagasisigawsiya! Gusto kokasisi Minerva McGonagall, e sa book parang highlight yungpagsigawniya
3.       Pagkamatayni Fred. Wala lang. agadlangsiyapatay, parangyungkelaLupin, Tonks etc.
4.       Yung sa elder wand, FAIL talaga, pinutol?!
5.       Yung sa ending, hindinapahawaksi Harry sanooniya, or di konakita? peroparanghinditalaga.



Hay naku i dont know what happened kung bakit nagkadikit dikit yung words na tinype ko. haha! anyway, i wrote this nung pagkapanood ko ng HP, nakalimutan ko lang ipost.






sa totoo lang nakakalungkot kasi tapos na siya :( huhu 
dapat may Harry Potter 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 +++++ pa.

Basta. J.K Rowling. :) Favorite author talaga. :) 

Thursday, July 21, 2011

Adventures...

In just 1 day, lahat na ata ng pangcommute na sasakyan sinakyan namin :D

1st. Tricycle.

Kelangan kasi namin pumuntang LRT1, sa Tayuman. Nung nasa may Chowking na kami banda, naglalakad papuntang Lacson, nakakita ako ng tricycle. Sabi ko tric nalang. haha.

2nd. LRT.

Tayuman - Monumento.

3rd. Jeep.

???? - 5th Avenue, somewhere in Caloocan.

4th. Bus.

5th Ave - SM North.

5th. FX.

SM North - Espana

and because we didn't want to walk from Espana to Dapitan...

6th. Jeep again.

Morayta - Dapitan ata yun. haha!



Yung mga kasama ko natatawa nalang kasi kasi hindi ko naman talaga alam papunta sa mga kung san san dito sa Manila. Kasi pag aalis ako like manonood ng movie sa SM North, Trinoma, Gateway, Glorietta or kung san man, nakasasakyan o kaya taxi. 5 taon na daw ako sa Manila pero hindi pa din ako marunong magcommute kung san san hahaha. Pero enjoy kahapon, kaso nakakapagod. Baba dito, sakay dun.

Monday, July 18, 2011

Fucking globe!

I AMMMM SO MAD TALAGA RIGHT NOW, AND PISSED OFF AND EVERYTHING NA. THIS MORNING I RECEIVED A TEXT MESSAGE FROM 290, SAYING NA SINCE I HAVE ACCUMULATED MORE THAN 3000 WORTH OF INTERNET, WHY DI PA DAW AKO MAGSUBSCRIBE SA UNLI INTERNET NILA WHICH IS 999? SO AKALA KO PROMO TEXT LANG. THEN I CHECKED MY UNBILLED BALANCE AND I WAS SO SURPRISED SA NABASA KO.

LOCAL CHARGES = 70+ PESOS.
INTERNET CHARGES = 8500+ PESOS.

AS IN WHAT THE HELL?! THAT MUST BE A JOKE.

FRIDAY NIGHT AND SATURDAY NIGHT, I INSERTED MY POSTPAID SIM DUN SA TATTOO STICK. NAG NET AKO FOR LIKE 10-15 MINUTES LANG KASI I KNOW NA IT'S MAHAL. 2X KO LANG TALAGANG GINAWA YUN. TAPOS 8500?!

SERIOUSLY. ANG GALING NG GLOBE NAKAKAINIS.

TUMAWAG AKO SA CUSTOMER SERVICE AT LALO PA AKONG NAINIS.

I ASKED HOW COME NAGING 8500 YUN E ANG CREDIT LIMIT KO LANG IS 1000, KASI YUNG PLAN KO YUNG 599 UNLI CALL AND TEXT. PAG SA CALL AND TEXT LANG DAW NAGAAPPLY YUNG 1000, PERO SA INTERNET HINDI. E CREDIT LIMIT NGA E.

NAKAKAINIS TALAGAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! KEHSKGHFTEGIDHGOISDIDRJOIDXJFGBOISXJISDJBOISHGOIHSDGV

GINAWAN NA NG REPORT KASO I HAVE TO WAIT FOR MY CUT OFF DATE PA DAW WHICH IS SA 30 PA. KASI NASA UNBILLED CHARGES PA DAW. AND YUNG SYSTEM BLAHBLAH BULLSHIT :(

:((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((

MALALAGOT AKO SA MOMMY KO NETO :(((((((((((((((

GLOBE UMAYOS KA :((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((((

Sunday, July 17, 2011

ISA-ng taklesa Part 2

I dooon't have any freaking idea why nakastrike 2 ako this week. Una kay mang Ed and then pangalawa sa kadorm ko.

Thursday night nasa dorm kami. Nasa room kami. Ako, si Joyce at si Tin nasa taas ng double deck. Tapos si Pipay at si Dea nasa baba.

Tin: San ka na naman pupunta?
Isa: Makikipagkita nga sa friend ko saglit, may girlfriend na yun kaya wag ka ng magisip ng kung ano.
Tin: Anong oras kayo magkita?
Isa: Mamaya pa after work niya
Tin: Yuck ate Kaye pumapatol ka sa matanda.
Isa: At sinong nagsabi sayong papatol ako sa matanda? tsaka ano ka ba, friend ko nga lang yun
Pipay: OUCH.

Nagulat ako kasi nagouch si Pipay.  "At sinong nagsabi sayong papatol ako sa matanda?"   Pipay's just 19 years old tapos yung ex niya ata 26 or 27.

Pero kasi yung sinabi ko yun, I wasn't pertaining to matandang 20+ lang. Yung nasa isip ko, 30+ na.

So nagpaikot ikot ako dun sa kama sa taas habang nagliliptalk kami ni Joyce [liptalk= yung anooo parang lip sing/sync whatever haha loser talaga ako when it comes to spelling.] As in sinasabi ko talaga "tangaaaaa" kasi naman di ko talaga na naman inisip sinabi ko.

then bumulong ako, "uy did you hear what I just said?"
"yes, nakakagulat ka kaya"

what the fuck. haha.

Awkward night tuloy. Pero we're coooool na. :)

Wednesday, July 13, 2011

Laba laba laba!

Nung Monday night I washed my uniform manually for the 1st time! haha. Tinuruan ako ng mga kadorm ko pano magkuskos, gano kadami yung powder dapat, kelan ilalagay yung downy etc.

Pano kasi yung white uniform ko hindi ko nasama dun sa pinalaundry! Fun night though, naging katatawanan ako kasi hindi pa daw ako pwede magpakasal dahil di pa ako marunong maglaba!

Hindi nakakatuwa maglaba. Masakit sa kamay. :|

Sunday, July 10, 2011

ISA-ng Taklesa.

Nakakainis. Ang taklesa ko talaga minsan, madalas ewan.

Scene: kay Mang Ed's or kuya Ed's basta sa kainan sa tabi ng dorm at tapat ng tapsi, magtetakeout kami ng sister ko ng dinner

Ate: ano order niyo?
Isa: Longganisa po with rice. Sayo tin?
Tintin(sister ko): Chicken Teriyaki
Isa: Chicken Teriyaki? Iba nalang, hindi kaya masarap yun


then biglang, fuck. haha! fucker talaga nakakahiya, I really wanted to melt pagkasabi nun kasi si kuya Ed andun pala sa likod ko :(( Pero kasi hindi naman talaga masarap.

2 weeks ago, kumain kadorm ko nun, tinikman ko. Ayoko. Tapos kahapon naman, sa Big Martha's, yun yung tinakeout namin, Chicken Teriyaki, ayoko din.

I wasn't pertaining to kuya ed's Chicken Teri, pero syempre alangan naman defend ko pa sarili ko sakanya kanina. Hay buhay, sadyang lokoloko.

Thursday, July 7, 2011

Day 15 - First Kiss




My first kiss happened 7 years ago, tagal na! Sa first boyfriend ko syempre. Ang korny talaga nun sabi kikiss ako sa kamay, tapos maya maya sa cheeks na hangang sa sabi niya kung pwede daw sa lips. Ako naman si osige isa lang. then yun.

Basta 1st kiss ko ay madedescribe ko in 3 words. Simple, sweet, and pure. haha!

Loser.

Buong June hindi ako nakapagsine. :| 

Sunday, July 3, 2011

Dahil gago at manyak siya...

kaya pinabarangay ko siya at pinablotter.

I am talking about the guy na bumastos sakin kanina. Sunday today pero nasa Manila ako kasi ang dami ko talagang gagawin. Around 12:30pm nagyaya na si Joyce, kadorm ko at classmate ko na bumili na kami ng lunch. So bumaba na kami at bumili ng lunch kaso sabi ko maginternet muna kami para hindi na kami bababa ulit. then 1:15pm gutom na daw si Joyce so nauna na siya umakyat. Ako naglaro pa ng tongits haha.

Then may upo na guy sa tabi ko. tapos meron siyang bag sa baba, na MAYAT MAYA niya ginagalaw. Naweirduhan nga ako e, kaya tinignan ko siya. Maputing lalaki, nakasalamin so naisip ko geek, freak. Kaso napatingin ako sa gilid ng bag niya, may cellphone, tapos yung camera parang nakatutok sa legs ko. Pero hinayaan ko muna. 

tapos nakita ko ginalaw niya ulit ung bag niya, at nilagay yung bag niya sa tapat ng legs ko. So un na, "tangina vinivideohan ata neto legs ko". Grabe yung nafeel ko kanina, kasi parang tangina binabastos ako. Dapat sisigaw na ako dun agad e kaso ang daming tao sa internet cafe, e pag mali ako edi pahiya ako. Kaya tumayo ako at nagsumbong ako kay kuya bantay. 

Si kuya bantay naglakad sa likod niya at nakita nga na hawak na yung cp at may tinitignan daw. Nung napansin siya nung guy, tumakbo papalabas ung guy.

I really got mad kasi buburahin niya na yung mga pics so pano ko siya mapapapulis or something. tapos ung ibang bantay tinatanong na kung ano nangyari. so nagkakagulo na. yung ibang lalake na nagccomputer sinabi sakin na manyak daw talaga un, nanonood daw ng porn kahit sobrang daming tao.

yung may ari ng computer shop andun pala. binigay ko number ko sakanya para pag bumalik yung lalake tawagan daw nila ako.

Edi umakyat na ako sa dorm. Naiiyak ako na sobrang galit, sobrang badtrip na hindi ko na maexplain pero di ako naiyak kasi nagring yung phone, bumalik daw yung lalake. Name niya pala ANJO. 

Nagmadali ako bumaba kasama si Joyce. Tapos may barangay tanod na din, tapos yung security guard ng dorm namin andun na din. 

Nagkagulo talaga sa internet shop kanina. dinedeny niya. 

si manyak: hindi po ako nagpipicture o video.
tanod: patingin cp

habang kinakalkal pa yung fone...

si manyak: wala na pong mga pictures jan binura ko na po..

Ako: tangina kala ko ba hindi ka nagpicture bakit may binura ka?

tapos kinalkal yung fone niya, ang tanga niya bumalik siya sa shop ng hindi dinedelete yung mga photos, nakita namin na andun pa mga pictures. 

Kadiri siya, ang manyak niya. Grabe nung nakita ko yung pics ko, as in as in ung galit ko sakanya at dahil dun dinala na siya sa barangay chuchu, kasama ako syempre ako yung complainant. 

eto yung mga lines na hindi ko makakalimutan... baliw kasi siya, i mean may sayad sa ulo!! as in may mental disorder ata yung gago na yun.

1. 
tanod: bakit mo ba ginawa yun?
si manyak: wala po hindi ko sinasadya.
isa: hindi sinasadya e lagpas 10 yung pics, gago ka ba?
si manyak: e hindi ko po talaga sinasadya.
tanod: dapat kung kukuha ka ng litrato magpapaalam ka sa kukuhanan mo.
si manyak: ay pwede pala yun?

Natawa talaga kami kasi he asked kung pwede yun, ang tanga. Meron ba namang matinong babae na papayag kuhanan ng litrato na ganun. tsaka may sayad talaga siya. kasi kung normal na lalake lang siya na manyak, edi dapat inaway ako nun "bakit kita vivideohan etc" pero hindi, ang dami niyang sinasabi na iba. 

2. 
tanod: bakit mo ba kasi talaga ginawa yun?
si manyak: para po sa POETICS.
Isa: ano naman relasyon ng poetics sa kabastusan?
si manyak: meron kasi dun nakahubad.
Isa: e bakit hindi ka nalang manood ng porn?
si manyak: di ako nanonood nun
Isa: gago ka ba? e sabi nga ng mga lalake dun kahit madaming tao hindi ka nahihiya na manood ng porn.
si manyak: e sawa na ako dun.

Okay. sawa na daw siya sa porn. ako, pati yung mga tao dun, tumawa talaga. Kanina kasi ang daming naki isyuso dun sa barangay. pati mga tricycle drivers, my gulay talaga ung eksena kanina dun.

3. 
si manyak: paano ba ako makakabawi sayo?
isa: bawi mo muka mo, ni lumapit nga sayo ayoko kasi nakakatakot ka
si manyak: kahit na ano man lang na maiitutulong ko sayo
isa: osige nga ikaw tatanungin ko paano ka babawi? 
si manyak: gagawan ktia ng poem, o nobela, o kung ano man gusto mo.

tumawa na naman yung mga tao. promise nakakatawa siya kasi baliw siya! kung anu ano pinagsasabi, wala siya sa katinuan.

4. 
tanod: Asan mga magulang mo?
si manyak: patay na po tatay ko e

natahimik ako at si Joyce kasi... kahit manyak siya kawawa pa din siya wala na siyang daddy.

Naisip ko kung magsasampa ako ng kaso, gagastos pa ako para sa abugado and etc. Tapos kung papakickout ko naman sa FEU, kawawa naman pinaghirapan ng mommy niya. 

5. 
Isa: joyce ilang page?
Joyce: ba 100 dapat
Isa: osige, gawa ka ng 100 na poems, or 100 page novel, nakaprint nakaringbind. 
si manyak: kayang kaya yan. 
Isa: e paano ko masisigurado na hindi mo kinuha yun sa internet?
si manyak: sa grammar ko. tsaka ayoko magplagiarize. 
Isa: ayaw mo magplagiarize pero mambastos okay lang?
si manyak: di ko naman sinasadya e. mali pala ginawa ko.

basta nag end up yung usap kanina na sa Sunday bibigay niya un, pag di niya give, punta ako FEU talaga. Yung cp niya naiwan naman dun sa barangay e. hay gago talaga siya. Di ko pa din matake na may binastos niya ako kanina.

----

kunting info sa manyak na to.

Anjo Benzon
4th yr FEU student, literature course niya sabi niya
dating thomasian, nakakahiya siya.

----

Nakakatuwa kasi ang daming tumulong sakin kanina, yung mga tao kahit nakiki usi lang sinasabi nila na pakick out mo yang gago na yan para matuto, etc. tapos minura pa siya ng ibang tao. ung may ari ng comp shop sumama din sa barangay hall ata un, yung mga bantay ng internet cafe and all...