Pages

Hello there!




When I'm sad, i write. When I'm happy, i write too! well only sometimes!
When I'm mad, I write again.
When I'm [name it], yes, I write everything:)
I love typing e. hehe.



Enjoy :] though ngayon palang magbibigay na ako ng warning. Halos kadramahan ung nandito because pag masaya ako, or inspired, hindi ako nakakapagsulat masyado, baliktad haha. So mas madaming drama kesa happy moments.

I'm not a good writer nga pala, usually what I write in here dere-deretso ko lang tinatype and I dont proofread it. At last na, bitin yung ibang kwento, lalo na pag inatake ako ng katamaran.


P.S.

thank you sa pagdaan dito sa blog ko

love,

Wednesday, June 1, 2011

Day 1 - Introduce Yourself

Now how and where should I start introducing myself? haha! Well sige let me start with the basics. I'm Catherine Isabel Vasquez Albelda, 21 years old, was born on February 9 1990, lives in Pampanga but studies in Manila.

Okaaaay, gagawin ko nalang ulit list to para hindi ako mahirapan... haha

1. Panganay ako
2. Payat lang ako :(
3. Normal nalang saakin matulog ng late, natulog ako ng bago magmidnight, meaning may importanteng lakad the next day
4.  Abnormal ako magsalita, minsan may sarili talaga akong language, pag naman natetense ako kung anu ano nalang nasasabi ko. Madalas din, nabubulol ako. haha.
5. Hopeless romantic, haha fuck.
6. Madali lang ako malasing, pero malakas talaga loob ko uminom dahil hindi naman ako iinom kung hindi ko pinagkakatiwalaan mga kasama ko.
7. Friendly. Feeling ko lang naman... Kaya madali lang sakin makihalobilo [tama ba?]
8. Mommy's girl
9. Kung nung HS text ako ng text, ngayon madalang nalang. Magrereply lang ako pag feel ko lang, at pag may kailangan ako tatawagan ko nalang yung tao.
10. Ayokong nanonood ng LQ na movies, gusto ko HQ. Maarte oo, syempre paano maappreciate yung movie kung LQ.
11. Mababaw lang kaligayahan ko
12. Kaya ganun lang din kababaw yung luha ko.
13. Ma-appreciate akong tao. Kahit gano kababaw, naappreciate ko.
14. Naiinis ako pag mabagal yung service.
15. Madalas akong late.
16. Malambing ako.
17. Mahilig akong manood sa sine, pero gusto ko last full show lagi para maganda pwesto plus tahimik pa walang mga bata
18. Mahilig ako sa ice cream; ayoko ng ice scramble
19. Hindi ako mahilig sa music pero kapag may gusto akong kanta, ulit ulit ko lang siya papatugtugin hehe
20. Mahirap akong gisingin, may pagkabatugan ako. lol kababae kong tao.
21. Minsan mabilis ako magsawa.
22. Minsan din, short lang attention span ko sa isang bagay.
23. Mahilig akong mag"haha" ewan ko natatype lang bigla. haha!
24. Meron akong 40+ albums sa Facebook ko, pero 35 ata dun inedit ko yung privacy setting, naka"only me" nalang kasi nainis ako, parang naging photobucket ung FB ko, kaya Facebook ko, dry. :) para chix kunwari hehe
25. Basta masaya ako, wala na akong paki sa iniisip ng iba.
26. Magastos ako.
27. Kapag ako nagmahal, <3 alam na.
28. Mahilig ako sa pc games, online games, card games etc.
29.Mas gusto ko yung Pop, vs coke o kaya vs pepsi.
30. Nilalabas ko talaga kung ano naffeel ko.
31. Kaya minsan nagiging taklesa ako.
32. Nagmumura ako.
33. Gustong gusto ko nagbbeach, pero gusto ko nakakapit ako sa isang tao hahaha! Ayoko ng tumapak sa seafloor kung un ung tamang term, dati kasi nakakita ako ng worm-like-creature dun. kaya pag nagbeach ako, float float float lang, o kaya langoy aso. haahahhaha.
34. AYOKO sa lahat ng gumagapang/nagccrawl. Shiiit last week nakakita ako ng linta sa banyo ko, sorry pero kadiri talaga, :(
35. Maganda handwriting ko, pero drawing, no no no no...
36. Nagpapamanicure, pedicure ako weekly. Yep bisyo ko na yun.
37. Mahilig ako sa chocolates
38. Mahina loob ko sa mga rides na grabe, sa mga horror house. 3 beses na akong naghorror house, sa lahat ng yun nadapa lang ako. kasi nakapikit lang talaga ako so yung kasama ko hinihila lang ako tapos pag nagulat ako sa sound, boom :)
39. Ah, may fear of heights ako. kaya pag sa mall at nasa 4th 5th floor kunwari, hindi ako pumupunta dun sa gitna, yung sa makikita mo yung hangang 1st floor.
40. Ako si miss offline, invi. Sa FB chat madalang lang ako magOL, sa YM, kung OL ako invi, pero may times na online talaga.
41. Mabilis akong magtype.
42. Mabagal ako maglakad. pero depende. :)
43. Naeenjoy ko yung pagsinok ko, haha
44. Somehow, may pagkaweird talaga ako.
45. Pag naghiram ako ng book sa library, sinusulat ko pangalan ko sa isang page.
46. Pag mabait ka, mabait ako, pero pag hindi, rawr. joke hehe
47. Sa classroom lagi ako kumakain, since nadadaanan ko palagi ung carpark, buy muna ako pagkain.
48. Nakapasok ako sa Eng'g ng 2 months+ ng walang ID.
49. Mahilig ako sa flowers
50. Masungit mataray minsan.

Okay ang haba ng introduction, LOL pero yan na yan!

pahabol

51. Nagsusulat nga pala ako ng stories, na korny lang, haha!



the eeeend :) bukas nalang ulit!