Pages

Hello there!




When I'm sad, i write. When I'm happy, i write too! well only sometimes!
When I'm mad, I write again.
When I'm [name it], yes, I write everything:)
I love typing e. hehe.



Enjoy :] though ngayon palang magbibigay na ako ng warning. Halos kadramahan ung nandito because pag masaya ako, or inspired, hindi ako nakakapagsulat masyado, baliktad haha. So mas madaming drama kesa happy moments.

I'm not a good writer nga pala, usually what I write in here dere-deretso ko lang tinatype and I dont proofread it. At last na, bitin yung ibang kwento, lalo na pag inatake ako ng katamaran.


P.S.

thank you sa pagdaan dito sa blog ko

love,

Tuesday, June 28, 2011

Day 14 - What makes me laugh

I think pwede kong sabihin na mababaw lang akong tao. haha! Ang babaw ng kaligayahan ko kaya ang bilis ko lang natatawa. A simple punch line can really make me laugh, even korny jokes too. Actually gusto ko talaga pag may bumabanat. Haha!

Here are some of the text jokes na tinawanan ko talaga. Yung fone ng kadorm ko daming jokes e, kinalkal ko tapos un, ang korny ko nga daw kasi natatawa ako dun.


1. Boy: Balita ko namatay boyfriend mo ha, pwede ba ako pumalit sa pwesto niya?
Girl: Ewan ko lang kung papayag yung punerarya. [HAHAHA]

2. Suicide, homicide, insecticide, lahat nalang pamatay. Kung kaligayahan ang hanap mo, bakit di mo subukan by my side? [hahahahaha.]

3. Habang kumakain ng hapunan...
Anak: ma... buntis ako. Hindi na ako makakagraduate, mahirap po ba magbuntis?
Nanay: Mas mahirap maging ina, lalo na sa katulad mong ambisyoso kang bakla ka. [lmfao]

4. Huwag mo ng subukan basahin ang laman ng puso't isip ko, baka kasi magsawa ka sa pangalan mo ΓΌ [ganyan ang banat! :)]

5. Love just one person and just taste the rest, este take the risk. [the fuck malandi hahaha]

Pero eto ung superduper like ko:

6.
Scene: the dad's holding 2 toys
Dad: barbie o superman?
Son: Superman dad!
Dad: Good!!!! (then the dad left)\

Son: GWAPO MO TALAGA SUPERMAN, bakat na bakat syet. [haaaaaaaaaaaahahahahahaha.]


the end :)

Sunday, June 26, 2011

Days 10, 12, and 13

Day 10 - What I wore today

Gray shorts, yellow sleeveless top, jacket. Nag grocery lang naman e. :)

Day 12 - What's in my bag

Pens, Phone, Lipstick, Blush-on, brush, tissue, eyeliner, concealer, calculator, candy wrappers, money, band aid, receipts, at kung anu ano pa.

Basta sa bag ko, walang wallet, walang panyo. Kasi hindi ako nagwawallet, at hindi ako nagpapanyo. Wala ding foundation o kaya face powder kasi ayokong gumagamit nun everyday.


Day 13 - Last week 

Hmmm. list ko nalang mga ginawa ko last week kasi dinner na daw kami.

1. Monday - Sinundo namin mommy ko sa DMIA, ang liit ng airport sa clark. haha. 
2. Tuesday - Nagtapsi kasama classmates.Long day, pumasok ako ng 10-12, 4-6, 7-9
3. Wednesday - Kinuha yung bagong uniform sa Eng'g. Nakasalubong ko si E. Sa loob ng uste, makasalubong ko na lahat, as in lahat lahat na, siya lang ayoko makita ever. Dinalaw pala ako ni Jam sa dorm nung day din na to. Namiss ko siya super!
4. Thursday - Gumising na naman ng 7am, sobrang nagenjoy ako sa Marriage class. Then umuwi ako ng 2pm, non stop na yung ulan, kinagabihan, baha na. Nakita ko din pala si crush, ayun nahuli ko nakatingin sakin hahahahahahaha. I am telling the truth. Pero wala lang yun. 
5. Friday - BUM sa dorm. Kasi baha baha baha baha baha. Nagpaikot ikot lang sa dorm. 
6. Saturday - umuwi ng pamps. Sinundo ako sa bahay ng friends ko ng 9 30pm. Pumunta sa bahay nila Jed kasama sila Bea and others pero nagpahatid din ako sa bahay namin ng 2:30am. Learned how to play Russian [good, better, best]. I know how to play pusoy, pero kasi ung russian nakakaloka isang bagsakan lang. 
  
   
Day 11 - tsaka na. :)

Foul.

www.urbandictionary.com/define.php?term=foul 

I call it foul and I'm referring to what my roommates did last Friday night.

They called Paul and said "Pinapatanong daw ni Sab kung kamusta daw dyan sa dorm". I was really fucking shocked na napamura talaga akong "leche kayo". Nagmumurahan naman kami palagi, pero nung time na yun, I meant it.

I cant understand why they did that. They're supposed to be my friends, and friends don't embarrass you sa ex mo, of all people naman dba. So okay, let's say trip lang nila, I say it was not a good trip, or a nice joke. Kapwa ko pa naman silang babae, I mean, I can't stand it na nagmumuka akong naghahabol sa kahit kanino. And I think dapat naisip nila na ganun yung lumabas sa ginawa nila.

I'm reallyx100 upset because of what happened.

Unang una, Paul and I are okay. We're not friends as in friendly friends but in my point of view, we're okay. Casual lang.  Pangalawa, alam naman nila na break na kami.

Araw araw, minimention nila si Paul. Nung una sabi ko wag na nilang gawin yun kasi bakit pa, tapos na kami and masaya na ako, masaya na siya, ata. And diba bakit pa nga talaga? They would say "sana kayo nalang ulit" "mas bagay kayo" "ang pangit ni ----"

Then eto pa, Journ yung tatlo kong roommates, and fans ata sila ni Paul. May mga classmates sila na bumibisita sa dorm namin, pinapakilala nila ako "o yan ex ni Paul" before even saying my name. Honestly, I don't like it because parang I'm being labeled. Pero hindi ako nagreklamo ni minsan, ayos lang. E kasi kilala naman talaga siya.

Tapos one time, meron silang isang classmate, lalake. He wants to meet me daw kasi he likes this girl na nalilink again kay Paul. So parang gusto ng guy na icompare ako dun sa girl. Kahit na alam ko na macocompare lang ako, majujudge ako, nagpakilala pa din ako. Naweirduhan talaga ako and parang ano ba tong mga kadorm kong to. Pero sige go lang, hindi ako nagsalita kasi yung guy kabarkada naman nila e.

 Kaso what they did nung Friday night, yun, foul talaga.

Minsan Lang Kita Iibigin

Nahawa ako sa mommy ko kakapanood neto kaya hangang sa dorm pinapanood ko na din to. Ang ganda ng story tsaka nakakakilig talaga. Galing talaga ni Coco at Maja :)





Sayang e, ung nakakakilig na video hindi ko ma-embed dito dahil sa facebook nakaupload.

Friday, June 24, 2011

T is for Tipsy Tapsi Tuesday night :)

Kasama mga classmates :)

Photo flood :) 






Buhat :)

Kagabi kasi nagluto kami sa dorm ng embutido[ganyan ba spelling?], longganisa at tsaka corned beef. Tapos bumili kami ng rice sa baba.

Nakita ko sa kalsada yung mag boyfriend siguro kasi buhat ni guy si girl tapos si girl yung may hawak ng payong.. Sobrang nakakainggit... haha 

But then naisip ko may bumuhat na nga pala sakin ng ganun...

April 4 ata yun or April 3.. Nag Wishing Well kami, inuman + ktv. Apat kami nun, kasama dun si cake guy [nakwento ko na siya ng kunti sa isa kong post].. Kaso si Bea, sinundo ng 1am, e madami pang pagkain and may 1 hr pa kami. Sayang naman if aalis na kami. So sinabi ko kay Jed and cake guy na ihatid nalang nila ako sa bahay namin kasi nahihiya na ako pasundo sa daddy ko dahil mga 2+am pa kami matatapos.

Sira yung car ni cake guy nun kaya nagcommute lang kami. 1st time ko sumakay ng jeep ng nakainom haha. ang ingay ko daw sabi nila.

tapos nung bumaba na kami sa jeep, lakad lakad kunti, then maya maya kailangan na namin tumawid. E kinakabahan si Jed and cake guy na patawirin ako kasi nahihilo ako.

so si cake guy, umupo sa harapan ko. bubuhatin niya nalang daw ako.

tapos un nga, piggy back ride...


like this.. haha pero ung nasa right side naman haha!

sweet sweet din nun!! :)

When you least expect it...

dun mo makikita yung taong ayaw mong makita.

I wonder why... 

Monday, June 20, 2011

When it's raining like this...

gusto ko ng kayakap...

<3 

Dahil natouch talaga ako...

Nakakatouch yung mga supervisors ko sa LuenThai :(

Nakakamiss talaga yung mga kwentuhans pati pag yung nakikipagchikahan kami sa production lines. Plus ang dami ko talagang natutunan sakanila.. Hay. Mejo nagsisisi na tuloy ako bakit 90 hours lang yung tinapos ko.

Sunday, June 19, 2011

Day 9 - My beliefs

About life: It is never fair yet it is worth living.

About love: It is really PATIENT and KIND. It is worth fighting for.

About people: They don't come and go, their roles in your life just change thru time.

About destiny:  It may be inevitable, but it may also be in our hands. Ironic.

About mistakes: They always teach us a lesson.

LEECHe. :(

tangina. haha! may linta na naman sa CR ko. :( Sorry pero diring diring diring diring diring diring diri talaga ako sa mga linta. Mas okay pa sakin makakita ng ipis, mapapatay ko pa yun, basta wag lang nagccrawl. Promise. Kadiri. :( tapos tulog na yung daddy ko so walang kukuha nun :(( fuck.

Ayoko na mag CR sa cr ko, nakakapraning. Like nung May, kahit na naalis na yung linta, nakakapraning pa din. Bago ako maligo itatabi ko muna yung shower curtain, then ung bathtub kung meron ba o wala, pati ung basta ung buong cr.

Kadiri talaga :(

Thursday, June 16, 2011

Day 8 - Sad Moment

Grabe! Nasa day 8 palang ako! haha.

SAD MOMENT, KAPAG NAREREJECT YUNG TOPIC. fuck. So 5th year na, wala kaming thesis pero may project feasibility study kami. We have to innovate a product tapos imamarket namin siya. We'll study if it's gonna be mabenta o walang kwenta lang.

So kunwari, tagal tagal mong inisip yung isang product, tapos yung prof habang binabasa ung proposal mo, ung makikita mo ung muka niya na hindi mo maiintindihan tapos sasabihin, "rejected" o kaya "meron na yan e", "mag isip pa kayo" "ang babaw naman"  ouch kaya.

Pero ngayon, hay buti nalang at ok na, naaccept na yung 3 proposals namin. Wuhoooo.


P.S.
Gustoooo ko ng ipost yung video namin ng kadorm ko! haha soon!

Tuesday, June 14, 2011

Day 7 - Happy Moment

Random happy moment, hmm.... nung tumatawa yung mga audience sa mga acts/scenes ko nung nagstage play ako 5 years ago. Yung New Yorker in Tondo. Lol. Comedy kasi siya, so ang sarap sa feeling pag may napatawa ka. Meaning, na act mong mabuti yung scene mo. bonnggaaa. 

I miss acting. I miss wearing a lapel and memorizing scripts. I hoooooooooooope bago ako gumraduate, kahit may feasibility study pa ako at kung anu ano pa, makapagstage play ako ulit. :) 

Monday, June 13, 2011

Day 6 - My secret best friend

... or not so secret anymore.

A lot of people naman know who my two best friends are, si Lovely and si Pat. But tonight, I will be writing something about Jam Miranda. Roommate ko since nagcollege ako :)

Para sakin, isa din siya sa mga best friends ko. Promise. Lagi siyang anjan kapag kailangan ko ng kausap, about school, boys, family at kung anu ano pang mga bagay.

Siya din yung sumasama sakin kumain somewhere pag nakauwi ako sa dorm ng nakainom at nahihilo hilo pa. Isa din siya sa mga nag alaga sakin nung nalasing ako sa Fontana last May 7.

Ilan beses din akong umiyak sakanya dahil nga ang drama drama ko pero never siyang nagsawa sakin. Then ngayon graduate na siya, ini-email ko pa din siya at ginugulo.

Basta, she's one of the nicest people na kilala ko. :) 


Chiiisssmis!

Last week habang naghihintay sa prof namin, nakakwentuhan ko yung isa kong classmate at nalaman ko na binabasa niya pala yung blog ko. Everytime na may nalalaman akong nagbabasa ng blog ko gusto ko nalang matunaw, kasi nahihiya ako haha!

Anyway, so uunnn napagkwentuhan namin yung mga nakasulat etc etc.

then kanina, she told me na may nakarating sakanya about sa isa kong post. Chismis. Meron kasi akong pinost dati, kaso binura ko. Tapos may nakabasa nun. Tapos un nga, parang nachismis etc. 

Okay lang naman sakin na pagusapan ung blog ko or kung ano man sinusulat ko, what's NOT okay is yung maling information. tapos biglang kakalat... 


Sunday, June 12, 2011

Ang mga type ng boys...

according to my kainumans sa Tapsi nung Friday night...


Last Friday nagjoke lang kami ni Joyce na uminom, tig 1 bottle lang since first week palang sa school sobrang nakakastress na. Kasi kelangan namin magisip ng product para sa Feasibility Study namin. E putcha lahat na ata ng product na maisip namin meron na sa market :(

Anyway, so yun nga, ako, si Joyce at si Tin nagTapsi. Pero nakita ko ang daming Eng'g dun. Wow tambayan ba ng mga Eng'g un?

Sa katabi ng katabi ng table namin, nandun yung ka-PE ko dati, si Julius, plus yung dati kong classmate na si Pones, may kasama silang dalawang friends na boys din. So pinalipat nila kami ng table. Lumipat naman kami sakanila para masaya.

So yun, kamustahan etc, nagpakilala, kwento kwento etc.  Inom inom. Pero pinabalik ko din agad sa dorm yung kapatid kong si Tin kasi yung pinaguusapan namin mejo pang 5th yr na. Edi 6 nalang kaming natira.

Lahat kaming 6, single. Tapos tinanong ng mga boys kung ano daw ba yung gusto naming mga girls sa mga boys. Syempre sinabi namin na dapat ang boys ganito ganyan. hangang sa tinanong din namin kung sila ba anong gusto sa girls. HAHA! Mali pala, hindi gusto, UNANG tinitignan pala.

nagBRAINSTORMING  talaga kami lol.

At eto yung mga sinabi nila:

1. PAA - gusto daw nila malinis. Lol natawa ako kasi parang, seriously tinitignan niyo paa namin? hehe.
2. BUHOK. - gusto daw  nila bagay mo yung buhok mo, ayaw daw nila ng biglang magiiba ung itsura tapos hindi naman pala bagay.
3. PORMA - ayaw daw ng sobrang simple, ayaw din daw ng sobrang madaming kaartehan. sa make up naman, yung tama lang daw. Kasi ung iba daw girls dinadala lang sa make up ung ganda.
4. MABANGO - kahit daw amoy shampoo lang, haha!
5.  MAKINIS - ayaw daw nila ng may kagat kagat ng mga lamok, at kung anu ano pa.

So syempre sabi namin "sus daming sinabi e pagkasexy naman una niyong tinitignan at tsaka kung maganda ba o hindi"

sabi nilang apat, "GIVEN na yun". okaaaaay. Boys. will. be. boys.

then nagtalo pa kami kung sino yung manloloko, yung BOYS o yung GIRLS. haha! sooo eto yung mga sinabi nila.

A. Ang mga lalake parang kotse lang yan, madaming pinupuntahan pero isa lang inuuwian - Julius

B. Ang mga lalake parang billiards lang yan, mashoot man ang unang 8 bola, yung 9th ball pa ang makakapagpanalo ng laro - Pones [nakainom na ako nung pinagsasabi sabi nila yan so di na yan exact words]

C. Ang mga lalake parang jeep lang yan, madaming stopovers pero isa lang byahe. - Ray

fun friday inuman night talaga :)

eto kunting pics. hehe dalawa lang pala

Ang 1st yr kong kapatid, tikim lang!

Isa and Joyce

Friday, June 10, 2011

Day 5 - yesterDAY.

I was supposed to go online last night to make kwento about my day kasoooo ang dami kong ginawa. haha. So ngayon yung ikkwento ko about yesterday :D kasi nakakakilig.

May class ako dapat kahapon ng 10-11 kaso hindi dumating prof then 11-12 break.. Nung mga bago mag 11 pumunta kami ng friend ko sa cr. At habang naglalakad ako may nakaupo na parang gwapo ATA dun sa may Chem lab. Yung chem lab katabi ng cr. tapos nagCR na akoooo. then pagbalik ko habang naglalakad ako, nakita ko nakatingin sakin. Shiiit gwapo nga. haha!

Maputi plus hotness overload.

Soooo ako tumingin din sakanya, landi hehe. Pero tuloy tuloy lang ako sa lakad ko hangang sa nalagpasan ko na siya.

then bumalik ako sa classroom dahil wala pa naman 11. tapos nakipagdaldalan lang ako ng daldal dun sa mga classmates ko.

tapoooos may pumasok na lalaki, umupo sa tabi ko. E sa kakadaldal ko hindi ko napansin kung sino. Tapos maya maya napatingin na ako sakanya. haha shit kinikilig ako.

Si cruuuush! Umupo sa tabi ko, wtf? dami kayang vacant seats bakit sa tabi ko pa umupo :"> 

so fineel ko na talaga pagkakaupo ko sa tabi niya since siya naman yung tumabi. Sila pala ung gagamit ng room namin kaya andun na siya.

tapos dumating na iba niyang classmates so umalis na kami.

edi syempre paglabas namin ng room sabi ko sa mga classmates ko na crush ko yung tumabi sakin, tapos sila naman pinagaano ano ako ang swerte ko daw kasi nga ang gwapo daw talaga nun.. nainggit sila!!! haha!

KASOOOO... nalaman ko na 3rd year palang ata yun, sayaaaaang!!! pero basta happy day yesterday kasi kinilig talaga ako. I am so mababaw talaga. :))

Wednesday, June 8, 2011

Day 4 - Love

Love is when you follow your heart even though your mind tells you not to. It's when it doesn't matter what the other people say or think. It's when you can sacrifice your own happiness for the person you love.

Saturday, June 4, 2011

Day 3 - My Parents

"There is no friendship, no love, like that of the parent for the child."

Sa sobrang daming gusto kong sabihin about them, hindi ko alam kung saan ako magsisimula. haha. Basta, I love my parents soooo much! Feeling ko hindi ko kakayanin pag nawala yung isa sakanila.

Close talaga ako sa parents ko, especially sa mommy ko. Tabi pa nga kami matulog minsan e. :) 

Since sa Manila na kami nagaaral ng mga kapatid ko, pag umuuwi ako tinatanong ako ng mama ko palagi kung anong gusto kong pagkain, tapos kung ano yung sinabi ko yun yung lulutuin niya. Tsaka gusto ko din kay mama pinapamanicure pedicure niya ako weekly. hehe. hindi niya binabawas sa allowance ko, buti nalang :D 

Yung daddy ko naman, kahit san ako pumunta ihahatid niya ako. Hindi siya strict, ayaw niya lang na magcommute ako. haha!!! Nung minsan nga naguilty ako, nagpahatid ako sa isang inuman na place somewhere in Balibago, Angeles... tapos nagpasundo ako ng 3am. haha ginising ko pa talaga daddy ko para sunduin niya ako. Tapos bibigyan niya pa ako ng extra money pala pag may lakad ako minsan. 

Basta, love na love ko pareeeents ko! <3.  

Friday, June 3, 2011

Day 2 - My First Love

"Lucky is the man who is the first love of a woman"
I couldn't agree more.  


The title of this blog post is so funny but i'll still write something about it anyway.

I was just 14(the fuck)  when I first met him. It was our intramurals kaya masaya yung atmosphere sa school.  So my firends and I were sitting near the right side of the stage, chattering, laughing and playing. And there's this industrial fan kasi, nasa tapat kami nun kasi mainit sa school namin, then yung friends ni first love sat near the fan as well. Then he approached me, asked for my name and blahblahblah.

Hangang sa we started texting and after quite some time  He asked me kung pwede daw maging kami sa text[so korny, yuck lol what was I thiniking 7 years ago?!], ako naman si ewan pumayag ako hangang sa he asked me na kung pwedeng kami nalang daw talaga as in sa real life and all.. At dahil gwapo naman siya, at na-crush ko siya that time, I said yessss.

We would always go to the malls and watch a movie. Sa school naman we don't usually talk a lot kasi we were not magclassmates, section 2 siya haha!  Then hinahatid niya ako sa bahay namin pag uwian na.

Ahh! We're both online gamers kasi, until now naman e, so dati after school we would go to "Beat Machine" internet cafe and play Ragnarok. One of the things na I liked about him nga pala is yung paglaro niya din ng Ragna.

Haha! Nakakatawa, I just remembered na gangster gangster siya dati [totally wtf???]. One time he visited me sa bahay, he was full of pasa :( Dirty South pa nga ata name nung gang na yun. Umiyak pa nga ata ako when I saw his back, kawawa kasi siya. LOL

And there was this funny moment also, when we almost got caught  in the house. Of course I was just 14 then so I wasn't allowed to have a boyfriend yet. It was Saturday, tapos hindi ko alam na sa bahay pala magla-lunch si papa. Nagulat nalang ako nung bumusina siya. So etong si boyfriend, my god nagmadali kami papunta sa likod na gate at dun siya umalis. whew. thank you gate sa likod hehehe.

Ayyyy yaaaaaah! Ung SUN nagsisimula palang nun, lol nagsun talaga kaming dalwa. okay, thooose days.

Then nung nagDecember na, he gave me a necklace, na may heart na pendant. Ang sweet sweet talaga nung sinuot niya sakin yun! Kaso yung necklace na yun, :( wala na, nawala ko, sayang nga e.

Anywayyyy he was my first love, first kiss, first date, etc, and first hearbreak. hahahahaha. I can't believe na he cheated on me! Huling huli ko pa! nagfriendster kami sa bahay namin, he opened his account tapos may message yung isang girl, C yung name nakalimutan ko na. Pero eto funny, small world talaga. Because yung girl na yun, Thomasian din, kakilala siya ng kadorm ko, tapos sa PNoval din ata siya nagdo-dorm. So yung kadorm ko tinuro siya, hahaha!

Nakipagbreak ako sakanya syempre tapos never kami nagkabalikan. Sobrang lagpas 20x na ata niyang tinry na makipagbalikan sakin since high schooooool, plus pa nung tinry niya ulit last year. Believe ako sakanya kasi di siya napapagod or nagsasawang makipagbalikan sakin e di ko naman pansin hehe.

Last year, March 1 2010, nagkasalubong kami sa daan. After we graduated from hs, hindi na kami nagkita so nung nagkasalubong kami, napatingin talaga ako sakanya. Same pa din itsura niya, gumwapo nga lang :D  tapos sa isip isip ko nun "teka ex ko yuuun ha!" tapos yuuuun.

Nagmessage siya sakin nung night ng March 1, asking me kung ako ba talaga yung nakasalubong niya, blahblah tapos nagtext ulit kami. Kaso grabe naman siya magtext, gusto every minuuuute! E ako, tamad talaga ako magtext so hindi ko siya nirereplyan! hehe.

Then tinry niya ulit akong kulitin nung July last year, kaso yung isa niyang kabarkada na classmate/schoolmate ko since gradeschool, nagd-date kami dati tapos pumunta sa bahay may dala dalang cake asking me kung pwede niya ako maging girlfriend LOL. ibang kwento na yuuun, pero un basta.

4 days after ng cake incident, uminom kami ng barkada ko sa Courtyard, basta sa Angeles, tapos andun din si first love, at si cake-guy. So si cake guy pinuntahan ako sa table namin usap usap ganyan, tapos maya maya umalis siya lumipat table. Tapos etong si first love sinundo ata ako sa table namin usap daw kami sa labas. Parang awkward kaya nun, hindi ko alam gagawin because magkabarkada sila ni cake guy, tapos ako... basta.

So nung nasa labas kami, pin-in niya ako sa wall. Parang movie naman mga love story bakit kaya hahaha. Sabi bakit daw hindi ko siya nirereplyan blahblah. tapos sabi ko, ay bahala ka, si cake guy pumunta sa bahay blahblah pinagiisipan ko kung bigyan ko ba chance si cake guy o hindi. tapos sabi ko kay first love, toooooo LATE na kasi siya. HAHA.

Thin-reat pa nga niya ako na pag daw naging kami ni cake guy di na daw siya ako kakausapin ever, as if daw hindi ako nageexist sa world. Ok???????????? parang seryoso ba siya, ako pa ung gaganunin niya haha. so pagkasabi niya nun walk out ako syempre, tapos siya naman habol habol hinawakan pa ako sa braso haha. nakakatawa talaga un, bakit kasi ang liit ng mundo nagkitakita pa kami dun.

Anywayyyyyyy, wala naman nangyari after nun. I mean, nagexplain ako kay cake guy na hindi pa ako ready kasi hindi naman talaga, tapos si first love sabi ko, hindi din na talaga pwede kasi parang ayoko lang..

So ngayon, as in ngayon, present, I think we're good friends. Si first love nakapoker ko na sa bahay nila Jed. Natalo ko pa nga siya. Tapos wala na, pinagkwentuhan nalang namin yung mga dati naming ginagawa nung HS pa kami, parang okay na talaga lahat.

It's nice na okay na talaga. :)

haaaaaaay, first love nga naman <3

Wednesday, June 1, 2011

Day 1 - Introduce Yourself

Now how and where should I start introducing myself? haha! Well sige let me start with the basics. I'm Catherine Isabel Vasquez Albelda, 21 years old, was born on February 9 1990, lives in Pampanga but studies in Manila.

Okaaaay, gagawin ko nalang ulit list to para hindi ako mahirapan... haha

1. Panganay ako
2. Payat lang ako :(
3. Normal nalang saakin matulog ng late, natulog ako ng bago magmidnight, meaning may importanteng lakad the next day
4.  Abnormal ako magsalita, minsan may sarili talaga akong language, pag naman natetense ako kung anu ano nalang nasasabi ko. Madalas din, nabubulol ako. haha.
5. Hopeless romantic, haha fuck.
6. Madali lang ako malasing, pero malakas talaga loob ko uminom dahil hindi naman ako iinom kung hindi ko pinagkakatiwalaan mga kasama ko.
7. Friendly. Feeling ko lang naman... Kaya madali lang sakin makihalobilo [tama ba?]
8. Mommy's girl
9. Kung nung HS text ako ng text, ngayon madalang nalang. Magrereply lang ako pag feel ko lang, at pag may kailangan ako tatawagan ko nalang yung tao.
10. Ayokong nanonood ng LQ na movies, gusto ko HQ. Maarte oo, syempre paano maappreciate yung movie kung LQ.
11. Mababaw lang kaligayahan ko
12. Kaya ganun lang din kababaw yung luha ko.
13. Ma-appreciate akong tao. Kahit gano kababaw, naappreciate ko.
14. Naiinis ako pag mabagal yung service.
15. Madalas akong late.
16. Malambing ako.
17. Mahilig akong manood sa sine, pero gusto ko last full show lagi para maganda pwesto plus tahimik pa walang mga bata
18. Mahilig ako sa ice cream; ayoko ng ice scramble
19. Hindi ako mahilig sa music pero kapag may gusto akong kanta, ulit ulit ko lang siya papatugtugin hehe
20. Mahirap akong gisingin, may pagkabatugan ako. lol kababae kong tao.
21. Minsan mabilis ako magsawa.
22. Minsan din, short lang attention span ko sa isang bagay.
23. Mahilig akong mag"haha" ewan ko natatype lang bigla. haha!
24. Meron akong 40+ albums sa Facebook ko, pero 35 ata dun inedit ko yung privacy setting, naka"only me" nalang kasi nainis ako, parang naging photobucket ung FB ko, kaya Facebook ko, dry. :) para chix kunwari hehe
25. Basta masaya ako, wala na akong paki sa iniisip ng iba.
26. Magastos ako.
27. Kapag ako nagmahal, <3 alam na.
28. Mahilig ako sa pc games, online games, card games etc.
29.Mas gusto ko yung Pop, vs coke o kaya vs pepsi.
30. Nilalabas ko talaga kung ano naffeel ko.
31. Kaya minsan nagiging taklesa ako.
32. Nagmumura ako.
33. Gustong gusto ko nagbbeach, pero gusto ko nakakapit ako sa isang tao hahaha! Ayoko ng tumapak sa seafloor kung un ung tamang term, dati kasi nakakita ako ng worm-like-creature dun. kaya pag nagbeach ako, float float float lang, o kaya langoy aso. haahahhaha.
34. AYOKO sa lahat ng gumagapang/nagccrawl. Shiiit last week nakakita ako ng linta sa banyo ko, sorry pero kadiri talaga, :(
35. Maganda handwriting ko, pero drawing, no no no no...
36. Nagpapamanicure, pedicure ako weekly. Yep bisyo ko na yun.
37. Mahilig ako sa chocolates
38. Mahina loob ko sa mga rides na grabe, sa mga horror house. 3 beses na akong naghorror house, sa lahat ng yun nadapa lang ako. kasi nakapikit lang talaga ako so yung kasama ko hinihila lang ako tapos pag nagulat ako sa sound, boom :)
39. Ah, may fear of heights ako. kaya pag sa mall at nasa 4th 5th floor kunwari, hindi ako pumupunta dun sa gitna, yung sa makikita mo yung hangang 1st floor.
40. Ako si miss offline, invi. Sa FB chat madalang lang ako magOL, sa YM, kung OL ako invi, pero may times na online talaga.
41. Mabilis akong magtype.
42. Mabagal ako maglakad. pero depende. :)
43. Naeenjoy ko yung pagsinok ko, haha
44. Somehow, may pagkaweird talaga ako.
45. Pag naghiram ako ng book sa library, sinusulat ko pangalan ko sa isang page.
46. Pag mabait ka, mabait ako, pero pag hindi, rawr. joke hehe
47. Sa classroom lagi ako kumakain, since nadadaanan ko palagi ung carpark, buy muna ako pagkain.
48. Nakapasok ako sa Eng'g ng 2 months+ ng walang ID.
49. Mahilig ako sa flowers
50. Masungit mataray minsan.

Okay ang haba ng introduction, LOL pero yan na yan!

pahabol

51. Nagsusulat nga pala ako ng stories, na korny lang, haha!



the eeeend :) bukas nalang ulit!

30 Days of Writing

Nakita ko to somewhere, and I think na maganda gawin to, wow dba 30 days of writing. :) Start ako later.


1 - Introduce yourself
2 - Your first love
3 - Your parents
4 - Your day
5 - Love
6 - Your best friend
7 - A happy moment
8 - A sad moment
9 - Your beliefs
10 - What you wore today
11 - Your siblings
12 - What's in your bag
13 - This week
14 - What makes you laugh
15 - Your first kiss
16 - Your dreams
17 - Your favorite birthday
18 - Your favorite memory
19 - Your favorite place
20 - Something you regret
21 - Something that upsets you
22 - Something that makes you feel better
23 - Something that makes you cry
24 - Something that you miss
25 - Your lover
26 - Most painful breakup
27 - Second chance
28 - Your fears
29 - Your aspirations
30 - One last moment