Pages

Hello there!




When I'm sad, i write. When I'm happy, i write too! well only sometimes!
When I'm mad, I write again.
When I'm [name it], yes, I write everything:)
I love typing e. hehe.



Enjoy :] though ngayon palang magbibigay na ako ng warning. Halos kadramahan ung nandito because pag masaya ako, or inspired, hindi ako nakakapagsulat masyado, baliktad haha. So mas madaming drama kesa happy moments.

I'm not a good writer nga pala, usually what I write in here dere-deretso ko lang tinatype and I dont proofread it. At last na, bitin yung ibang kwento, lalo na pag inatake ako ng katamaran.


P.S.

thank you sa pagdaan dito sa blog ko

love,

Wednesday, May 11, 2011

OJT = over

NO MORE WAKING UP AT 7AM! HAHA MY OJT'S FINALLY OVER!

Walang araw na pumasok ako sa ojt ko na matino ung tulog ko. 8am pasok ko, 20 minutes yung byahe tapos 7am ako gumigising. Hindi na ako nakakapagalmusal sa bahay, kaya pati ung gawain ko sa UST na pagtakas ng pagkain sa classroom [kumakain habang may prof], ginawa ko din sa ojt. Gumagawa ako ng sarili kong breaktime dun, haha.

Anyway, nakakatuwa kasi yung mga tao dun ang bait, sobra! Everyday pag papasok ako babatiin nila ako ng good morning, etc.

Tapos pag magtime study ako dadaldalan ako ng mga sewers, kaya kahit na isang oras na ako nakatayo dun hindi ko namamalayan.

Tapos hindi ko na mabilang kung ilang beses natanong sakin to "anong pangalan mo?" "san ka nagaaral?" "saan ka nakatira" "bakit dito ka nagojt"  "dito ka na ba magttrabaho?" "may boyfriend ka na ba?" "ilan taon ka na". Parang grabe, araw araw talaga may nagtatanong sakin, na nagustuhan ko kasi nga diba naiilang ilang ako dun, dahil extra extra lang naman nag ojt dun, diba? Pag kinakausap ako ng mga sewers, narerelieve talaga ako.

At hindi ko na din mabilang ung mga tawag nila sakin, may "Isabel" buo haha, Isa, Isai, Say, Cat, pinakamalala Catherine, Bel. haha!

Tapos kapag uwian ko na, 4pm, breaktime naman ng mga sewers. So pag uuwi na ako, "ingat ka" "pasok ka bukas ha" "merienda na" at kung anu ano pa.

Then merong times na nagsisinungaling ako, pati mga supervisors ko. Ung mga sewers kasi dun halos ka-age ko lang. so may mga nanghihingi ng number ko, so minsan sasabihin ko "ay magagalit boyfriend ko" o kaya ung supervisors ko sasabihin "may boyfriend na yun noh". Kasi naman, meron nagbigay sakin ng papel, lagay ko daw dun number ko. Meron isa, deretsong cp talaga, meron isa sa tape naman. lahat na.

Then sa morning pala, magaalarm ako, tatawagan ako ng mommy ko, at gigisingin ako ng daddy ko. Kelangan talagang madaming pang gising dahil 2 3 am padin ako natutulog! haha.

Hay ang saya, tapos na ako sa ojt! Ang hirap pala mag work :(

I'm gonna miss a lot of nice people nga lang dun.. Pero oks lang, I can visit naman anytime :)