Pages

Hello there!




When I'm sad, i write. When I'm happy, i write too! well only sometimes!
When I'm mad, I write again.
When I'm [name it], yes, I write everything:)
I love typing e. hehe.



Enjoy :] though ngayon palang magbibigay na ako ng warning. Halos kadramahan ung nandito because pag masaya ako, or inspired, hindi ako nakakapagsulat masyado, baliktad haha. So mas madaming drama kesa happy moments.

I'm not a good writer nga pala, usually what I write in here dere-deretso ko lang tinatype and I dont proofread it. At last na, bitin yung ibang kwento, lalo na pag inatake ako ng katamaran.


P.S.

thank you sa pagdaan dito sa blog ko

love,

Tuesday, April 26, 2011

Twenty Five things to do before I turn 25


1. Graduate. Hindi biro ang kumuha ng 5 year course noooh, at hindi biro ang mga Calculus, Physics, Mechanics, ELECTRICAL Engineering at iba pang subjects. At 5th year na ako sa pasukan, sooo March 2012 dapat hello diploma <3


2. Love. Of course, kapag ready na ako ulit, gusto ko ulit mainlove kasi masayang in love :] pero sana travel person si future para masaya.

oops lalake pala to. may kamuka siya.

3. Travel. Before ako mag25, dapat makapag around the Philippines ako. Gusto kong pumunta sa Palawan, Puerto G, Cebu, Batanes, Vigan, Tarlac[yung tacsyapo ata un], Hundred Islands, sa Corregidor ulit dahil nakakainlove ung place, sa Legazpi, Bohol, Dapitan, Iloilo, at kung san san pa hindi ko maenumerate, basta around the Phil nga e. haha.. Plus dapat bago ako mag25 makapunta ako somewhere outside the Philippines. Ang sarap magplano. haha.


4. Work. Nangangarap lang din naman ako ngayon, susulitin ko na. Gusto kong magkawork kung san ako mageenjoy, hindi mabobored dahil paulit ulit ung ginagawa at syempre maganda yung sweldo. Kasi dba, magtratravel nga ako pagkagraduate ko so need ng pagkukuhanan ng pera :]


5. Cook. I definitely need to learn na how to cook. Syempre, gusto ko si future mapagluluto ko na. Para bongga. Kaso kasi mejo tamad talaga ako magluto, ang tagal tagal mo kasi siyang gagawin, hiwa hiwa, babadbabad, chopchop, tapos ilang minutes mo lang naman kakainin. dba?

6. Write. Sana naman, matapos ko na lahat ng sinusulat ko. :|

7. Thrill ride. Hindi ko alam kung madaming nakakaalam na meron akong FEAR OF HEIGHTS [Acrophobia]. Ilang beses na akong nagEnchanted pero hindi pa din ako nakakasakay dun sa Space Shuttle, tapos nung nagFerris Wheel ako dun halos mahimatay na ako kaya tinigil yung Ferris Wheel para maibaba ako. Lol embarrassing moment talaga. Pero sana, makasakay na nga ako para mathrill ang buhay haha


8. Read.  I've always loved reading, ewan ko bakit ngayon ang tamad tamad ko magbasa. Pero eto ung mga gusto kong basahin talaga: Love in the Time of Cholera,  Pride and Prejudice, The Alchemist [ulit] and kahit isang book ng favorite author ni mama.

9. Complete my SASS collection. Need I say more?

10.  Drive. Ilang taon na akong nagdadrive, pero yung Automatic lang, hahaha kasi hindi ako natutong magManual, e pano pag emergency tapos ung kotse lang na nandun ung manual dibaa? tsaka para masabi ko talaga na nagdadrive ako. Parang joke time kasi ung sa automatic, bump car hehehe

11. Parallel Parking. I really suck at this grabe. Pag nagpapark ako gusto ko paharap nalang, or patalikod, hirap na hirap talaga ako na isisingit mo ung kotse sa gitna, pero pag malaki ung space ok na ok, pero kapag sakto lang, hahanap nalang ako ng ibang parking. hahaha. Pero syempre sa Manila ko gusto magwork so dapat talaga ako matuto neto.


12. Hot Air Balloon.  Gusto kong sumakay kahit na feeling ko mamamatay ako dun hahaha.





13. Bake. Iba yung pagluluto sa pagbake ng cake. Ang galing ng mom ko magbake, kaya dapat ako din hehe
  

14. Puppy. Bago ako mag 25, dapat meron na akong puppy. Gustong gusto ko kasi talaga magkapuppy kaso dba nakadorm lang ako so yuuuun.
  


15. Stage Play. Because I miss acting on stage already. Ung lapel, ung mainit na spotlight, ung script, ung rehearsals, everything.


lalake ulit. Walang girl :[

16. Scuba Dive. Hindi ako kumakain ng fish, pero gusto ko sila makasama under the sea, pero please wag pating, sure kakainin agad ako nun



17. Quiapo Church. Dapat makakumpleto ako ng simba ng 9 consecutive Fridays, kahit na sobrang daming tao. I'm not super religious, pero gusto ko talaga to. :] And also, gusto ko sana alone ko to gagawin, para madrama 


18. Sunset + boat dateAko na ang cheesy sige. haha. Bakit ba, gusto ko talaga na magdate kami ni future like kunwari pag nagBaguio kami tas ung may irerent na boat, syempre dun lang para mababaw if ever na malaglag kami, oks lang. E pag sa totoong lake, hahaha. dba? 

19.  Simbang gabi. 6 nights lang ata ung pinakamarami ko so far. :[

 20. CIE. Makapasa ng certification, walang boards ang IE pero meron certification.

21. tba 
22. tba 
23. tba 
24.tba 

25. Future. bleh. Ayooooko ngang ishare kung bakit future yan


----- 

So naisip ko lang na gumawa neto, goals, plans etc bago mag 25. Matagal tagal pa naman yuuun kaya madaming time talaga para magawa ko lahat ng to. 21-24 ayoko muna lagyan, kasi reserved siya para sa iba ko pang plano, kasi dba nagbabago ung isip. hahaha.

Basta isang araw, ang next post ko ay checklist, at lahat nakacheck naaaa. <3