Pages

Hello there!




When I'm sad, i write. When I'm happy, i write too! well only sometimes!
When I'm mad, I write again.
When I'm [name it], yes, I write everything:)
I love typing e. hehe.



Enjoy :] though ngayon palang magbibigay na ako ng warning. Halos kadramahan ung nandito because pag masaya ako, or inspired, hindi ako nakakapagsulat masyado, baliktad haha. So mas madaming drama kesa happy moments.

I'm not a good writer nga pala, usually what I write in here dere-deretso ko lang tinatype and I dont proofread it. At last na, bitin yung ibang kwento, lalo na pag inatake ako ng katamaran.


P.S.

thank you sa pagdaan dito sa blog ko

love,

Friday, April 29, 2011

Kwento sa OJT

So ang dami kong gustong ikwento sa mga ginagawa ko sa OJT ko sa LuenThai, Clark. Hindi ko alam kung paano ko ikkwento kaya parang list nalang ulit :)

hindi to in order!

1. Time Study. Tatayo ako ng ilang minuto sa likod ng isang mananahi, habang hawak hawak ko ung stopwatch, pencil, ung clipboard ko tapos kukunin ko kung ilang seconds sila naglalagay ng buttons kunwari, o kung ano mang operation.

2. Non stop daldalan. HAHA.

          A. Kapag nasa office ako sa taas, ung mga supervisors ko makikipagdaldalan sakin. About sa school, sa lovelife ko, sa family, sa plans ko, sa mga tao tao pang iba and etc. Natatawa ako sakanila kasi they would always tease me na ang dami ko daw fans sa baba, hahahaha. Lahat sila mabait sakin sobra.

          B. Kapag nag tatime study ako. Syempre daldal na naman with the sewers, haha. Walang araw na lumipas na walang nagtanong sakin kung saan ako nagaaral, anong pangalan ko, san ako nakatira, kung may boyfriend ba ako and etc. And kahit na napapatagal ung pagtayo ko dahil sa kakadaldal ko sakanila, ayos lang kasi enjoy talaga kausap ung mga tao tao dun. Plus natutuwa ako kasi nakakaflatter ung iba nilang sinasabi.

3. Attendance. Para makuha ko ung attendance ng buong knits department, meron akong pupuntahan na 5 processes. And kada process merong waterspider, well un ung tawag nila saparang extra dun. Ung mga waterspider tinutulungan ako, haha imbis na ako maghagilap sa ilang tao, sila nalang.

4. Read. San ka pa. Nakapagbasa ako ng isang libro dahil wala akong ginawa nung isang araw dun haha.

5. Excel. Excel. Excel. MS WORD + MS PP masasabi kong magaling ako, pero excel, hindi masyado. Pero ngayon naappreciate ko na siya at kahit excel pa kaharap ko sa pc, ok na ako basta nga kaharap ko ung pc. haha! I love typing talaga.

6. Break. Aba't kapag break, break talaga. Mapaschool man, o sa ojt pag kainan time kakain talaga ako. Pero hindi ako tumataba? haha.

Sooo yun na muna ang kwento ko. Basta ang saya sa OJT. Ang babait ng mga tao dun swear. pero meron pa pala. Magdradrama muna ulit ako..


--