Pages

Hello there!




When I'm sad, i write. When I'm happy, i write too! well only sometimes!
When I'm mad, I write again.
When I'm [name it], yes, I write everything:)
I love typing e. hehe.



Enjoy :] though ngayon palang magbibigay na ako ng warning. Halos kadramahan ung nandito because pag masaya ako, or inspired, hindi ako nakakapagsulat masyado, baliktad haha. So mas madaming drama kesa happy moments.

I'm not a good writer nga pala, usually what I write in here dere-deretso ko lang tinatype and I dont proofread it. At last na, bitin yung ibang kwento, lalo na pag inatake ako ng katamaran.


P.S.

thank you sa pagdaan dito sa blog ko

love,

Saturday, April 30, 2011

Funny moment with papa

Nagbabasa ako ng book kanina ng bigla akong tinawag ni papa sa kwarto niya. So humiga ako sa tabi niya then ung cp niya hawak hawak niya. Sabi niya "ano tong mga to ha?"

Yung cellphone niya ung luma kong fone, tapos ung pinakita niya pictures ko haha. Yung isa, kasama ko si Janus del Prado, ung sa One More Chance. tapos yung isa naman kasama ko si Irvin ata name nun, basta ung guitarist naman ng isang band na nagperform sa RnB hahahahahaha.

"Ano tong mga to ha?"
"Pa wala lang yan noh"

Tapos tawa na ako ng tawa ng tawa ng tawa. hahahaha. Kasi naman, wala lang, buti nalang yun lang ung naiwan ko dun sa phone, i mean walang ibang kung ano mang pictures pa na hindi niya dapat makita.

So un, tumatawa akong lumabas sa kwarto

Realization

Yung mga supervisors ko, 23 24 at 26 lang ung age, so mejo nakakarelate pa kami sa isat isa pagdating sa lovelife. Though hindi ko pa alam kung paano ba lovelife kapag may work na, professionals na kayong dalawa, etc. Yung isa, si Ma'am Crisel. Kinalkal ung recent kong relationship. And dahil nga ako AKO, kinwento ko. I would always share kwentos naman about my life, lalo na kapag kashare share naman siya at hindi ko naman dapat itago or something.


After ilang weeks, nung Wednesday ko lang pala ulit nakwento sa ibang tao kung paano kami nagkakilala ni Paul, kung paano naging kami ang all... Tapos may narealize ako. 

Paul and I's relationship was so great, at least nung sa first month namin. I would patiently wait for him na umuwi sa apartment ko galing sa shoot niya, or sa lakad niya with his Varsi friends, then paguwi niya nun sa apartment magpapadeliver na kami ng MCDO, or pupunta kami sa Ministop, o kaya dun sa Barlin kahit na laaaate na. 

Tapos he would always call me kapag may time siya simply because gusto niya lang marinig boses ko, o para magpalambing lang o para wala lang. Ako din, tinatawagan ko siya to remind him about things, to make lambing lang din and etc.

Kapag nakahiga kami sa bed, he would always tell me about his day, how was the shoot, yung about kay Father Rector, ung about sa iba pa niyang events, about sa kinwento niya about me sa friends niya at kung anu ano pa. 

Kapag nakahiga pa ulit kami sa bed, he would always hug me which I really loved and appreciated kasi kahit payat ako and not huggable, hindi siya nagreklamo at talagang hinihigpitan niya pa yakap niya. Ako naman yayakapin ko lang din siya, kasi favorite naming dalawang nagyayakapan. Kunwari nakayakap ako sakanya, tapos gusto ko siya naman yayakap sakin, tatalikuran ko lang siya, instant yun, siya naman yayakap sakin. 

And dahil gusto nga naming magkayakap palagi, matutulog siya sa apartment ko, o kaya matutulog ako sa apartment niya kahit na alam naman naming dalawa na hindi kami makakatulog. 

So sige kwento ko na nga kung paano kami nagkakilala... 

Nung isang araw bago yung Quadri week, nagpunta ako sa exhibit sa main bldg then nakita kong siya ung nanalo ng 1st and 2nd place. Nagjoke pa nga ako nun e, sabi ko baka magaling lang magpicture, at hindi gwapo. Sabi ng kasama ko, add ko daw sa facebook. So inadd ko nga sa facebook, mejo nakakahiya pero naging fan naman kasi ako nung nakita ko yung photos. Tapos pinaglalike like niya ung pictures ko then nagmessage message kami, kasooo ilang araw ako hindi nakapagonline so natigil. 

Then February 1, pumunta ako sa TYK, ung ID room katabi lang pala ng Varsi office, malay ko ba. So while I was waiting dun sa id room, dumaan siya. read here: http://msisabela.blogspot.com/2011/01/isanobera.html yan. siya yan. HAHA.

After nun nagpost siya sa wall ko, and yun na. nonstop chat na kami sa facebook umaabot pa nga hangang 4 5 6 am. tapos uuwi siya ng maaga para magchat kami, kahit na may gimik sila sa Malate nun, hindi siya sumama haha. 

We were excited sa isat isa. Then nagkita kami nung Feb 7 ata. o Feb 8 na yun ng madaling araw. Basta madaling araw. Magkatext kasi kami nun tapos parang sinabi ko na tulog na kami, tas reply niya gusto daw niya kayakap ako matulog, tapos nagjoke kami na magkita kami hangang sa andun na siya sa baba ng apartment ko. Sinundo niya ako. 

Never kong makakalimutan ung kaba ko nun, kasi parang, seriously andito ba talaga siya? anong itsura niya nga kasi ulit? parang ganun nasa isip ko. 

then un na umuwi kami sa apartment niya. Nagkwentuhan kami, we even smoked, then nagpicture picture pa kami sa itouch niya. Then 4am na. Humiga na kami sa bed, nakakatawa talaga kasi nung una dun siya sa kabilang side, dun ako sa kabila, awkward awkward kasi parang nung 1st time na nagkita kami 3 seconds, tapos nung 2nd time magkatabi na agad kami sa bed matutulog. after ilang minutes, yumakap siya and yumakap din ako. haha. hangang sa hindi kami makatulog. Uminom pa nga kami ng Jagermeister e. Sarap. hangang sa nag 5 am na, 6 am, hangang sa magkatalikuran nalang ulit kami, at pumwesto na sa pwestong feeling namin makakatulog kaming dalawa kaso wala. 7 am 8 9 10 11 12 1 ... 3pm may pasok ako so nung 1:30 na sabi ko please iuwi niya na ako dahil syet talaga hahaha may pasok pa ako. That was indeed a crazy night or madaling araw. imagine, hindi talaga kami nakatulog. as in as in. 

soooo un. Hirap talaga kami ni Paul na makatulog pag magkatabi kami sa bed. kahit gano pa siya kapagod sa lakad niya, at gano din ako kaantok na, pag magkatabi na kami wala na. Pero kahit na ganun, un nga mat overnight siya sa apt ko or ako sa apt niya, kahit na alam naming walang tulog na mangyayari, kasi gusto lang talaga namin ng yakap, yakap yakap

E naawa ako kay Paul nun, kasi nga pagod siya sobra pero hindi nakakatulog, e sakin oks lang dahil hindi naman ako pagod dahil samin dalawa siya ung madaming lakad. So tinry naming magsleeping pills, ung Sleepasil. kaso parang sleeping aid lang siya, tutulungan ka lang niya antukin.. Walang effect saming dalawa so  
wala reject. then next na tinry namin, ung real na sleeping pills na talaga. 

Kapag s night niya, ako ung parang magssacrifice, siya ung matutulog, ako ung hindi. Ung sleeping pill kasi na tinry namin nung 2nd time, totoo na siya, as in ung prescripted drug na talaga na kelangan pa ng reseta. 10 mins lang, knoooock out na agad.

Nung S night ko, siya ung nagsacrifice. Sabi ko para makatulog din siya, maghiwalay kami ng bed. dun siya sa bed ni Jam, at dun ako sa bed ko, pero sabi ko gusto ko pagkagising ko nasa tabi kita. And un ngaaaaa. nung 10am nagising ako sa tulog ko at nagulat ako kasi may nakayakap sakin. 

Siguro naman I made myself clear na talaga na adik kami sa yakap dba? and maPDA ako. alam niya un. PDA as in yayakapin ko siya sa labas ng apt ko, sa gate kung san dami dami dumadaan, holding hands etc etc pero noooo passionate kissing naman sa labas, grabe naman un.

okay let's move on. Dati dinadalan ko siya ng food sa office, surprise ko siya, and siya din mahilig magsurprise. basta ang daming surprises na simple lang pero sweet talaga. 

Tapos lagi ko siyang sinusulatan ng loveletters kasi ang korny korny kong girlfriend, cheesy mushy lahat na. and tinatago niya lahat ng un. even ung simpleng notes na parang wala lang like "Paul umalis ako saglit" kapag iniiwan ko siyang tulog sa apartment to buy something or pag papasok ako.

Ay un pala, funny talaga. HAHA. 2 times kong ginawa sakanya na iniwan ko siya sa apartment ko dahil pumasok ako sa school. Pano, ang late namin matulog dahil kami din si puyat king and queen kaya ung gising niya 12 1 ganyan, e ung pasok naman niya 4pm so cool lang. 

tapos pag may kasalanan ako or siya, agad naming inaayos. agad nagiging okay. bumabawi agad sa isat isa... then un.

HANGANG SA.... hangang sa habang tumatagal nagiging kampante na kami sa isa't isa. Siya ok lang na late na na umuwi sa apt ko, ako naman parang lagi ko nalang siya binababaan ng telepono. Ung mga ganun. 

hangang sa nagyayakapan nalang kami, wala ng makwento sa isat isa. Walang masabi. kasi nga iba talaga set of friends niya, iba set of friends ko. wala kaming mutual friend directly sa personal. kung meron man, 2nd degree na. friend ng friend ko. friend ng friend niya. ganun.

hangang sa pagnagkita kami, matutulog nalang kaming dalawa. hindi man kami manonood ng movie, after ng dinner uwi tulog gising almusal pasok school bye. ganun... pero i still treasured them. Nakakatulog na nga din pala kami ng hindi nagsleeping pills. 

hangang sa nagaaway nalang kami palagi, nagtatampo nalang ako palagi, etc etc... 

hangang sa dumating sa point na narealize ko na our relationship wasnt good at all

hangang sa dumating sa point na he really broke my heart...



After namin magbreak, hindi ko mapigilang hindi malungkot kasi naiisip ko wala na akong kayakap, wala na akong kasamang magdidinner ng late, wala na akong hihintayin na umuwi, wala na akong matatawagan pag nagkaron ako ng masamang dream sa gabi at etc etc pa na mageend up lang sa dahil wala ng Paul at Isa.

Then binasa ko na naman ung Who Stole My Magic? na lagi kong binabasa kapag broken hearted ako hahaha. syempre after ng break up, magdidisagree ka sa book, kasi fresh pa ung feeling, intense pa ung sakit and all. Pero as time passed by, mejo narealize ko na oo nga, tama nga. 

Sabi dun, LIST _ THINGS KUNG BAKIT HINDI MAGWOWORK ANG RELATIONSHIP. Edi nagbreak kami so kausap ko bestfriend ko. And every time na may sasabihin ako sakanyang something, lagi kong dinidefend. kunwari "3am na naman siya blahblah, pero ayos lang kasi blahblah", "busy lang talaga siya" etc. ung bang tipong pinagtatakpan ko pa ung mali ni Paul kasi ayoko siya mabadshot sa friends ko o kung kanino man. dahil nga fresh pa sakin lahat, pinagtanggol ko siya, to everyone na kinwentuhan ko. "Ayos lang yun..." kahit na hindi naman talaga. 

hangang sa habang kinikwento ko kay Maam Crisel ung pano kami nagsimula, ung normal day namin sa ust, at kung ano ano pa, narealize ko na ung WORTH NA IKWENTO UNG HAPPY OR KILIG parts lang ng story namin ni Paul. Yung relationship itself parang hindi... As in wow. Ung kinikwentuhan ko 23 years old, nagtratrabaho na, tapos ung maririnig niya 2 months lang pala kami. 

Big slap on my face talaga... Ung kwentuhan na un with Maam Crisel, helped me talaga to realize kung ano ba talaga nangyari samin ni Paul, at kung bakit hindi magwowork. and eto ung mga un.

1. Simpleng conversation. Ako madaldal talaga, pero pag magkasama kami natatahimik ako. Ive always let him do the talking since siya nga ung mas madaming ginagawa samin. Parang bang hindi ako makapagkwento ng wala lang sakanya, ung bang feeling ko mabobore ko lang siya. Dapat exciting din kwento ko. Which is mali dba? Kasi i believe na dapat parehas kayong comfortable to talk about anything with each other, mapagano pa kasimple yan or kagrabe. Kahit gano pa kaboring, or kaexciting. Kami ni Paul, ilang beses kaming natatahimik nalang. as in kwento then tahimik. tahimik kasi wala na, ubos na sasabihin.

2. Time. Hindi naman sa gusto kong palagi kami magkita, nakakasawa naman yun. Kaso hindi ko din ma-take ung sobrang kunting time. Though naappreciate ko talaga lahat ng time na binigay niya sakin kasi si Paul kahit pagod na pagod na, ung tipong sana matutulog nalang siya, susunduin pa din niya ako, pupuntahan pa din niya ako, magkukulitan pa din kami. Kaso, ang pangit dun, time nalang lagi naming pinagawayan. time time time. 

3. Madrama. Parehas kaming madrama. Matampuhin ako, at siya madrama. not a very good good good combination.

4. Tamad. Basta parehas kaming tamad. Pero ung katamaran na gusto ko din sakanya ung tamad siyang maglakad din, i mean kapag pwde itaxi, taxi. jeep jeep. lol from dapitan to pnovs nagjejeep din siya! Kaso ung pangit na katamaran namin ung ang tamad niya o kaya ang tamad ko talaga. Kunwari, tinatamad siya mag edit ng picture, imbis na gawin niya now para magkita kami bukas, tatamrin siya. then bukas, eedit niya tapos late na kami magkikita. ung simpleng ganun, na kapag paulit ulit kasi nangyari, hindi na ok.nakakasawa.

5. Ang bilis. Ang bilis ng pangyayari sobrang sobra. Naging kami ng hindi namin talaga kakilala ung isat isa. hangang sa nalaman ko na abd sides niya, then nalaman niya na din bad sides ko. ang problema about dun is parang nahirapan kaming tanggapin ung bad sides ng isat isa.

6. Walang friendship. Wala kaming foundation. ok meron pala pero sobrang weak. parang toothpick na agad mapuputol mabend mo lang ng kunti.

7. No healthy convo - pinagisipan ko talagang mabuti to. Wala kaming naging healthy conversation na as in we talked about my life, his, and kung ano mang healthy na para sa relationship namin. wala. pag nagkikita kami lambingan lang talaga, sweet sweet sweet e hindi naman pwedeng lambingan lang palagi. there were things talaga na we needed to talk about na we didnt. 

8. Change, pride o kung ano man dapat - parehas kaming hindi nagadjust ng maayos para sa isat isa. kung ano buhay niya nung walang gf, ganun pa din nung may gf. Parang ako lang din.. kung ano ugali ko sa mga bf ko dati, ganun din sakanya. mapangaway, matampuhin...

9. Effort. Naging effortless kaming parehas at one point...


so yan na, pagod na fingers ko kakatype. grabe pala ang haba haba neto. kasi tinatamad na ako talaga magsulat, pero type oks lang kasi mas mabilis pa ata ako nakakapagtype kesa sulat. 

Yan ung mga things na narealize ko kanina. As always, naniniwala talaga ako na "pag kayo, kayo" kahit anong taon pa yan, kahit na ano pang pagdaanan, kahit na ang dami ng nasabi, nagawa o nangyari o kung man.  

Ngayon, I'll be lying kapag sinabi kong ok na ako. Kasi minsan nakakalungkot pa din pero hindi na palagi which is a good thing. Ung minsan na un, kapag nakakaakita ako ng something na reminds me of him, or of us dati. ung mga ganun. 

Siguro kami nga talaga para sa isa't isa, pero mali lang ung timing. O kaya siguro hindi talaga kami para sa isa't isa, pero tinry pa din namin. 

thankful ako kasi narealize ko na din ung mga kinailangan kong irealize. Syempre kung tinuloy lang namin baka mas lalo pa kaming masaktan. Which is ayaw ko ng mangyari. Sino bang gustong magkasakitan lang dba? Paul and I need to be more mature. College palang naman kami, ang dami dami pang pwedeng mangyari... 


-the end. haha. 





Friday, April 29, 2011

Kwento sa OJT

So ang dami kong gustong ikwento sa mga ginagawa ko sa OJT ko sa LuenThai, Clark. Hindi ko alam kung paano ko ikkwento kaya parang list nalang ulit :)

hindi to in order!

1. Time Study. Tatayo ako ng ilang minuto sa likod ng isang mananahi, habang hawak hawak ko ung stopwatch, pencil, ung clipboard ko tapos kukunin ko kung ilang seconds sila naglalagay ng buttons kunwari, o kung ano mang operation.

2. Non stop daldalan. HAHA.

          A. Kapag nasa office ako sa taas, ung mga supervisors ko makikipagdaldalan sakin. About sa school, sa lovelife ko, sa family, sa plans ko, sa mga tao tao pang iba and etc. Natatawa ako sakanila kasi they would always tease me na ang dami ko daw fans sa baba, hahahaha. Lahat sila mabait sakin sobra.

          B. Kapag nag tatime study ako. Syempre daldal na naman with the sewers, haha. Walang araw na lumipas na walang nagtanong sakin kung saan ako nagaaral, anong pangalan ko, san ako nakatira, kung may boyfriend ba ako and etc. And kahit na napapatagal ung pagtayo ko dahil sa kakadaldal ko sakanila, ayos lang kasi enjoy talaga kausap ung mga tao tao dun. Plus natutuwa ako kasi nakakaflatter ung iba nilang sinasabi.

3. Attendance. Para makuha ko ung attendance ng buong knits department, meron akong pupuntahan na 5 processes. And kada process merong waterspider, well un ung tawag nila saparang extra dun. Ung mga waterspider tinutulungan ako, haha imbis na ako maghagilap sa ilang tao, sila nalang.

4. Read. San ka pa. Nakapagbasa ako ng isang libro dahil wala akong ginawa nung isang araw dun haha.

5. Excel. Excel. Excel. MS WORD + MS PP masasabi kong magaling ako, pero excel, hindi masyado. Pero ngayon naappreciate ko na siya at kahit excel pa kaharap ko sa pc, ok na ako basta nga kaharap ko ung pc. haha! I love typing talaga.

6. Break. Aba't kapag break, break talaga. Mapaschool man, o sa ojt pag kainan time kakain talaga ako. Pero hindi ako tumataba? haha.

Sooo yun na muna ang kwento ko. Basta ang saya sa OJT. Ang babait ng mga tao dun swear. pero meron pa pala. Magdradrama muna ulit ako..


--
      

Tuesday, April 26, 2011

Twenty Five things to do before I turn 25


1. Graduate. Hindi biro ang kumuha ng 5 year course noooh, at hindi biro ang mga Calculus, Physics, Mechanics, ELECTRICAL Engineering at iba pang subjects. At 5th year na ako sa pasukan, sooo March 2012 dapat hello diploma <3


2. Love. Of course, kapag ready na ako ulit, gusto ko ulit mainlove kasi masayang in love :] pero sana travel person si future para masaya.

oops lalake pala to. may kamuka siya.

3. Travel. Before ako mag25, dapat makapag around the Philippines ako. Gusto kong pumunta sa Palawan, Puerto G, Cebu, Batanes, Vigan, Tarlac[yung tacsyapo ata un], Hundred Islands, sa Corregidor ulit dahil nakakainlove ung place, sa Legazpi, Bohol, Dapitan, Iloilo, at kung san san pa hindi ko maenumerate, basta around the Phil nga e. haha.. Plus dapat bago ako mag25 makapunta ako somewhere outside the Philippines. Ang sarap magplano. haha.


4. Work. Nangangarap lang din naman ako ngayon, susulitin ko na. Gusto kong magkawork kung san ako mageenjoy, hindi mabobored dahil paulit ulit ung ginagawa at syempre maganda yung sweldo. Kasi dba, magtratravel nga ako pagkagraduate ko so need ng pagkukuhanan ng pera :]


5. Cook. I definitely need to learn na how to cook. Syempre, gusto ko si future mapagluluto ko na. Para bongga. Kaso kasi mejo tamad talaga ako magluto, ang tagal tagal mo kasi siyang gagawin, hiwa hiwa, babadbabad, chopchop, tapos ilang minutes mo lang naman kakainin. dba?

6. Write. Sana naman, matapos ko na lahat ng sinusulat ko. :|

7. Thrill ride. Hindi ko alam kung madaming nakakaalam na meron akong FEAR OF HEIGHTS [Acrophobia]. Ilang beses na akong nagEnchanted pero hindi pa din ako nakakasakay dun sa Space Shuttle, tapos nung nagFerris Wheel ako dun halos mahimatay na ako kaya tinigil yung Ferris Wheel para maibaba ako. Lol embarrassing moment talaga. Pero sana, makasakay na nga ako para mathrill ang buhay haha


8. Read.  I've always loved reading, ewan ko bakit ngayon ang tamad tamad ko magbasa. Pero eto ung mga gusto kong basahin talaga: Love in the Time of Cholera,  Pride and Prejudice, The Alchemist [ulit] and kahit isang book ng favorite author ni mama.

9. Complete my SASS collection. Need I say more?

10.  Drive. Ilang taon na akong nagdadrive, pero yung Automatic lang, hahaha kasi hindi ako natutong magManual, e pano pag emergency tapos ung kotse lang na nandun ung manual dibaa? tsaka para masabi ko talaga na nagdadrive ako. Parang joke time kasi ung sa automatic, bump car hehehe

11. Parallel Parking. I really suck at this grabe. Pag nagpapark ako gusto ko paharap nalang, or patalikod, hirap na hirap talaga ako na isisingit mo ung kotse sa gitna, pero pag malaki ung space ok na ok, pero kapag sakto lang, hahanap nalang ako ng ibang parking. hahaha. Pero syempre sa Manila ko gusto magwork so dapat talaga ako matuto neto.


12. Hot Air Balloon.  Gusto kong sumakay kahit na feeling ko mamamatay ako dun hahaha.





13. Bake. Iba yung pagluluto sa pagbake ng cake. Ang galing ng mom ko magbake, kaya dapat ako din hehe
  

14. Puppy. Bago ako mag 25, dapat meron na akong puppy. Gustong gusto ko kasi talaga magkapuppy kaso dba nakadorm lang ako so yuuuun.
  


15. Stage Play. Because I miss acting on stage already. Ung lapel, ung mainit na spotlight, ung script, ung rehearsals, everything.


lalake ulit. Walang girl :[

16. Scuba Dive. Hindi ako kumakain ng fish, pero gusto ko sila makasama under the sea, pero please wag pating, sure kakainin agad ako nun



17. Quiapo Church. Dapat makakumpleto ako ng simba ng 9 consecutive Fridays, kahit na sobrang daming tao. I'm not super religious, pero gusto ko talaga to. :] And also, gusto ko sana alone ko to gagawin, para madrama 


18. Sunset + boat dateAko na ang cheesy sige. haha. Bakit ba, gusto ko talaga na magdate kami ni future like kunwari pag nagBaguio kami tas ung may irerent na boat, syempre dun lang para mababaw if ever na malaglag kami, oks lang. E pag sa totoong lake, hahaha. dba? 

19.  Simbang gabi. 6 nights lang ata ung pinakamarami ko so far. :[

 20. CIE. Makapasa ng certification, walang boards ang IE pero meron certification.

21. tba 
22. tba 
23. tba 
24.tba 

25. Future. bleh. Ayooooko ngang ishare kung bakit future yan


----- 

So naisip ko lang na gumawa neto, goals, plans etc bago mag 25. Matagal tagal pa naman yuuun kaya madaming time talaga para magawa ko lahat ng to. 21-24 ayoko muna lagyan, kasi reserved siya para sa iba ko pang plano, kasi dba nagbabago ung isip. hahaha.

Basta isang araw, ang next post ko ay checklist, at lahat nakacheck naaaa. <3

Monday, April 25, 2011

Sad day - Sunday




I've been through so much pain since you left me
I just can't convince myself we're through
Things have been said and done
I guess it's over now you're gone

It's true when they say that lovers come and go
But deep in my heart I just wanna let you know
The love that we once shared is everything
That there's nothing to compare
 
'Coz I'm missing you so bad
Now that you're not by my side
I guess you could say it's me
Who's hurting so bad after all this time
After all that we've been through
Baby aren't you hurtin' too?

Now that I've lost the power to pretend no no no
I guess you could see right through me
This yearnin' I can't explain
Feeling I just cannot contain
 
I know someday I'll get over you
It just takes time and some getting used to
Each day I'm feeling blue
Every road leads me back to you

- Missing you by Freestyle
=======

It has been two weeks na pala since nagbreak kami. Tapos one week since nung birthday niya. Ano bang meron sa Sunday at ung dalawang events na un natapat sa iisang araw?
malungkot talaga ako ngayong Sunday. though habang tinatype ko to Monday na ng 12+ am. haha. 
Nakakalungkooot kasi ang hirap talagang...

Ayokong maging malungkot, pero hinahayaan ko yung sarili ko to be. Kasi ayoko naman magpretend na ok ako, or something. and para mas maappreciate ko ung happiness na dadating. :]

Basta dadating din yung araw na makakalimutan ko ung naffeel ko ngayon... I will be better in time for sure.  because "time really does heal all wounds - even big, deep, gaping slashes on your heart"

oh my god ang drama ko, haha pero ayos lang yan para may thrill naman :]  

   

 

Sunday, April 24, 2011

:[: masaya, malungkot?


Ung mga mata ko ang lungkot dito sa picture na to, then naalala ko kung kelan ko to tinake,
nung morning na pauwi ako ng pampanga, afrer ng...... :| 


Nagbike sa picnic grounds. After ilang years, nakapagbike din ulit ako. I had fun, kaso very tiring. :] 

Monday, April 18, 2011

Dahil ang abnormal ko nga e

It was Paul's birthday yesterday and I didn't greeeet him directly. Haha. Binati ko naman siya sa utak ko nung mga 12 something na, kasi nandun ako kela Donald nun tas bigla ko lang naisip na ay birthday niya na.

Of course gusto ko siyang batiin because may pinagsamahan kami and we shared naman a lot of things dba? kaso kasi April 10 kami nagbreak, April 17 birthday niya. And since the breakup, we havent talked to each other pa. So parang ayoko naman siyang igreet "happy birthday" na as in un lang sasabihin ko, kasi parang lalabas ginreet ko lang siya for the sake na greet ko nga siya. Gusto ko happy ako na babatiin siya kasi nga happy day niya unnn...

Last week bored ako sa work, so nilista ko ung top 10 things na ginawa ko for him, ay actually basta 10 things na hindi ko alam paano ko ddescribe. nirecord ko siya, kasi ayoko naman na wall post lang din, korny. kaso nakornihan din ako sa pagrecord ko. HAHA.

So tinext ko si Christian na magchat kami blahblah pinarinig ko sakanya. benta daw. pinarate ko pa nga, 10 daw e. kasoooo parang hindi ko pa talaga kaya na basta. I mean, ayoko talaga na ako ung unang kakausap sakanya. and kahit bday niya hindi exception un.

11:40+ ata nung nagkachat kami e, sabi ko kay Christian may time na pa ako til his birthday ends kung isesend ko ba or hindi. Ang nangyari, naglogout ako ng 11:59 pm. and poooof 12:01 na.. Siguro pagsisisihan ko un, pero hindi naman dapat maging deciding factor ung bday greeting.

One more thing pala kaya hindi ko na talaga sinend kasi nga pinagiisipan ko pa kung to send or not to send. Diba kapag gusto mo talaga ung gagawin mo, 100% sure, hindi nagaalangan. And I believe na special talaga ung mga bday greetings, ayoko naman na parang napilitan lang ako sinend kasi nga nirecord ko na at inupload pa.  so un.

Basta ako, binati ko siya at witness na dun si christian hahaha so pwede na yun.

I sound bitter, pero anooo ba nakaka 7 days palang kaming hiwalay. Moving on takes time, and im not rushing naman. :)

Sunday, April 17, 2011

Video flood...



Nung tinanong ako kung kamusta na si Paul? naghang ako ng 1 sec ata or 2 secs. haha.



Then...


HAPPY BIRTHDAY :)



:( nakalimutan ko na may video nga pala to.

Friday, April 15, 2011

OJT + heartaches

Monday, Tuesday, Wednesday umiyaaaak ako. HAHA. Kasi naman my heart was really broken, shattered whatever. Yes ang drama pero totoo talaga. Pero last night [Thursday], hindi ako umiyak though gusto kong umiyak and ilabas lahat ng nafifeel ko hindi ko nagawa kasi i was too tired talaga from my ojt.

Ang hirap talagang magwork, mapa sa totoong work man yan or school after a breakup kasi fresh pa and all. Kahit na anong focus ko sa trabaho, wala, sadness overload talaga. Pero that's life, haha. Ang iniisip ko 60+ days naman ako masaya nung kami, and ano ba naman ung ilang araw na malungkot dba? 

Sa OJT naman, niloko ako ng mga supervisors dun na ang dami ko na daw fans, lol ang dami daw nanghihingi ng number ko at kung ano daw name ko, sino daw ako, why andun, til when etc etc. nakakahiya tuloy. haha.
pero naisip ko, napapatingin pa sila sakin kahit na muka na akong ewan. imagine 2am ako natutulog tas 7am ako gumigising? pumapasok ako basa buhok + no makeup + wala sa sarili etc. haha. 

OJT = ayos lang, nakakapagod pero masasabi kong ang dami kong natutunan :) 

Tuesday, April 12, 2011

Vulnerable

Tom start ng OJT, and and and... nalulungkot talaga ako... Ang daming nag-gogood luck etc etc pero </3 hay.

i'm feeling so vulnerable right now...

Monday, April 11, 2011

Once upon a time...

merong "Paul at Isa"...



 





Destiny nung nagkita kami, korny dba? Pero totoo nga, destiny. Ang dami ngang nagulat nung naging kami dahil magkaibang magkaiba yung mundo namin. 

Choice na nung nagbreak kami. Kaya nalulungkot ako, kasi SAYANG




Sayang dahil gusto ko pang magwork, gusto ko pa yung relationship namin at dahil lang sa gusto ko pa talaga siyang mahalin. Kasooo, hindi ko naman controlado yung mga bagay bagay.

Sabi nga, "don't cry because it ended, smile because it happened". Last night, I really cried my heart out, because the break up was too painful for me. Monthsary namin dapat kahapon e...

Ngayon, habang sinusulat ko to, malungkot ako pero hindi na ako naiiyak. Dahil ubos na lahat ng luha na pwede kong iiyak, joke drama leche haha. 




Last night was indeed one of the longest nights i have ever encountered, well at least para lang naman sakin un. Sobrang lahat na, pero nung nakatulog ako and nung nagising ko.. "wala na talaga kami" was the first thing that came into my mind.

Sigh. Ang dami kong tanong, ang dami kong bakit, bakit bakit... Though mas makakabuti na hindi ko na malaman yung mga sagot sagot dahil para san pa? tapos na rin naman sooo...

Basta ako thankful na rin. Because of him, I learned how to be more patient, how to be more understanding, and how to be more appreciative



And sorry din ako kasi may mga pagkukulang din ako and nagawa na mali, and simply dahil nagkasakitan kami. 

Anyway, i'm running out of words, so tatapusin ko na to.
Sabi ko nga kanina, tadhana nung nagkakilala kami and i'm sure kung kami talaga, pagtatagpuin ulit kami ng destiny sa time na kaya ko ng maging girlfriend niya at kaya niya ng maging boyfriend ko :)









http://www.upload-mp3.com/files/283275_h5iss/kissmark.mp3
http://www.upload-mp3.com/files/283269_p4psb/Paul%20to%20Isa.mp3
http://www.upload-mp3.com/files/283271_smzmo/balibag.mp3




Saturday, April 9, 2011

Work?

Parang bigla akong tinamad na mag-ojt. hmm?? 
Buti nalang wala akong required number of hours to work! 
haha! 

Friday, April 8, 2011

Huhu.

To call or not to call him?
It's like I really want to talk to him pero... pero may PERO...
Why isn't he calling me? :(

So yes this is the first, 
first time na lagpas 36 hours na kaming hindi naguusap :( 

Kissing...


A kiss is love, said simple yet plain, 
hopefully meant and not given in vain



Kissing the person you love is great, 
but being kissed back by that person is simply the best! 




Hug + kiss = priceless




Thursday, April 7, 2011

ROCKY ROAD...

Ang sarap talagang yumakap ni Paul. :) As in as in...
Nung nasa bus kami kanina ng sister ko, i asked her. 
"tulog na ba ako nung nakauwi ka?"
"yup. nakayakap pa nga sayo si Paul e"

Pero today.... today isssssssss a very sad day.
Very very very sad day. 
Kasi today, nagkasakitan na naman kami.

[Parang ganito kami kanina, nakahiga nga lang.]

--------------------

The worst thing that a guy could ever do to a girl is making her feel that she is unworthy to love and be loved.



Wednesday, April 6, 2011

After ng dramahan namin, Paul said to me, 

"You're the best I ever had"

And pooooffff i became koko krunch. Joke. Of course, my heart melted. :) 

Dahil ang abnormal ko...

20 minutes ago, ang intense ng feelings ko... Tinawagan ko si Paul, tinanong ko plans niya for tomorrow. Ang dami niyang sinasabi pero parang they didnt matter to me, kasi I was waiting for him to tell me "makipagkita sayo" or "pumunta sayo" kasi 1 week na kaming hindi nagkikita at nakakapagusap ng maayos. Ang OA ko ba? E sa totoo namang 1 week na kaming hindi nakakapagusap ng matino eh. Maguusap kami 3 minutes. 4 minutes. un lang. Good night. Good morning. walang... walang something.

So 1st time kong umiyak dahil nga nafeel ko na hindi kami magkikita. Naiyak talaga ako kasi feeling ko hindi niya ako namimiss, na ako lang ata may gusto makipagkita, basta. </3 nakakalungkot talaga kanina.

Sabi niya, text nalang kami dahil wala siya sa mood. Naiintindihan ko naman un kasi nga meron siyang problema right now, yes hindi dapat ako makisabay, pero ewan ko ba. Tangina.  So un nga binaba na namin ung fone then nagtext text kami..

tapos sabi ko bukas nalang ulit kami magusap kasi nalulungkot na talaga akong as in as in... ang drama pero un talaga nafeel ko kanina. Excited akong bumalik ng manila bukas to seeee him, tapos parang hindi naman pala kami magkikita. Diba? nakakawala ng gana.

then he called. asking me what's wrong etc etc. e ako, mejo hindi talaga ako magaling magtago ng feelings ko so narinig niya ung iyak ko. Kasi naiyak talaga akoooo. :( :( :(

"kasi...kasi nga hindi... naman tayo magkikita bukas"
"magkikita tayo bukas"
"talaga?"
"oo"
"promise?"
"promise"

tapos un, masaya na ulit ako hahaha. akala ko kasi....


Anyway, i hope that kahit ganito ako, he won't give up on me kasi kahit ganun siya iintindihin ko because i love him.

Monday, April 4, 2011


I miss Paul na. Sana pwede fast forwaaaard na Wednesday na para magkita na kami and all. Tampururot mode na naman ako because i miss him na talaga kaso parang hindi niya ako namimiss huhu so sad, 

Saturday, April 2, 2011

Kahit nasa dulo siya ng Pilipinas...

Ginising niya pa din ako. :) 

Paul woke me up at 8am yesterday. He's so sweet. Kaya love na love ko e =">