Pages

Hello there!




When I'm sad, i write. When I'm happy, i write too! well only sometimes!
When I'm mad, I write again.
When I'm [name it], yes, I write everything:)
I love typing e. hehe.



Enjoy :] though ngayon palang magbibigay na ako ng warning. Halos kadramahan ung nandito because pag masaya ako, or inspired, hindi ako nakakapagsulat masyado, baliktad haha. So mas madaming drama kesa happy moments.

I'm not a good writer nga pala, usually what I write in here dere-deretso ko lang tinatype and I dont proofread it. At last na, bitin yung ibang kwento, lalo na pag inatake ako ng katamaran.


P.S.

thank you sa pagdaan dito sa blog ko

love,

Saturday, December 31, 2011

Bye 2011 and hello 2012!

2011's been so one heck of a year for me. I hope 2012 brings me everything that would make me happy! 


everyone! 




Saturday, December 24, 2011

Subic Adventure

Sobrang biglaan lang tong lakad na to! Tuesday ata nung pinagusapan namin na magsu-subic kami. Parang yung text, game ka? Oo. Tapos wala na ulit plano kung anong oras aalis, saan pupunta.. etc.

Then Wednesday night, text ulit, tuloy ba? oo. end.

Thursday morning, gising ka na ba? oo, papunta na kami sa bahay niyo sabi ni Jam and Dave.

Umalis kami sa bahay 2:30 na then 3:30 dumating na kami sa Subic. :D Nagyaya ako mag Treetop kasi gusto ko ulit magZipline. haha.

Pictures!








driver namin :p



after ng Central Balibago, pumunta kami ng V8 Clark. 


Saya supeeeeeeeeeer! :)

Sunday, December 18, 2011

Because I know how to use my charm! :)

Hahaha! Okay kwento lang. So Thursday night may fiesta sa UST. Well, fiesta tawag ko kasi ang saya saya ng event na yun. Parang nung Quadri lang. Libreng lechon baboy, baka at manok tapos yung mga students nakaupo lang everywhere nagpipicnic. O dba ang saya? So fiesta!

Mga 8pm nung pumasok kami ng UST nun. Ang daming tao talaga. Ang hahaba ng pila. Akala namin kahit san pwede pumila pero dahil Eng'g daw kami, dun kami pumila sa eng'g.

Nakakagulat yung haba ng pila! Umabot pa daw ng Espana gate. OA much! At dahil wala talaga akong tyaga pumila, naghanap kami ng maoovertake-an. Masisingitan pala. Luckily, meron akong friends na nasa may gate na, ung malapit na sa food, so there! "Pasingit!"

At wala pang 5 minutes may lechong manok na ako! yummy..  Kunti lang yung manok kaya ang dami pang space ng bowl na dala ko.

Then pumila pa ulit kami ng 5 minutes para dun sa lechong baboy at baka.  tapos yung lechong baka paubos na. Yung mga nasa harapan ko hindi pinansin ni kuya, ako agad yung nilagyan niya! haha so sabi ko thank you po. Yung classmates ko nainggit so nanghingi na din sila kaso naubos na ata talaga kaya sakin nalang sila kumuha.

Next yung lechong baboy. 4 yung servers tapos meron 1 taga chopchop. Nilagyan na yung bowl ko nung lechon baboy, lalabas na sana kami after kaso nakita kong tinitignan ako nung taga chopchop! Edi nag smile ako sakanya. tapos sabi niya "eto pa o", bawal tanggihan ang blessing kaya inabot ko yung bowl ko at pinuno niya yun! HAHAHA. Natawa talaga ako kasi sa classmates ko ang kunti, yung akin punong puno.

Pero syempre nahiya naman ako sa mga taong nakakita nun, lalo na yung mga nasa likod ko so dedma nalang, after ko magthank you kay kuya niyaya ko na si Joyce umalis dun.

Meron akong dalawang friends na nakasalubong, sa carpark at tsaka sa may AB. Parehas sila ng tinanong, "bakit ang dami nyan" sabi ko lang "ganyan talaga" blah blah tapos sabi "dinaan na naman sa charm" tumawa lang ako after hoho

at dahil mabait ako (blog ko to bawal umangal!) si kuya guard dun sa dapitan binigyan ko ng balat. exposed na exposed kasi yung bowl ko walang takip kaya pinakuha ko siya.

Saya talaga ng paskuhan week sa uste!

Ang random ng kwento kooooo sorry!



Friday, December 16, 2011

Bitch.

I: oh my gosh yung bitch!

Ang funny lang nung moment na yun...

(pauwi ng dorm)

Wednesday, December 14, 2011

Traumarama: Cinderella moments!



Wow ang dalang ko nalang pala magsulat, busy kasi lately. Pero dahil may nangyaring di kaaya aya kanina, eto ako ngayon magkkwento. Haha.

Sa school, nakaheels ako. Feel ko lang. Parang lahat kasi ng babae sa Eng'g nakaflats lang e. So nakaexperience ako ng mga Cinderella moments

1. Nung 1st year college. Omg. Wait sanay ako magstiletto ah! Okay game. Syempre sa HS bawal magheels, e ako pa naman gustong gusto ko nakaheels. So excited talaga ako magheels nung first day kaya lang malelate na ako so nagmadali ako. Sa room 207 ung room ko nun e, kaya nung nasa hagdan na ako, 2 steps nalang nasa 2nd floor na ako... Ewan ko anong nangyari at biglang nalaglag yung right shoe ko. omfg. hahaha. hahahahaha! Nakakahiya talaga. Hindi ko alam kung bababa ba ako to get it or kung maghihintay ba ako ng kukuha or something. Pero since may lalake dun sa baba, kinuha niya tapos nilagay niya sa may gilid ng paa ko. I thanked him tapos umalis na ako. Grabe nakakahiya talaga. Ever.


2. 3 weeks ago - Merong seminar sa 3rd floor ng Eng'g tapos nakikipagdaldalan ako habang nasa stairs. Yes sa stairs na naman! Lagi nalang. 1 step nalang talaga nasa 3rd floor na ako, yung left shoe ko naman ung naiwan dun sa pang dalawang step bago mag3rd floor. haha buti nalang at mga classmates ko lang nakakita :D

3. Kaninang umaga - 9am pasok ko pero 9am ako umalis sa dorm, lol, so I guess karma's a bitch. Pag lagpas ng lovelite mejo may butas butas yung daan. Yung heel ng right shoe ko nastuck! E may nakatingin pa naman sakin na dalawang commerce students, hahahahaha. Buti nalang at nakasalubong ko si Chill, so deadma nalang!

Hay naku mga embarrassing moments ko talaga hindi na ako tinatantanan.

til next time!

Saturday, December 10, 2011

Mommy

Siguro eto yung saddest night ng December ko. :( Tomorrow babalik na ulit si lola sa States.
Kanina nung nagba-bye ako sakanya sa bahay niya hindi ko napigilang umiyak. Tulad ngayon. :(
Kapag ako nakapagtrabaho talaga, isa sa mga pagiipunan ko yung pamasahe niya! Promise.



Thursday, December 1, 2011

Retreat letters

Retreat letters:

Sa sobrang dami kong natanggap na letters, hindi ko malalagay dito lahat haha kasi yung iba sulat kamay lang. Ang sweet ng mga friends ko, true friends. Eto yung ilan sa mga letters..

1. Galing kay Ate Pia - Si Ate Pia kadorm ko dati, 4th yr siya 1st year lang ako. Baby niya ako! Nagpost ako dati about sa kung paano nagpropose bf niya before :) Portion lang to ng letter pala.

"Ayun, Isa, stay beautiful and sweet. I'm sure you'll be a successful engineer someday (or whatever career man ang magpapasaya sayo.) Always be happy. Enjoy your retreat ha. Minsan minsan lang yan nangyayari and you will remember that for the rest of your life. Kaya make it very special. Cherish every moment. Take as much photos as you can. Leave all your worries and burdens there. Sana you find peace of mind and more reasons to be happy after your retreat. Love you always, Isa"

2. Galing kay Toby (puppy love ko nung HS) - Haha so puppy love ko nga siya, we're friends kaya hiningan ko siya ng letter.

"Juan!!! Sobrang mis na kita  gusto Ko lng mag thankyou ksi dhil sau narealize Ko na importante pala magtapos ng pagaaral dba nga date ikaw ung nagmomotivate skin na magspag sa studies Ko kht puro ako basketball ngaun mssbi Ko na sobrNg swerte Ko na kht sa kontng panahon dumaan ka sa buhay Ko  sana balang araw pag nagkita tau successful tau sa buhay natin. Tandaan mo to ha ikaw Lang ang Juan sa buhay Ko at masaya ako dun!! Ingat ka lage and pray always ha?? Imy Juan!! Can't wait to see u!! Congratsss"

Tinatawag niya akong Juan kasi Isa = One = katunog ng Juan.

3. From Badette - Classmate ko ng buong second year. Again, portion lang ng message niya eto

"sayang at di na ulit tayo naging classmates!! first time kitang nakita, i think di ba sa volleyball na PE classmates tayo? naku honestly, nung una naisip ko maarte ka, yun pala hindi. pala-ayos ka lang talaga pero totoo friendly ka lang talaga, and always smiling."

Sanay na ako na yun ang first impression sakin haha! Pero ang nice lang pag napprove mong mali yun, or basta hindi ko maexplain!

4. From Kath - Yung ka-dramahan ko nung summer  lol,  part lang din to ng letter

"ingat ka palagi...dapat alam mo kung ano ang dapat iprioritize sa buhay mo...sa mga gagawin mo. Don't ever rush in making decisions...and don't ever be afraid to fall in love over and over again. Hindi natin matatagpuan yung para satin kung hindi tao magmamahal at masasaktan:)"


Bow. :)

5. From Telly - Reader ko! :) Na ang sweet sweet. Ang haba ng letter niya, pero natuwa ako dito:

"Tsaka super friendly mo.. nakiki-jive ka sa mga trip namin. Yung mga na share mo sa amin- readers mo.. grabe ate, di ko maisip na may makakapag share sa akin ng ganun eh. Thanks dahil nainspire ako sa kwento mo"

Sa totoo lang, nagugulat talaga ako pag may nagmemessage sakin na naiisipire sila sa kwento ko, natutuwa sa mga sinusulat ko sa blog kasi sinusulat ko talaga yung nafifeel ko etc. Pero wala lang, ang sarap sa feeling. :)


---

Ang dami pa! Kaso gusto ko din ilagay yung mga notes na natanggap ko nung retreat. Meron kasi kami kanya kanyang envelopes dun tapos pwede hulugan ng classmate mo un ng message nila para sayo. Ang dami ko din natanggap! Sana lagi nalang may retreat haha! Isa sa mga paborito kong bagay sa mundo na to ay yung mga sulat talaga, swear. Pero pipili lang ako ng 2 kasi nakakatamad itype! hahaha

1. From Jowie - Ngayon ko lang siya naging kaclose, dahil sa Cebu at sa retreat. Sobrang funny niya kaya pati letter niya napatawa ako haha

"Sab =) Sabel =),
You are my new found friend. Sana kahit anong sabihin ng iba sayo maging strong ka kasi mabait kang tao, maganda ka, sexy ka, sana ganyan din ako =)"

Winner diba? haha! Actually, kahit ano naman talaga sabihin ng iba wala I dont care. Kasi ako ginagawa ko lang yung gusto ko, as long as wala naman akong naanong ibang tao edi okay lang! Nakakatawa pala Sabel talaga tawag niya sakin -.-


2. From my baby Lica - portion lang ulit kasi mejo mahaba note niya sakin. Sweet =)

"Nay... I saw something in you that made me want to be your friend. You're a very loving person and you're very thoughtful. You always say sorry kahit wala ka naman talagang ginagawa"

Natuwa ako dun sa thoughtful kasi yung favorite kong teacher nung grade 2 ako yun din yung sinabi sa mommy ko! About sa sorry sorry, pag feeling ko may nagawa ako nagsosorry talaga ako. Pero pag feeling ko wala, aba. :)

3. Syempre galing sa sister ko. :)

I love you Ate Kaye

Haha madalas ko kasi pagalitan sister ko pero normal nalang samin yun!

--------------------------


At eto ako nung nagsusulat ako ng notes para sa mga friends ko! Sa tissue! haha! Para matatandaan nila ako. Si Jowie tinawag akong "Sabel na walang papel" haha. Wala talaga akong paper nun, and gusto kong maging unique!

I know umitim ako! haha pero babalik din naman skin tone ko, soon.

Tuesday, November 22, 2011

Facebook friends and pictures

Every once in a while, I delete some of my friends on my Facebook account. Haha I really don't know them all naman kasi honestly. SoI feel guilty kapag ina-add ulit ako :| Last week ata 50+ in-unfriend ko, tapos yung iba dun ina-add ulit ako! I don't know why, pero hindi ko naman talaga sila kilala, pero sige go nalang. haha.

---

Anyway, eto pa ibang pics. Mga nakaw ko sa mga classmates ko hehe











Sunday, November 20, 2011

Cebu trip

Day 1:

a. First time kong sumakay sa airplane. I got really scared :( Good thing katabi ko si Ches, nakakapit talaga ako sakanya haha! We arrived in Cebu around 8 in the morning ata.


b. After ng breakfast namin sa Jollibee, dumereto kami sa Nature's Spring. Honestly, hindi ako nagenjoy sa plant visit dito kasi after nila(yung HR) ipanood yung company profile video nila samin, inikot lang nila kami sa factory. Literal na inikot lang. Walang explain explain kung ano to, ano yun etc.



c. Taoist Temple - Maganda view dito, kaso nakakapagod ang stairs. haha



d. Naglunch kami sa isang resto, sa may Gorgoron, joke basta parang ganun yung name ng place.

e. IPI (Internation Pharmaceuticals Inc.) - ang booooring din ng plant visit dito. Parang yung mga Cebuano, hindi marunong magfacilitate ng plant visit. Pero happy na din ako nakita ko kung pano nagagawa yung sabon.

f. Mactan shrine, dito madaming murang pasalubong! So madami ako nabili
g. Meron pa kaming pinuntahan, i forgot lang :(
h. Nagdinner kami sa ___ I forgot na :(
i. Sarrosa Hotel, room 734 yung room namin :)




j. Nung mga 8pm na, o 8:30 ata, nung palabas na kami sa hotel ni Joyce nakita kami ni Sir Eric. Muntik niya na kaming hindi payagan lumabas ng hotel kasi 2 lang kaming girls. Pero syempre pinilit namin. Kasi makikipagkita ako kay Ivy, friend ko sa Audition. Nagkita kami sa Ayala mall

k. After magmall, nagpamasahe kami dun sa malapit sa hotel. Mga 11 na kami nakauwi ng hotel. 

------------------

Day 2 

a. Nagbreakfast kami sa isang resto ulit. Ngayon ko lang narealize, kain lang ako ng kain, hindi ko man lang tinandaan yung mga kinainan namin :|


b. Magellan's Cross - Maliit lang pala siya haha! I liked all the paintings on the wall..

c. Basilica de Santo Niño - Katabi lang ng Magellan's cross. Sobrang nakakawow tong church, ang ganda ganda talaga. Tapos sa gilid ng church may pila para sa Santo Niño, pumila kami. Yung ibang tao kinikiss yung salamin ng Santo Niño. Ang dami ding bilihan sa gilid, mura!

from Jeriel's camera
d. Coca-Cola Company - Ang laki ng plant! Nakakatuwa yung process ng pag-gawa ng coke at iba pang softdrinks. Pag graduate ko, gusto ko talaga magwork sa Coca Cola o kaya sa San Miguel, ok kasi e.

e. Skywalk - Crown Regency Hotel. Mga 8pm hinatid kami ng bus driver dito. Kunti lang kaming nag Skywalk e, 9 lang kami kasi mejo mahal siya. We had to ride two elevators just to get up there. Nakakalula. Lahat sila, Combo 2 yung binili (Skywalk + Coaster ride) ako yung Combo 1 lang, Skywalk lang kasi hindi ko talaga carry ung edgecoaster. After namin magbayad, pumasok na kami tapos nagsuot na kami nung jumpsuit tapos kinabitan na kami ng harness. Nakakaloka talaga nung lumabas na kami sa pinto. Yung unang lalakaran glass, so kitang kita yung ilalim. I really freaked out! Akala ko nga magbabackout ako e. Grabe talaga sigaw ako ng sigaw nung una kasi nga glass. Sabi ni kuya 6 meters lang daw yun, so ang ginawa ko nagpahawak ako then pumikit ako. haha! Super nanghina talaga legs ko nun at nginig. Then nung steel na yung nilalakaran namin mejo ok na. Nakakalula na ewan. Ang ganda ganda ng view! tinatawanan ako ng mga classmates ko actually haha pero okay lang kasi feeling ko ang joketime ko nun. Pero yun, carry naman, tinulungan ako ni Peter at Dei, hawak ko silang dalawa habang naglalakad lakad dun haha.

And soooo yun, we survived!

from Anne's camera

f. Paguwi namin sa hotel, naglaro kami ng Uno, nagayos ng gamit, at nagmodel model. haha. Kaming mga girls tinry namin suotin yun mga swimsuits namin kasi yung next day, beach agad sa Bohol. Girls will always be girls!


---

As for the happenings in Bohol, sa next post nalang kasi kulang pa pictures! haha

Saturday, November 19, 2011

Zipline!

Kahit kelan talaga, ang lakas ng loob ko magyaya sa mga ganito, pero kapag andun na gusto ko na magbackout. haha! Meron akong fear of heights, kaya lang ang super exciting kasi neto.. well oo, pero nung andun ako, shit talaga ten times! Nakakaewan. Akala ko talaga mahihimatay ako dun haha! Grabe kasi ang taas

Eto yung nagreready:





anndddd pics!
















Nakakaewan siya, pero super saya at tsaka ang ganda ganda ng view sa ilalim. Merong river sa ilalim, and ang funny kasi kumain kami sa isang floating restaurant na dun umiikot sa river na yun.
Babalikan to talaga tong Bohol! :)




Sunday, November 13, 2011

Bakit kasi inoverload ko pa yung TAR?

Napahiya tuloy ako sa prof foooor the 1st time! oh my gosh. haha pero funny na din! Here's the story

Meron akong inoverload na subject ngayon, yung TAR. Nakaoffer siya sa IE department (Industrial Eng'g) pero sa ECE department ko kinuha (Electronics and Communications Eng'g) para Monday at Saturday lang.

Nung Saturday, August 6 ata, hindi ako nakapasok sa TAR.  Kasi hindi ako nagising. Then prelims namin sa TAR nung Friday. edi nagpass na yung mga classmates ko tapos ako din nagpass. pero yung test paper ko nilagyan ko ng note

"Sir sorry hindi po ako nakapasok nung Saturday kasi po may make up class kami, pwede pa din po ba ako magquiz 2? please :( " 

 Totoong may makeup class ako nung Saturday pero 7-9pm pa yun, tapos ung TAR ko 9-11am haha, kaso alangan naman sabihin ko na "kasi po hindi ako nagising" nakakahiya naman.

 edi nilagay ko na yung paper ko sa table niya then tumalikod na ako kaso...

Prof: Oh absent ka nung Saturday?
Isa: (sobrang natense bigla) uhm yes sir, sir naglagay po ako ng note sa test paper ko

kinuha ng prof yung test paper ko.

Prof: tinext kaya kita nun?
Isa: Ows sir? wala naman po ako natanggap. 

alam ni sir yung number ko dahil sa index card na sinubmit namin sakanya.

Prof: nagreply ka pa nga e. 
Isa: sir wala naman kaya, ano po ba nireply ko?
Prof:  magagalit na sakin si sir nyan. (nagsmile pa!!)
Isa: (super shocked) shocks kayo pala un sir! (super hiyang hiya)
Prof: pero sige, magtest ka pa din ng quiz 2 sa monday
Isa: sir thank you po.

 Nung Saturday kasi na yun meron nagtext sakin, number lang...
"hindi ka papasok ng tar?"

nireplyan ko ng "hindi na naman ako nagising ng maaga, lagot na nga ako e magagalit na sakit si sir nyan"

akala ko kasi classmate ko lang sa tar, kasi may nagttext sakin na classmate ko dun :| at tsaka grabe di man lang naglagay ng pangalan si sir, akala ko tuloy. hay naku. nakakamatay talaga ang mga maling akala.

T_______________T shit talaga hahaha gusto ko ng mamatay nung moment na yun. Pero grabe super bait ni sir hindi na ako magaabsent dun forever and ever, kahit may career seminar sa monday di ko na aattendan makapagtar lang dahil sobrang nakakahiya!! haha





-August 13

Asian Massage, boo :|

Last night, nagpamasahe kami ni Christian, close friend ko. Dapat manonood kami ng last full show kaso hindi ako umabot kasi galing ako sa Alabang so mga 11 na ata ako nakauwi sa bahay ng lola ko sa Malate. Tapos mga 12 nagyaya siya, mag Wensha daw kami. Ang layoooo! Sabi ko puntahan niya nalang ako sa bahay ng lola ko then hanap nalang kami somewhere malapit sa bahay ng lola ko. and then un nakakita naman kami, sa Nakpil lang din.

Sooo wala daw private rooms. Sa second floor yung massage area, isang malaking space na may 15-20 beds (foams or whatever) siguro na nasa floor lang, tapos yung division curtains lang. Ang suuupppeeerrrr ewan lang. Kaso naisip ko pagod talaga ako kagabi plus masakit yung legs ko kaya sige go na kahit ganun.

Dahil kurtina nga lang yung mga harang harang, yung usapan/kwentuhan namin ni Christian naririnig ng iba tapos yung sa iba din naririnig namin. Pero hindi naman super maingay haha.

Pero swear, yun yung weirdest ever na napamasahehan ko... anyway, worth it naman yung bayad dahil kay Ate, magaling :)



Sunday, November 6, 2011

Jenna's Despidida

Guste Family: Zel, Isa, Alexa, Janet, Therese, Grace, Bernadette, Walter,
Aerhon, John, Hanni, Marianne, Allain, Jenna, Leah, Jenna's mom, Reighner
and Jewl. Madaming absent! 

with Leah and Zel. 

Mga friends/classmates ko simula gradeschool palang, so lagpas 10 years na
kaming friends!

Kulang pa yung pictures! Pero sobrang nakakatuwa nagkita kita ulit kami. Yun nga lang nakakalungkot kasi aalis na si Jenna.

The best talaga tong barkada na to kasi family talaga. Nung nagdidinner kami napagusapan kung sino una ikakasal, etc. I mean, dati lang naglalaro lang kami ng tagutaguan dito sa bahay namin... dati nagpaparty lang kami sa Mcdo or Jollibee kapag may birthday, then ngayon umiinom na kami.. Ang bilis ng panahon talaga ever. Pero yung maganda dun, yung samahan namin hindi nagbabago. Lahat ng kwentuhan ok lang, kasi we dont judge each other.


Magbabasa na muna ako... edit ko nalang tom pag madami na pics

Sunday, October 30, 2011

Kuya Carmelo :(

Sad news. Last night nagising si mama kasi may tumawag sakanya then lumabas siya sa room, si papa nagcocomputer sa hallway, ako sa kwarto ko, si tin nakahiga, kaya napatingin kami kay mama.

"Wala na si Carmelo"

nakakashock talaga. Si kuya Carmelo pinsan ko sa mom's side. Head-on collision daw, 2 bus sa Saudi... 4 na Pinoy daw yung patay, at isa daw siya dun. :((

Nakakalungkot kasi 1 year palang siyang married, ang bata pa niya! Tapos may baby pa siya... I mean nagsisimula palang yung life niya bilang may asawa tapos. :(

Sobrang nakakalungkot lang kasi yung wife niya hindi macontact yung employer dahil holiday. Sa 3 pa ata maasikaso.

Ang bait pa naman ni kuya sobra... hay. :( sana sana sana, mauwi siya dito sa Pinas.

Saturday, October 29, 2011

Updated : Beautiful Disaster

Oh my God, kinikilig talaga ako at the moment! I was about to turn my PC off na sana kaso naisip ko I haven't read a book yet this sembreak! so to make the story short, I ended up DLing an ebook, BEAUTIFUL DISASTER by Jamie McGuire.

Oraaayyyttt, i'm gonna continue reading na :)


-------------


★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★  



Yay! I'm done reading it na. Grabe napakaaddictive ng book na to! I love Travis and Abby. Nakakakilig talaga, nakakadala ng emotions and lahat na.

Gustong gusto ko yung pagkabadboy ni Trav pero sobra yung respeto niya kay Abby. Sabi nga ng author walking-one-night-stand daw si Trav sa university kasi ang famous niya kaya yung mga girls lumalapit sakanya. And then si Abby... hindi siya yung typical na bida na girl na mahiyain, takot kay Trav or kung ano man. Hindi din siya yung tulad ng girls sa university nila na patay na patay sakanya. Normal lang. kaya si Trav finriend siya kasi nga iba siya.

I really loved how they were, and still sooo into each other despite all the things they've been through! Ang possessive nila sa isat isa in a way na hindi nakakainis. They belong together. As in magaaway sila kasi si Travis sinisira yung date ni Abby kay Parker kasi nagseselos siya, kasi si Abby hihintayin si Travis makauwi sa gabi na may kasama palang ibang babae, kasi ganito ganyan, pero still babalik at babalikan talaga nila yung isa't isa.

Nakakatuwa kasi totoo yung reviews sa net, na kapag sinimulan na tong basahin, hindi na matitigilan. I started reading this at 2am ata, kaso nagiinternet ako at kumakain kaya hindi ko natapos agad.
Actually bibili na dapat ako ng libro na to mamaya sa bookstore, kaso sinearch ko ngayon Ebook palang pala yung available, sa November pa lalabas yung paperback ata.

Hay. Babasahin ko siya ulit! Nakakakilig talaga sobra. Kahit na ang cheesy minsan, pero oks lang, napapasmile talaga ako haha. plus ang sexy pa <3

hay... Beautiful Disaster :)




My favorite twins!

I'm so bored kaya nagpictorial nalang kami ng twins ko. haha! lol pictorial.


Oink and Oinky
  



Munkie and Dunkie


Cuties talaga. :) kaso mejo maalikabok na sila kasi I don't use them everyday :| tinatawanan kasi ako ng papa ko haha kaya nakadisplay lang sila.

Anyway, good night!