Pages

Hello there!




When I'm sad, i write. When I'm happy, i write too! well only sometimes!
When I'm mad, I write again.
When I'm [name it], yes, I write everything:)
I love typing e. hehe.



Enjoy :] though ngayon palang magbibigay na ako ng warning. Halos kadramahan ung nandito because pag masaya ako, or inspired, hindi ako nakakapagsulat masyado, baliktad haha. So mas madaming drama kesa happy moments.

I'm not a good writer nga pala, usually what I write in here dere-deretso ko lang tinatype and I dont proofread it. At last na, bitin yung ibang kwento, lalo na pag inatake ako ng katamaran.


P.S.

thank you sa pagdaan dito sa blog ko

love,

Wednesday, June 7, 2017

feels..

quotes flood - kasi hindi ko maexpress ung feelings ko talaga..

Image result for wrong timing quotes
or in our case, third try?

Image result for wrong timing quotes
will "time" be ever be on our side?

Image result for wrong timing quotes
SO TRUE! :(



Image result for wrong timing quotes
maybe.. 
You will never have to force anything that's truly meant to be.:
.

Image result for maybe one day quotes
.
Image result for maybe one day quotes
or in another life..




Sunday, October 13, 2013

KL AND SG AUGUST 2013



-- tickets lang binili namin ni Joyce
-- Original date Sept 7-11 kaso kinancel ang Air Asia ang flight namin.So pinalipat ko sa Aug 23-28


Malaysia

1. Grabeng lakaran pagbaba sa plane 
2. From the airport adventure agad. Madali lang makita yung bus dun papuntang city. Siguro it took us ~1hr from KL LCCT to KL Sentral
3. Mejo naligaw kami sa KL Sentral haha. Sakay kasi kami dapat ng train papuntang Bukit Bintang, outside KL sentral pala yun
4. Walang gentleman. hindi uso dun! walang tumulong samin ni Joyce maagbuhat ng maleta namin :( 
5. Pagdating namin sa Bukit Bintang, tabi tabi lang hotel so nakapili kami agad.
6. Nung gabi nagmall kami agad at kumain. Mahilig ang Malaysian sa mga maaanhang. As in! Literal.
7. Tulad sa Taipei, mahilig sila sa fresh fruit juices tapos yung durian dun sa tabi tabi lang kinakain, ginagawa din ice cream
8. Ang ganda ng Petronas Towers! Shining shimmering and splendid siya. Mas maganda kesa sa Taipei 101. hindi ko naman kasi nakita ng gabi un haha
9. Safe sa Malaysia, kesa sa Manila! 
10. Taxi... carry lang.. mas mura kesa sa Singapore
11. Oo nga pala, nung naglalakad kami ni Joyce hindi namin alam na nasa loob na pala kami ng Petronas Towers, haha may tawag dun sa lakaran na yun e, na maglilead sayo papasok dun sa Petronas. Nakalimutan ko lang
12. Nung day 2, nagrent kami ni Joyce ng taxi driver ~php2.5k
dinala kami sa Genting Highlands, Batu Caves, Strawberry Farm, Chocolate factories, Leather factory at Pewter factor.. 
13. Sobrang ok sa Genting. Sayang lang talaga at hindi kami nakapag overnight dun. mga ~20 minutes kayo sa cable car.
14. Super lamig sa Genting. haha naalala ko nga yung Taiwan.
15. Batu Caves, wow.. Nakakatawa lang talaga hindi ko sinamahan si Joyce umakyat dun haha! sorry friend.
16. Bait ng manong driver, pinipicturan kami lagi.
17. Si taxi driver pala iniiwanan lang na bukas ung kotse niya, wala daw kasi magnanakaw dun!
18. Mcdo at KFC lang pala ung kinainan namin dun ni Joyce haha nagsawa talaga kami! joke hindi
19. Nagbus kami papuntang Singapore. Had to go down dun sa may Malaysia immigration para tatakan ng exit ung passport namin tapos sakay ulit sa bus. baba ulit sa may SG, tatak ulit then un na.. 
20. Oo nga pala, ang tindi namin joyce. haha nakashorts lang kami mag cross country! samantalang yung iba todo cover, hangang paa pati mukha nakabalot.. 


---dadagdagan ko pa to

Tuesday, September 17, 2013

I'm so happy lately..

Life's good atm

Tuesday, June 4, 2013

Work

Grabe 11 nights na akong sunod sunod pumapasok! Im so stressed sa work.
Nakakastress lahat!

Siguro dahil hindi na ako masaya sa work ko? sa company oo, sa job role parang hindi na



30 years of Rock and Roll

True story ng KKK (Kiera and Kellan Kyle) lol, halata bang favorite ko ang Thoughtless?

Ok soooo.. I know I suck at writing reviews, although I'm not sure if this is actually a review HAHA! Parang ikwekwento ko lang kasi yung book e.

Ako yung person na sometimes nagjajudge ng book by its cover, but can you blame me if this caught my attention immediately?


Hindi din ako fan ng Rolling Stones. Hindi nga ako mahilig sa music e. In fact my iPhone has only 7 or 8 songs ata. Loser? Hindi siguro haha!

So yun nga, yung cover! 30 years married daw to a rolling stone.. It caught my attention kasi it's an autobiography. Real life story! At kwento pa mismo ng girl.

Mejo nahirapan ako basahin nung una kasi hindi ko kilala ang band members, so while I was reading it, nakaready ang wikipedia ko..

So ito yung pinakwento niya. Si Jo Wood, married na agad ng 18 years old. Nagkaron siya ng 2 babies sa husband niya kasi pinaabort niya yung isa. Mejo matanda yung unang husband niya e kaya boring daw ang sex life nila. Si Jo, model pala.. maganda siya and all.
Nung pinanganak na yung baby nila, never daw inalagaan nung guy yung baby. Never pinagtimpla ng milk, pinalitan ng diapers, things like that.
Kaya si Jo, nawalan ng gana. Sino ba naman kasing hindi?


Then iniwan ni Jo yung guy. Iniwan niya yung baby sa family niya tapos pumunta na siyang London para magmodel ulit. Nagdivorce din pala sila agad. Mga 20 years old ata siya nung nagdivorce sila.

Then isang gabi nagkita sila ni Ronnie, sa isang party. Si Ronnie, lead guitarist ng Rolling Stones(tama ba??? nung una kasi kala ko lead singer e).



Watch the vid!! Yan na si Jo ngayon.

Anyway, dun na nagstart ang pagdedate nila. Sa sobrang enjoy ko sa book ayaw ko ikwento lahat para mabasa niyo din.

Yung pagsasama nila ni Ronnie, puno ng sex, drugs, alcohol and of course rock and roll. Tour dito, tour duon, concert dito, gig duon, after party dito, jamming dun, sa London America Africa at sa ibat ibang bansa. Andun lahat si Jo.

Nagstart sila ng family while non stop ang partying ang rocking. Para sakin wow ang cool nun! Kaya lang grabe sila mag drugs! as in. Too much coke, too much of everything! Hangang sa ang payat na nilang mag asawa. Hangang sa hindi na nila masyado nakasama yung kids nila dahil sa pagkukulong sa banyo (freebasing)..

Despite ng mga kalokohan nila at lahat ng pinagdaanan nila, sobrang they loved each other. Though sa book hindi namention kung maPDA sila.. Hindi din sila super *olala in love* na laging nag eexchange ng I love yous pero mafifeel mo talaga sa pag kwento ni Jo yung love na they had for each other.

Pinast tense ko yung "have" kasi nag divorce na sila. Siguro the love they have for each other will always be there pero yung romantic love, yun yung naging past tense.

Ok silang dalawa hangang sa nalulong na sa alcohol si Ronnie. Dumating daw sa point na yung delivery trucks na ang nagsusupply sa bahay nila ng alak. dba wtf?? ang tanda niya na nun ha, mga 50+ na.

Hangang sa may naging girlfriend si Ronnie na 18 years old. WTF. Ang gago lang! I mean, how can he do that to his wife/partner for 30 years? Ouch lang talaga.
Actually hindi makapaniwala si Jo dahil yung girlfriend ay 18 years old. Mas bata sa mga anak nila!

Si Jo dba may anak ng isa before? then si Ronnie meron din isa sa dati niyang wife. Si Jo and si Ronnie nagkaron ng 2 kids. So 4 yung anak nila.

So parang pati yung mga anak nagalit sa dad nila kasi nga ang tanda tanda na magloloko pa?

Heartbreaking talaga. Umiyak talaga ako dito. Talagang naawa ako kay Jo.
Pati sa canteen sa work nung kinikwento ko sa mga kasama ko yung story naiiyak ako! My god nakakahiya pero grabe lang talaga.

Nakakalungkot kasi e. Yung love ni Jo para kay Ronnie feeling ko na take for granted. I just know the feeling and siguro yung nafeel ko walang wala pa sa nafeel niya. I hate home wreckers! Im happy at walang ganun sa family namin. Sana sa future husband ko at sarili kong pamilya wala din umeksenang ganun.

Nakakalungkot yung 1st Christmas ni Jo na mag isa lang siya, yung pupunta siya sa event na siya lang bilang "JO" lang at hindi "Jo, asawa ng isang Rolling Stones" yung tipong ganun.. nakakalungkot.

Bittersweet..










Saturday, May 18, 2013

Boracay Pictures again





favorite picture! nalaglag ako






















Sunday, April 28, 2013

First time ko lang sa Boracay at talagang babalik ako dun! Paradise talaga!

First time sa DMIA.. Boo.



View from my window(about to land)

Outside the airport (Kalibo)


Gotta wear those aqua shoes! :) 
Ok malumot kasi sa Boracay e. Pero ang totoo nyan bata palang ako ayaw ko na tumatapak sa seafloor although mahilig talaga ako magbeach. Si miss kapit ako e pag wala akong shoes

After our helmet diving. Mga 30ft siguro ito. I know how to swim kaya di ako takot

Sabi ko nga sa instagram ko, enjoying bora to the fullest

Outside our hotel (Crystal Sand)  - will definitely go back there

Nagpabraid ako!! Avail! :) 

Sunseeeeeet

Dala ko fone ko sa beach, salamat sa aking waterproof bag :) 

I told them na "Please don't touch me ha nakakatakot kayo!!"
I'm 23 na pero di pa din ako mahahawakan ng isang jokerjester/jokerman
Iiyak ako! parang sial lang 

I said dont touch dba!!! haha 

Flinstones effect ang after braid


I solemnly swear that I am up to no good - Harry Potter book 3?

Lester and I. Papunta sa free lunch buffet

So magpopost ako sa FB ko ng picture, "lunch buffet" tapos dinelete ko, then nung
tinatype ko na ulit ung BUFFET hindi ko na maispell. Talagang nablanko ako. It
happens talaga noh pag iniisip mong mabuti ung word, biglang hindi mo na maspell.
so tawag na ni Lester sakin BUFFEE 

Don Vito Gelato

GOOD MORNING! taho! Yes 6am ako gumigising para magbeach, takot masyado sa araw!

Party :)

1st time ko magpub crawl! 



Showing off my new henna, haha good morning part 2 ito

breakfast buffet 

Henna artist CHUCKIE!! 

Boracay April 2013. Promise. This year, I shall return.